~6~

42 8 2
                                    

-Zoey-

Tumayo ako sa harapan ng salamin at sinuklay-suklay ang buhok ko.

Maganda rin naman ako eh.

Ang pinagkaiba lang, ganito yung mata ni Shailene. (hinila ko ng konti yung balat ko sa tabi ng mata para maging katulad kay Shailene)

Ano nga bang tawag dun? Singkit?

Tapos yung ilong nya, parang ganito.

(hinila ko pataas ilong ko para maging katulad sa kanya.) Mas matangos lang naman ng konti yung kanya eh.

"Zoey, apo, ano naman iyang ginagawa mo?"

"H-ha? Uy! Lola! Wala po yun, wala po. Hehe."

Nahuli pa tuloy ako ni lola na hinihila ilong ko. Nandito kase sya ngayon sa bahay namin.

Pero bakit si Shailene ang niligawan ni Dylan? Akala ko ba crush nya ko?

"Ano ba kasing problema mo?"

Napatingin ako sa nagsasalita sa pinapanuod ni lola sa tv.

"Ikaw! Ikaw mismo ang problema ko!"

"B-bakit ako?"

"Ginamit mo lang ako! Ginamit mo ako para pagselosin sya! Ngayon alam ko na. Hindi na ako magpapakatanga. Ginamit mo lang ako para pagselosin ang tunay mong mahal!"

"Ay sinasabi ko na nga ba! Taksil ang ang binatilyong ito," sabi naman ni lola pumapalakpak na at enjoy na enjoy sa pinapanood

"Ginamit para pagselosin ang tunay na mahal? Ano pong ibigsabihin nun lola?"

Ngumiti naman sya at nagsalita,

"Ibigsabihin nun apo, pa-kunwari syang nagmahal ng ibang tao, para inggitin at mapansin siya ng tunay niyang sinisinta. Bakit mo nga pala na--...Zoey, apo, hoy, bumalik ka rito!"

Hindi ko na napigilan sarili ko. Pagkarinig ko sa sinabi ni lola, tumakbo ako papalabas ng bahay habang nakataas ang mga kamay sa sobrang saya at sumigaw ng...

"YEEEESSSSSSSS!!!!!!!!!!!!!!!"

Tama! Tama si lola! Ginagamit lang ni Dylan si Shailene para pagselosin ako! Pinagseselos nya lang ako para mapansin ko sya! Ako ang tunay nyang mahal!

"YEEEEEESSSSSSSS!!!!!!!!"

Pero wait, anong kailangan kong gawin? Dapat bang sabihin ko na nagseselos na ako? Tama! Tama! Sasabihin ko yun! Para tumigil na sya sa paggamit kay Shailene dahil napansin na sya ng tunay nyang mahal! At ako yun!

"YEEESSSSS!!!!!!"

Napatingin ako sa mga kapitbahay naming tambay. Nakatingin na sila sa kin, pati yung tindero ng selecta at fishball.

"Grabe ang cute talaga ni Dylan!" tuwang tuwa kong nasabi sa kanila

Nakatingin lang sila sa kin na parang nagtataka. Bakit? Cute naman talaga si Dylan eh! Oops hindi nga pala nila kilala si Dylan.

Wag na nilang kilalanin. Baka agawin pa eh.

Naglakad na ako pabalik sa bahay pero lumingon ulit ako sa kanila at may pahabol na sinabi...

"At mahal ako ni Dylan." sabi ko sa mga nagtataka pa rin nilang mukha.

Tumalon talon na ulit ako habang naglalakad na paalis

Hehehehe, ang saya, ang saya!

Wait, may nalimutan pa kong sabihin sa mga kapitbahay na tambay at tindero ng selecta at tindera ng fishball.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon