~32~

31 1 0
                                    

Dylan

Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip ko ang mga kulubot sa mukha ni Mrs. Estrella at kung paano nya itinutok sa mukha ko ang walang kwentang video at sinabing, "Benitez, kaibigan mo ba sila?"

Agad naman akong umoo. I won't deny my friends. Hindi ko gawain yun. Atsaka wala naman kaming ginagawang masama sa video. Kung anong eksaktong nangyari nung araw na yun, ay sya rin mismong nandun sa video. Nag uusap usap lang kami at kumakaway sa isa't isa nung paalis na ko.

Hindi ko alam na may ginawa na pala agad na kwento si Luis. Si Luis na mukhang tikbalang. Si Luis na wala ng ibang ginawa kundi magyabang sa school. Si Luis na akala ko kasundo ko.

"Maam," bungad ko kanina habang pinipilit ang sarili na maging kalmado, "I know I've made mistakes in the past but please don't use it to affect my current situation. Bumabawi na po ako. Nagbago na po ako mula noong lumipat ako sa school na 'to."

"Ang sabi ni Luis, ikaw daw ang leader ng mga binatang to."

"Yes maam, noon po, pero---"

"And I'm sure you are aware that these five students are the ones that created violence against two of your schoolmates,"

"Maam, wala po talaga akong kinalaman sa----"

"Hindi ko mapipilit na lumabas kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa inyong dalawa, but a top student like Luis won't come to my office para lang gumawa ng kwento, am I right? Don't worry Benitez, pagbibigyan kita. But let this serve as a warning. Alalahanin mo na mahigpit naming dinidisiplina ang mga studyante dito,"

Naglalaro pa rin sa isip ko ang usapang ito habang nagdadrive pauwi. Pero tila biglang natunaw ang puso ko nang makita ko ang nag aalalang mukha ni Zoey. Yung galit ko kanina biglang napalitan ng awa. Parang kabadong kabado sya. Ayokong mastress sya ng dahil lang dito. Hindi nya deserve to.

"Dylan, may dapat ba kong malaman?"

Hindi ako nakasagot hanggang sa makarating na kami sa labas ng bahay nila. Ang tagal kong nag iisip ng sasabihin. Ang tagal kong iniisip kung tama ba na sabihin ko na sa kanya ang lahat. Bakit ba napakaduwag ko?

Itinigil ko ang sasakyan sa labas ng bahay nila.

"Zoey, gusto mo ba talaga ako?"

She just stared at me, with all the signs of confusion her eyes could create. I remembered how beautiful her eyes are. Dinrawing ko ang mga ito kagabi.

"Anong nagustuhan mo sa kin?"

She answers, but she doesn't face me,
"Sobrang naaappreciate at natutuwa ako sa personality mo."

Huminga ako ng malalim, "Zoey,"

Humarap na sya at itinaas ang dalawang kilay na parang hinihintay ang sasabihin ko. She looks so kind, innocent, pure. Lalo kong naramdaman ang pinagkaiba namin.

"Ang hirap..." I paused.
Halos manginig ang panga ko pagsasalita,
"...kapag may rason ka kung bakit mo gusto ang isang tao. You liked me dahil sa personality ko. What if that personality isn't really who I used to be? Ang hirap kumapit sa reason na yun Zoey."

She's quiet, hindi nya ako nililingon, but she's listening. I can tell by the way she stares at the car's window

"Oo, may dapat kang malaman. Marami kang dapat malaman,"

Humarap na sya sa kin. Puta tama ba to? Gusto ko lang magpakatotoo sa kanya.

I continued, "I've been hiding my past from you. And I'm really sorry for that. Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit apat na beses na akong naexpel? Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit isang araw na nasa loob tayo ng grocery bigla nalang akong nagyayang umalis agad? Nagnakaw kami dati sa grocery na yun. Hanggang ngayon nga yata, nakapaskil sa pader nila yung pagmumukha namin ng mga gago kong kaibigan,"

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon