~7~

36 9 2
                                    

-Dylan-

"Nasigawan mo na pero nakangiti pa rin sayo," sabi ni Zildjian habang kumakain ng fudgee bar. Recess na at sya nalang ang nakakasama ko. Parang hindi na ako gaanong kinakausap ng mga kaklase namin mula nang makitang sigawan ko si Zoey kanina.

"Papunta sya dito,"

Parang bigla akong kinabahan nang sabihin yun ni Zildjian. Pagtingin ko kay Zoey, saktong nakatingin rin sya sa kin. Tumingin nalang ako sa sapatos ko.

Lalo akong kinabahan nang umupo sya sa tabi ko. Ayokong humarap. Pakiramdam ko mukha akong ewan kapag nandyan sya.

"Dylan, sorry."

"You always ruin everything."

HALA! BAKIT YUN ANG NASABI KO?! MALI!

Bigla kong naalala nung bata ako (bata pa rin naman ako hanggang ngayon pero mas bata ako noon, mga six years old) madalas akong napapagalitan ni mama, pero tuwing makikita kong hindi na sya galit, niyayakap ko sya. Para tapos na agad ang away.

Pero hoy, wag nyo isiping mama's boy ako. Sweet lang talaga ako sa magulang ko DATI. Syempre hindi na ngayon (paminsan minsan nalang)

"Pero gusto ko lang namang--"

Hindi ko na pinansin ang sinasabi ni Zoey. Gagawin ko na sana yung...ginagawa ko kay mama kapag hindi na sya galit sa kin (ayaw ko sabihin yung word) Kaso bigla akong pinigilan ni Zildjian. Sabagay baka magmukha akong bading kung niyakap ko sya. Hindi na bagay para sa edad naming eleven.

"S-sige, sorry ulit Dylan.'

Parang nag-iba yung boses ni Zoey. Bukod sa hindi na nakakainis, parang malungkot...parang iiyak?

Saka lang ako nagsisi sa nagawa ko.
Ewan ko kung bakit pero nung makita ko syang malungkot na naglalakad paalis, parang nanibago ako. Ngayon ko lang sya nakitang malungkot. Lagi ko syang nakikitang masaya. Sya yung babaeng walang pakialam sa iniisip ng mga tao sa kanya.

Pero ngayon, for the first time, nakita ko syang malungkot...dahil sa kin. This time, I felt sad. Nung nakipagbreak sa kin si Shailene, hindi ako nalungkot ng kahit konti.

Mas nasaktan ko si Zoey.

Naiiyak ako pero ayokong umiyak. Baka lokohin lang ako ng mga kaklase ko.


"Hoy! Umiiyak ka ba?" tanong ni Zildjian


"Ha? Hoy hindi! Bakit naman ako iiyak? Kinamot ko lang mata ko! "


Pagbalik namin sa classroom, nahalata ng mga kaklase ko na umiyak ako. Nakakainis na. Lahat nalang pinapansin nila sa kin. Hindi nalang ako nagsalita.


Nang umupo na ako sa armchair ko, tumingin ako kay Zoey.

Nakaupo lang sya ng solo. Naawa ako sa kanya. Walang pumapansin kay Zoey. Wala kasi syang kaibigan. Pero syempre, kinakausap nya naman mga kaklase namin at kinakausap rin sya, pero wala sya nung tunay talagang friend na nakakasama palagi.

Ang lungkot pa rin nya.

Drama man kung drama para sa isang eleven-year-old na tulad ko, pero parang ayoko na makitang nasasaktan si Zoey.

From Where I Saw ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon