~19~

24 4 0
                                    

Zoey

Pumasok ako sa bahay at naabutang naghuhugas ng plato ang kapatid kong si Yani. May dalawa akong nakababatang kapatid. Si Yani, twelve. Si Andy, fourteen.

"Anong oras na ate oh?" naiinis na sabi ni Yani. Madalas hindi ko alam kung mahihiya na ba ako sa kanya o ano. Twelve years old palang pero ang mature na ng pag-iisip. Katulad ngayon, sya pa ang nagagalit na late akong nakauwi.

Kami nalang tatlo ang magkakasama sa bahay mula nang mag abroad na si Mommy. Yung tatay ko naman, kung hindi ko man nabanggit, kinder palang ako nang maghiwalay sila. Noong mga araw na hiwalay na sila, wala kaming ibang koneksyon sa kanya kundi mula kay Andy. Sya kasi ang pinakaclose kay daddy, kaya kahit hiwalay na sila, nagkikita pa rin sila ni Andy tuwing sabado. Pero may nangyari. Two years ago, grade eight ako, nang malaman naming naaksidente sya sa pagdadrive at binawian na ng buhay.

Kaya ngayon, kaming tatlo nalang talaga ang tao dito. Dinadalaw kami ng tita namin every week pero iba pa rin kasi kapag may kasama talagang magulang. Pero habang tumatagal naman nakasanayan na rin namin.


"May ginawa lang ako sa school. Anong ulam?" tanong ko kay Yani

"Yung kanina pa rin. Adobo."

"Okay. Si Andy, kumain na?"

"Oo, kanina pa."

Mula nang mamatay ang tatay namin, bihirang bihira na namin marinig magsalita si Andy. As in sobrang mabibilang mo kung ilang beses sya nagsalita sa loob ng isang araw. Hindi rin sya kumakain kasama namin. Sa kwarto lang sya. Madalas lang syang nakaheadset, nagpapatugtog. Para syang nagkatrauma na parang laging depressed, ewan ko ba. Minsan naririnig namin syang umiiyak habang tulog, baka napapanaginipan nya pa rin ang tatay namin. Nakakaawa, hindi ko na alam kung anong dapat gawin sa kanya. Kahit anong gawin namin, hindi sya bumabalik sa dati na maingay at masayahin.

"Sa tingin mo ate, babalik pa kaya sa dati si Kuya? Namimiss ko na yung pagiging makulit at masayahin nya eh." sabi ni Yani habang kumakain ako at nagtitimpla naman sya ng juice.

"Dalawang taon na rin syang ganyan eh. Hindi ko na alam."

"Hindi ko na rin nakikitang kasama nya si kuya  Kiel at yung iba nyang mga kaibigan. Palagi na syang mag-isa sa school."

Magkaiba kami ng school. Si Yani at Andy, nag aaral sa school malapit lang dito sa bahay. Ako lang talaga ang napa-layo dahil nabigyan ako ng scholarship. Mabuti nalang mababait mga kapatid ko. Hindi kagaya nung iba na nagagalit at naiinggit.

Yun nga lang. Parang may kulang dahil nag iba na si Andy. Kami nalang ni Yani ang palaging magkausap.




Bago ako matulog bigla akong may naalala. NAWALAN NGA PALA AKO NG PERA. Wala na akong pangbaon at pamasahe. Nahihiya naman akong humiram kay Yani dahil nabanggit nyang may mga bayaran pa sila sa school ngayon. At ayoko rin na malaman nya. For sure papagalitan ako ng batang 'to.


****

"ATE ZOEY 6:30 NA BAKIT NAKAHIGA KA PA DYAN?"

Ang bilis naman ng gabi. Parang ilang oras lang akong natulog. Ayokong pumasok! Wala akong baon. Nakakapanghina. Wala akong pamasahe. Buti sana kung nalalakad lang yung school na pinapasukan ko. Makikibalita nalang muna ako sa mga kaklase ko kung anong nilesson. Maiintindihan naman siguro ako ng adviser namin.

"Wala kaming pasok ngayon. May seminar ang teachers." pagsisinungaling ko. Ayaw ko munang malaman nya na nawalan ako ng mahigit isang libo.

"Ang daya! Sige. Kakain lang ako tapos paalis na ako."

Matutulog nalang ulit ako. Dalawang minuto palang siguro akong nakapikit nang biglang sumigaw na naman si Yani.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon