~17~

29 6 3
                                    

Zoey

"HA! CHECKMATE!"

"Sayang! Muntik na ko dun!"

As always, first round palang panalo na sa chess si Damon. Palaging silang tatlo lang ang magkakasama dito sa library tuwing hapon. Syempre supportive ako sa boyfriend ko, lagi akong nandito tuwing magchechess sila. Kung yung ibang mga lalaki dyan mga basketball player na pinapanood ng mga girlfriend nila, sorry ibahin nyo kami ni Damon.

"Mga pre, ganyan kasi talaga pag may inspirasyon!" sabi ni Damon at tumingin sa kin

"Yown! Yan tayo eh hahahaha" panloloko naman ng kaibigan nya.



"Sa wakas dumating din!"


Napatingin kaming tatlo sa pintuan ng library kung sino yung sinasabi nyang dumating. Nanahimik kami nang dumating si Dylan.


Niyaya nga pala sya ni Damon.



Halata sa itsura nya na parang bad mood sya. Umupo sya sa tabi ni Damon, katapat ko, na parang napipilitan. Si babe talaga, pinilit lang yata 'tong isama eh.

Ang weird makitang magkatabi sila. Sobrang opposite nila sa isa't isa. Sa ugali palang, si Damon kasi sobrang friendly. Etong si Dylan mukhang suplado. Si Dylan ang tangkad na, hanggang tenga lang yata nya ako. Itong si Damon, kaheight ko lang (kaya bagay kami eh!) Si Dylan ang puti. Si Damon, um, okay basta!

Yung itsura kasi ni Damon pag una mong nakita mukha talagang good boy. Mukhang matalino. Mukhang seryoso sa pag aaral. Pag nagsalita sya, ang proper, halata mo talagang edukado. Pero itong si Dylan? Unang tingin mukha na talagang bad boy. Sa pagsusuot palang nya ng uniform namin na longsleeves, tinutupi ba naman nya. Akala ba nya cool? Atsaka, hindi sya sumusunod sa proper haircut ng boys. Kaibahan ang haircut nya. Medyo ang haba ng buhok nya kumpara kina Damon na halos flat lang. Nako lagot sya kapag nakita ng principal. Atsaka kapag nagsasalita sya, nako walang wala sya kay Damon. Ang cold nya masyado magsalita, parang wala sa mood. Mabuti nalang hindi ko naabutan ang pagsasalita sa unahan nung magdadala ng something special at ieexplain. Ang panget siguro ng boses nya. Atsaka, sa ngiti palang oh! Angat na agad si Damon ko. Ang ganda ng ngipin ng babe ko. Pantay na pantay. Cute sya pag ngumingiti. Pero itong si Dylan? May isang ngipin na hindi kapantay, sa tabing part. Ew. Kapag ngumingiti sya, halos tagilid na. Eww.




TEKA BAKIT KO BA SILA PINAGCOCOMPARE? Alam ko namang kay Damon talaga ako.



"Guys, bago kong kaibigan, si Dylan," nakangiting sabi ni Damon.

Bumati rin naman ng nakangiti ang dalawa nyang kaibigan. Mga good boy talaga!

Tinaasan lang nya ito ng kilay.

Wow. Teka ha.

Ang energetic ng pagsasalita ng babe ko at ang bait ng friends nya tapos tataasan lang nya ng kilay ng walang gana? Hindi na talaga sya nagbago. Wala pa ring ugali. #MedyoBadBoy pa rin. Sorry pero hindi na uso ang bad boy ngayon. Mas nakakainlove na yung mabubuti ang ugali.


"Dylan, sya si John john, ito si Bon bon, at si---"


"Please wag nyo na akong isali sa usapang 'to," pabulong kong sabi.


"Si Zoey, girlfriend----"



Bago pa matapos ni Damon ang sasabihin, nagulat ako nang biglang magsalita si Dylan.







"Ah oo, girlfriend ko."









ANO DAW?

TEKA HINDI AKO PREPARED HA.




From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon