~5~

54 8 4
                                    

-Dylan-

Hindi ako natutuwa sa ulam namin ngayon.

Minsan ko na nga lang makasabay pag kain si  mama at papa dahil sa sobrang kabusyhan nila, tapos talong pa ang ulam. Namiss daw nilang kumain ng gulay dahil palagi lang silang nagpapadeliver sa fastfood.

"Dylan, anak, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong sa kin ni mama

"Turo nyo po sa kin, it's important to pray and be thankful before eating."

"Halos ten minutes ka ng nagdadasal."

Ten minutes na ba yun? Ayoko kasi talagang kumain.

"Palibhasa, ayaw kumain ng gulay," sabi naman ni papa, kaya kailangan ko na talagang kumain. Nakakatakot na kapag nagalit yan, tuloy tuloy na.

"Mama, Papa, inlove na po ako!" sabi ko habang kumakain, na halatang ikinagulat nila. Pati si inday na naglalagay na ng juice sa mesa parang muntik ng mabitawan yung mga baso.

"Kanino ka naman inlove?" tanong ni Mama habang nagtataka pa rin. Nagulat siguro sila dahil hindi naman ako nagsasalita ng ganon. Nagbigay lang talaga ako ng pang malakasan na topic para hindi nila mapansin na konti lang ang kinukuha kong talong.

"Sa classmate ko po. Si Shailene."

"Hindi ako naniniwala. Pano mo nasabing inlove ka na? Ano bang nagustuhan mo kay Shailene?" tanong naman ni Papa.

"Crush nya ko, tapos maganda sya, kaya crush ko na rin sya. Niligawan ko na rin po sya. Binigyan kong chocnut at roses tapos ngayon M.U. na kami dahil uso yun sa school."

Nanahimik at nagkatinginan pa sila pareho na parang pareho ng iniisip.

"Ikaw na. Hindi ako magaling sa ganyan," sabi ni papa kay mama

"Bakit ako?"

Bago pa sila magtalo, tumayo nalang muna ako para kumuha ng juice. Pagbalik ko sa dining area, nagsalita na si mama.

"Alam mo anak, ang pagiging inlove, hindi lang yan sa itsura. Sige ganito nalang, masasabi mong inlove ka, yung kapag nakikita mo sya o kapag naririnig mo boses nya o kapag naririnig mo pangalan nya, parang bumibilis at lumalakas yung heartbeat mo. Ganon lang ka-simple yun."

"Oo nga, simple lang yun," pag sang-ayon naman ni papa

"Simple lang pero hindi maipaliwanag ng papa mo. Pero Dylan, eto ang tanong ko, bumibilis ba ang heartbeat mo pag nakikita mo si Shailene?"

"Hindi. Kailangan ba? Pero maganda sya. Sya yung pinakamaganda sa classroom!"

"Hindi ka nakakaramdam ng parang masaya na kinakabahan pag nakikita mo si Shailene?"

"Hindi po."

"Hindi ka pa inlove, anak. Hindi ka inlove kay Shailene." kalmang sabi ni mama

"Pero maganda talaga sya! Crush nya ko tapos crush ko na rin sya! Tapos...tapos...ano...basta! Basta inlove na ako sa kanya!"

"Stop shouting at the dining table kiddo. Hindi tama."

"Papa naman, grade five na po ako. Binata na ko."

Tumayo na ako at nagsimula nang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Kung wala silang balak maniwala sa kin, wala rin akong balak kumain ng talong.

"Sino ba yung Shailene na yun?" narinig ko pang tanong ni papa kay mama

"Hindi ko rin alam.”

"YUNG MAGANDA NGA PO!" sabi ko mula sa hagdan at nagpatuloy nang umakyat

"DYLAN BENITEZ, I TOLD YOU TO STOP SHOUTING!"

Pumasok na ko sa kwarto ko para wala nang gulo. Bago ako matulog, pinuntahan ako ni mama sa kwarto ko.

"How about that girl back in kindergarten? Si Zoey nga ba yon?"

Napatigil ako sa sinabi ni mommy. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita, hindi ako makahinga ng maayos. Bakit ganito? Pero ilang segundo, bumalik rin agad lahat sa normal.

"Matagal na po yun."

Habang nakahiga ako, bago matulog nung gabing yun, naisip ko...

Bakit ba kailangan pang bumilis at lumakas ang heartbeat pag inlove?

Ang dami pang kaartehan. Di ba dapat pag nasabi mong inlove ka na, inlove ka na talaga!

Pero ang pinaka nakakapagtaka talaga, bakit parang nawala ako sa sarili ko nang banggitin nila si Zoey?

Siguro, galit na galit lang talaga ako sa kanya, kaya kapag naririnig ko pangalan nya, nawawala ako sa sarili ko.

Matulog na nga lang! Ibibili ko pa bukas ng Oreo si Shailene!

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon