~20~

30 4 2
                                    

Dylan

Ten minutes na kaming late nang makarating sa klase. At kagaya kahapon, wala nang makikitang tao sa paligid.

"Sorry. Nalate ka tuloy," sabi ko kay Zoey

"Ano ka ba? Ako ang may kasalanan kasi pagkadating mo saka palang ako naligo. Promise sa susunod hindi na---"

"Teka, may susunod pa? Ibigsabihin papayag kang sabay ulit tayo sa susunod?" napangiti ako sa sinabi nya. Hindi pa rin ako makapaniwalang okay na talaga kami.

"Hay nako!" natatawang sabi nya bago kumatok sa pinto ng classroom namin. Anak ng tokwang durog! Ang ganda nya.

Bumukas ang pinto at siya ulit ang teacher,

"Well look who we have here. Wag mo sabihing dinamay mo pa si Ms. Valdebella sa pagpapalate mo---"

"Maam, hindi po. It was my fault. Sinundo pa nya po ako sa bahay," pagpapaliwanag ni Zoey

Kung kanina ang taray ng itsura ni Maam, ngayon parang bigla syang naging masaya. Anong meron dun?

"Benitez sya ba yung sinasabi mong nagbigay ng art----"

"MA'AM! He-he. Pwede na po ba kaming pumasok? Halos 7:45 na po oh. Gusto na po namin magklase. Hehe."

Sa kabutihang palad pinapasok naman kami. Whew! Muntik na ko dun ah. Hindi pwedeng malaman ni Zoey na dinala ko yung art kit kahapon. Nahihiya ang gwapo!

Akala ko mapayapa na kaming makakapasok sa room. Hindi pala! Pagpasok namin nag "ayiee" yung buong klase. Puchang ina naman. Wag silang ganyan. Sigurado pulang pula na naman tenga ko. Medyo pinagsisisihan ko na mga nasabi ko kahapon sa harapan ng klaseng 'to. May pa-english english pa ko. Nagkaalaman pa tuloy.

Umupo na ako sa upuan ko sa likod. Syempre, sa school kasi namin dati sa likod ang upuan ng mga co0L kiD, at para na rin makatulog ako ng maayos kung boring man yung lesson. Samantalang si Zoey nasa unahan, upuan ng masisipag. Hay. Sobrang magkabaliktad kami.

Bago palang ako pipikit nang may tumunog na parang wrapper ng chichirya sa tabi ko. Pasimple akong lumingon at nakitang nagbabalak kumain yung katabi kong mataba. Sabi ko sa inyo eh. Dito sa likod umuupo ang mga may "hidden agenda". Yung ibang kagaya ko, balak matulog. Itong katabi ko, balak kumain. Yung iba naman, balak magcellphone.

Parang ang sarap kumain nung Doritos nito. Halatang ang laki ng dinala nya dahil ang laki ng bag nya.

Kinalabit ko sya sa balikat at nilingon naman nya ako nang may cheese powder pa sa labi.

"Pahingi naman," pabulong kong sabi

Bakas sa mukha nya ang pagtataka at pagkagulat sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Bawal bang humingi sa kanya?

Inilapit nya sa akin ng bag nya at dahan dahan naman akong kumuha para walang marinig na tunog ng wrapper.

Dahan dahan din ako pag nguya, tingin kasi ng tingin si Maam. Atsaka, syempre ya know, crunchy yon, rinig na rinig ang pag nguya.

"Huy," pabulong ko ulit na sinabi sa katabi ko

Tumingin sya sa kin na parang kinakabahan at natatakot. Yung totoo, mukha ba akong mamamatay tao? Siga ba yung pagkakaimik ko? Puyat lang naman ako kagabi pero hindi ako nangangagat!

"Pahingi pa," sabi ko at nginitian sya baka sakaling hindi na ako magmukhang serial killer nito

Inilapit nya ulit sa kin ang bag nya at kumuha ulit ako. Habang ngumunguya kumuha sya ng ballpen at nagsulat sa kapirasong papel,

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon