~2~

59 9 0
                                    

-Zoey-

Nung first time kong sumama sa afternoon class ni mommy, may napansin agad akong nakakatuwa.

Yung batang lalaking nasa fourth row, malapit sa bintana.

Sobrang cute nya! Ang ganda ng mata nya, ang cool ng buhok nya, at mukhang fresh na fresh! At mukha pang mabait!

Habang nagsasagot sila sa activity book, tiningnan ko agad ang seat plan sa table ni mommy at hinanap ang pangalan nya.

Fourth row.

Five seats to the left.

There it is!

Dylan Benitez

Pangalan palang nya napapangiti na ako. Sobrang cute!

Hindi ko alam kung bakit ko naiisip to pero feeling ko kailangan kong gumawa ng paraan para mapalapit sya sa kin. He makes me happy. Dapat pala nag afternoon class nalang ako para classmates kami.

Hmm, di ba kapag napapagalitan ang bata inihihiwalay at pinapupunta sa unahan? That's it!

Kailangang mapagalitan sya ni mommy!

Saktong nakita ko syang may kausap na kaklase. Nanghihiram yata ng lapis. Pero itsura namang nangongopya sya kaya pwede na 'to.

Huminga ako ng malalim at...

"Mommyyyyy! Si Dylan Benitez nangongopya!"

Medyo nainis si Dylan sa ginawa ko. Nahalata ko kase nagsalubong yung mga kilay nya. Still cute!

"Hindi po teacher. Nagtatanong lang po si Zildjian kung may pencil ako."

"He's lying mommy! I saw him cheating!"

Bwahahaha malapit ko na syang mapalapit!

"Hindi ko ginawa yon! Di ba Zildjian?"

"Teacher, nagsasabi po ng totoo si Dylan, nanghihiram lang po ako ng pencil."

Kinampihan pa sya ng butiking ito! Si Dylan ang gusto ko hindi ikaw!

"Then go back to answering in your activity book. Zoey, nagpapahiram lang ng pencil si Dylan, okay?"

Medyo napikon ako kasi hindi nagwork yung plan ko. But I managed to smile kasi may bago akong nalaman...

Ang cute pala nya lalo pag naiinis. At ang bait pa! Kasi nagpahiram daw ng pencil diba?

Hihihihi.

That didn't stop me. Lagi ko pa rin syang isinusumbong kay mommy para mapagalitan sya at para umupo sya dito sa may teacher's table kasama ko. Natutuwa rin ako pag naiinis sya dahil ang cute cute nya!

I want him to notice me!

Dumating ang araw na nagtagumpay ako! Napagalitan sya ni mommy at pinaupo sa unahan katabi ng teacher's table.

Habang naglalakad sya papunta sa unahan or should I say "papalapit sa akin", habang dala dala pa nya ang activity book nya at pencil, parang hindi ako makahinga ng maayos, parang hinahabol yung puso ko. Para ring nagiging slow motion yung paglapit nya.

Pero hindi naman nagtagal ay bumalik na sa normal yung paghinga ko. Nagsasagot na sya ulit sa activity book, dito malapit sa kin.

Magkalapit na kami! I cant believe it. Ang bango nya! Amoy berry knots na strawberry flavor. Yun siguro kinain nya nung recess.

Nag enjoy akong panuorin yung pagsasagot nya. Tinutulungan ko rin sya minsan. Binabasa ko yung instructions at ineexplain ko sa kanya. I liked helping him. Dinidikta ko rin sa kanya yung mga kinokopya nya sa blackboard. Close na yata kami, hehehe.

One time, habang pinapanuod ko syang magsagot, tiningnan nya ako nang diretso sa mata. Napatingin rin ako sa kanya.

Kaso may nakita akong dumi sa mata nya, lumapit ako para i-check kung dumi nga yon, nang bigla kong naramdaman yung labi nya sa labi ko.

He kissed me!

In the lips!

Nakakabigla. I had no idea why it happened.

Niloko kami ng mga kaklase namin.

Bakit nya kaya ako kiniss?

Ramdam kong namula ako. Nakita kong namumula na rin sya at nahihiya. Ang cute nya lalo.

That's when I realized na...

Crush yata ako ni Dylan Benitez!

****

Soon, naging elementary na kami. Yes! Grade one na ako!

Pumasok na ako sa classroom habang hinihila ang de-gulong kong bag na Frozen ang design. Naka-ponytail ako na pink with pink feathers na binili ni mommy last week.

Mabuti nalang wala pa yung teacher.

Nakikipagkwentuhan ako sa mga kaklase ko tungkol sa favorite cartoons namin, when the best thing in the world happened...

Si Dylan Benitez, pumasok sa classroom namin!

Hila-hila ang bag nyang de-gulong din na Avengers ang design. Bagong gupit sya. As always, fresh na fresh na naman. He looked better than ever!

Nagmamadali syang tumakbo papunta sa cabinet na may mirror.

Hmm

Nagpapapogi pa yata sya para sa kin!

Hihihihi.

Hindi ko na napigilang magsalita.

"Dylan! Tabi tayo!"

Lalapitan ko na sana sya para dalhin sa desk namin kaso hinila na sya nung lalaki. Yun na namang Zildjian. Lagi nalang umeepal.

"Nung kinder, nagkiss si Dylan at Zoey! Hahahaha."

Napatingin ako sa kaklase naming nagsalita sa unahan.

Niloko ulit nila kami.

Nagflashback yung nangyari nung kinder.

Namula ulit si Dylan. Crush talaga ako nito!

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon