4HSL
Destiny POV
Hello everyone, ako pala si Destiny Hope Cruz pero ang mga kaibigan ko ay tawag sa akin ay Miley o Smiley. It is up to them kung anong pangalan ang ibibigay ng mga kaibigan ko at ng boyfriend ko sa akin. Mukha akong isang malanding babae, yung mga flirt pero stick to one lang ako. Mukha akong laging seryoso pero hindi ako yun, si Demi yung seryoso lagi dahil komediyante ako o joker ako sa grupo. Tuwing boy hunting seasong namin ako ang panimula o starter pero laging si Kathryn ang nakakaroon ng date sa amin.
Mahilig akong mambara ng tao at mahilig din akong sumagot nang sarcastic, ganito ako at sanay na yung iba sa akin. Yung iba tawag sa akin ay Miley Cyrus dahil crush na crush ko si Liam Hemsworth pero kontento ako sa boyfriend ko. Para sa akin, siya ang aking Liam Hemsworth at ako ang Miley Cyrus niya pero dahil si Miley at Liam ay hiwalay na kami ay ordinaryong ako at siya lamang.
Pagkatapos ng pagwalk-out ng isang Selena Maria Gomez dito sa loob ng aming silid, nagtanong si Nicolai kung pwede niyang sundan ang aming kaibigan at pinayagan naman siya n gaming teacher. Sa tingin ko masyado ng sweet siya kay Selena pero hindi mawawala doon na sinaktan niya ang kaibigan namin, nang hindi sinasadiya.
Hindi na nakapag-focus yung teacher namin simula nung nangyari, hindi na rin nakapag-introduce yung mga Empire Brothers at paanong hindi mawawala yung concentration ng teacher namin kung halos lahat ng Empire Brothers ay niloloko nila si Nicolai na sobrang hina. Sariling kaibigan niloloko nila pero sa totoo lang hindi naman talaga mahina si Nicolai at hindi siya magiging mahina lalo na kung ikaw ang leader ng Empire Brother at ikaw ang susunod sa yapak ng iyong ama.
Alam kong mahal na mahal ni Nicolai ang isang Selena Gomez at alam ko ang totoong nangyari pero itong si Selena laging ginigitgit niya na si Nicolai ang humalik doon sa babae. For crying out loud! Hindi ako tanga! Nakita ko na nakakulong yung babae sa presinto yung babae at alam kong si Nicolai ang may dahilan kung bakit nakakulong yung babaeng iyon. Kapag dehado siya lagi niyang ginagamit ang kapangyarihan niya bilang anak ng isang makapangyarihang Empress.
Sa dalawang buwang nakalipas, alam kong mahala pa rin nila ang isa't isa. Lagi kong nakikita si Selena na nakatingin sa litrato ni Nicolai sa mga social networking sites na meron siya at mga litrato na meron silang dalawa.
Halos mag-iisang taon na kaya sila kung hindi dahil lang sa insidenteng iyon. Kung hindi lang hinalikan nung babaeng yun si Nicolai panigurado sila pa rin hanggang ngayon. Sila kaya ang halos perperktong couple dito sa loob ng campus, wala kaya silang away noon at yun lang talaga. Sila yung couple na sineseryoso ang kanilang relasyon at hindi yung pa-easy easy lang. Kaya nga sila yung leader namin, ng the Empire. Pero simula nung naghiwalay sila, kaming mga Empire Sisters at Empire Brothers ay nagkawatakwatak. Yung iba ay hindi ba gaanong malapit sa isa't isa pero alam kong maraming mga sikretong mabubuking ngayong taon.
Tumingin ako sa kabilang aisle kung saan nandoon nakaupo ang Empire Brothers. Isa sa kanila ay nakatingin sa akin, si Aldred. Siya yung isa sa pinakatahimik na tao sa grupo at pinakamabait sa grupo pero kapag hawak na niya ang bola ng basketball ay para siyang isang tigre o isang cheetah dahil siya lagi ang nakakapuntos sa kanilang team.
Tumingin ako sa kanya ng matagal at nakatingin pa rin siya sa akin at naiirita na ako kaya nagsalita ako ng What? Sa kanya ng walang tunog at ganun din ang ginawa niya nagsalita siya na Let us help them fix their relationship at tumango ako. Baka nagtataka kayo kung bakit ako nakakabasa ng bibig ng tao at ito ay dahil maganda ako! Joke lang! Natutunan ko ito noong nasa elementary pa ako at kumokopya ako sa katabi ko. Si Aldred yung isa sa mga taong nagturo sa akin noon dahil isa siya sa mga katabi ko noon.

BINABASA MO ANG
High School Life
Roman pour AdolescentsHigh School Life # 1: What if you fell in love in your mortal enemy? What will happen in your High School Life. Cover by: Erika Chui