~25~

25 3 0
                                    

Zoey

Hindi ko naranasang magkaron ng kaibigan nung elementary. Solo sa classroom, solong kumakain sa canteen, solong naglalakad pauwi, ganon lang ang buhay ko. Pero ngayon, parang mas mabuti pa yata ang ganon. Ngayong highschool, may mga nakasama nga ako pero hindi naman pala mga tunay na kaibigan.

"Hindi ka na talaga kinakausap Ate?" tanong sa kin ni Yani. 4:00 palang ng umaga. Nagising kami dahil sobrang lakas ng ulan. Tabi kami ngayon sa higaan ko habang nakatitig sa kisame.

"Hindi na. Kapag kinakausap ko sila, sumasagot naman sila pero parang pinapakita talaga na ayaw nila akong kasama."

"Siguro may sinabi dun yung Damon. Hayaan mo na ate. Nandyan naman si Kuya Dylan,"

Tumingin sa kin ang kapatid ko na parang nanloloko. Hinampas ko tuloy ng unan sa mukha. Kulit eh.

Pero kahit grade 6 lang 'to, talo pa nya ko. Mature na agad mag isip. At maraming kaibigan sa school. Hindi kagaya ko nung ganong edad.

Saglit na nanahimik ang paligid dahil hindi ako sumagot. Joke lang pala. Maingay pa rin gawa ng ulan.

"Tanda mo yung nilalaro natin dati?" tanong ni Yani

"Ano yun?" humarap ako sa kanya at nagtaka, anong nilalaro? Puso nalang naman ang nilalaro ngayon di ba? Hehe enebe.

"Yung ginagawa natin sa dominos. Di ba itatayo natin yun isa-isa habang nakahanay tapos itutumba natin nang sunod sunod?"

"Ah oo!" napabangon ako. Nakakamiss yun ah.

Bumangon rin si Yani, "Ang alam ko nasa kwarto ko pa yun eh. Wait lang."

Humiga ulit ako habang hinihintay na mahanap ni Yani ang box ng dominos namin. Ang laki ng box na yun. Punong puno ng dominos na kinokolekta namin dati. Tuwing may magbibirthday sa amin, bumibili ng isang set. Hanggang sa pagsama-samahin namin kaya dumami.

Namiss ko tuloy si Andy. Sya ang expert sa paghahanay ng dominos dati. Ang dami nyang naiisip na style. Minsan nakahanay nang paikot sa sala. Nag-away pa sila ni Yani dati dahil gusto ni Yani sya ang magtutumba ng dominos, ayaw naman ni Andy dahil pinaghirapan nya daw yun.

Mas masakit yatang mamiss ang isang tao na kasama nyo lang sa bahay. Sana bumalik na sya sa dati. Ang tagal ko nang hindi nakikitang masaya si Andy.

Ilang sandali ay nakabalik na sa kwarto si Yani at dala na ang malaking box na puno ng dominos.

******

6:45am. Hindi na kami natulog. Kumakain ako ngayon ng breakfast habang nasa sala si Yani, nanunuod ng TV at umaasa na masususpend ang klase dahil sobrang lakas ng ulan.

"Sinasabi ko na nga ba may bagyo eh," sabi nya habang nakatutok pa rin sa TV

Lumabas si Andy sa kwarto nya nang naka uniform na at umupo sa sala. Hindi sya nagsasalita pero halatang umaasa rin na mawalan ng pasok.


"ZOEY! GOOD MORNING!"

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa sobrang pamilyar na boses na naririnig namin araw-araw mula sa labas.

Si Dylan.

Agad namang tumayo si Andy at pumasok sa kwarto nya. Umiiwas na talaga sya sa tao.

Binuksan ko na ang pinto at nakita si Dylan na basang basa ng ulan. Hindi man lang nya naisip na mag payong?

"Zoey, kinakapalan ko na ang mukha ko, papasukin mo muna ako bago tayo pumunta sa school. Sobrang lamig!" sabi nya at agad ko namang pinapasok sa bahay.

"Yung uniform mo basang basa! Ano bang trip mo? Bakit hindi ka nagdala ng payong? Bumabagyo oh. Basang basa din buhok mo! Wala ka bang dalang pamalit? Magkakasakit ka nyan!"

"Nakalimutan kong magdala ng payong," sabi nya habang nagpupunas sa basahan namin sa pintuan

"Bakit ba ang makakalimutin mo?"

"Ikaw ate, bakit ba ang concerned mo?" mapang-asar na sabi ni Yani na hindi naman kasali sa usapan pero nakikisali. Tiningnan ko lang sya nang masama.

Pagtingin ko ulit kay Dylan, nakangiti lang sya.

"Bakit nakangiti ka pa dyan? Magtuyo ka!" sabi ko at inabutan sya ng isa sa mga towel ni Andy

"ANO DAW? HOY! WALA TAYONG PASOK!"

Iba iba kami ng reaksyon nang isigaw ni Yani ang balita mula sa TV. Ako, nabitawan ko yung hawak kong pandesal. SI Andy, sinara na ang pinto ng kwarto nya. Si Dylan, napaluhod sa tuwa habang nakataas ang parehong kamay habang nakatingala at sinasabing "Thank you Lord!"

"So anong gagawin natin ngayon?" sabi ko noong kumalma na ulit ang paligid

"Ako, matutulog. Kayo, ewan ko," ngumiti ulit ng mapang-asar si Yani bago pumasok sa kwarto nya para matulog

"Uuwi na siguro ako," sabi ni Dylan na kasabay nang malakas na pag kulog sa labas.

"Ang lakas ng ulan oh."

"Dito muna ako?"

"Pwede naman sigu----"

"THANK YOU ZOEY!" sabi nya kahit hindi pa ako tapos magsalita. Nakangiti pa ng todo habang nakatapak pa rin sa basahan malapit sa pinto namin.

"Pwede kang umupo."

"Ay oo nga no. Hehe! Wait ibabalik ko muna itong towel? Sa kapatid mo 'to di ba? Kay Ambi."

"Andy yun. Ako na magbabalik mamaya."

"Ako na," dumeretso sya papunta sa kwarto ni Andy na naging dahilan para mataranta ako

"Dylan, seryoso ako, wag. Magagalit yun. Ayaw nya ng may pumapasok sa kwar----"

Too late. Kumatok na sya.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon