~29~

31 1 0
                                    

Zoey

Narinig ko sa mga kaklase namin na may nililigawan daw si Dylan dito sa klase namin.

SYEMPRE, AKO YUN.

Maglolokohan pa ba tayo? Eh di ba nga, crush na crush ko sya nung elementary? SINASABI KO NA NGA BA, HINDI AKO NAGKAMALI.

CRUSH NYA RIN AKO.

Just imagine, bibigyan nya ako ng flowers at chocolates. Tapos mag-a-iloveyou sya sa kin. Tapos ililibre nya ko sa recess. Tapos sabay kami uuwi.

And finally, dumating na yung araw na pinakahihintay ko! Saktong naglalakad palang ako papunta sa classroom nang makita ko sya. Nakatambay sya pintuan ng classroom, patawa-tawa, habang nasa likod ang isang kamay. Kaya nasabi kong eto na talaga yun! Mabuti nalang ready ako.

Fresh na fresh pa rin sya, as always. Ang ganda pa rin ng mata at buhok nya.

Slow motion na naman ang paligid habang papalapit na ako sa kanya. Lumalakas na naman ang heartbeat ko.

Eto na sya sa harap ko. Anytime, magsasalita na sya. Anytime, magtatapat na sya. Okay Zoey, act normal lang. Kunwari hindi ko inexpect.

"Padaan ako." sabi ko. Mabigat ang bag ko, gusto ko munang ipatong sa loob.

"Hehe. I love you too." sagot nya

WAIT.

Parang may mali.

LINYA KO YUN AH?

"Ang sabi ko, dadaan ako," pagtataray ko kunwari

Inilabas nya ang tinatago nya sa likod.

BULAKLAK NA TIG SESEVEN PESOS NA GAWA SA PLASTIK AT CHOCNUT.

"Good morning Zoey," natatawa nyang sabi habang inaabot ito sa kin

BAKIT BA KASI ITO? Usong uso 'to nung grade five kami, tuwing may manliligaw sa room.

Natawa na rin ako. "Dami mong alam," pabebe kong sabi.
GRABE RAMDAM NA RAMDAM KONG ANG GANDA KO NGAYONG ARAW NA 'TO.

"Bakit?" natatawa pa rin nyang sabi. Pati boses nya, ang gwapo ngayon. Nakakaasar, anong nangyayari? Ang cute cute pa rin ng ngiti nya, hindi ako makatingin ng maayos, yung mata nya direktang nakafocus sa mata ko, "Matagal mo nang gusto yan di ba? Yan yung bagay na hindi ko naibigay sayo dati."

"Lah, parang tanga tohh," pabebe ko pa ring sabi.

HUWAG NA KAYONG UMANGAL. BAWAL KILIGIN HA? BAWAL? KAYO LANG ANAK NG DIYOS? HALOS PITONG TAON KO 'TONG HININTAY. PAGBIGYAN NYO KO.

Dumating na nga sa puntong akala ko hindi na to mangyayari. Dumating sa punto na nawalan na ako ng pag asa at nagboyfriend nalang ng mamon.

And yes, mamon na rin ang tawag ko kay Damon. Ang lakas makaimpluwensya ni Dylan.

kAsiNg LakAs nG tAmAh nYa xAh kEhN. Hehehe!

Pumasok na kami sa loob at niloko pa ako ng iba naming mga kaklase. Akala ko lolokohin ako ng something like "ayieeee kilig yan" or "ayieee ang sweet naman nila". Pero hindi guys. HINDI. Mas niloko pa ako dahil sa plastic na bulaklak. Bakit ba kasi ang lakas ng trip ni Dylan?

"GRABE ANG BANGO NUNG ROSES, ABOT HANGGANG DITO"

"HALA ZOEY, DILIGAN MO YAN BAKA MALANTA,"

"UY MAY PASO SA BAHAY YUNG NANAY KO, GUSTO MO ZOEY?"

"Ayun, tamang tama Luis, dun nalang namin itatanim," pakikiride ni Dylan sa lokohan kay Luis, ang bestfriend ni Aaron. Kaso wala na si Aaron at Jaquelline ngayon. Pinagkasunduan daw ng mga magulang na ilipat na ng school dahil hindi daw safe ang school na ito. Hala eh sa labas nga ng school sila binugbog. Bahala sila. I'm starting to like it here.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon