7HSL
Selena POV
Isang buwan na simula nung huli akong kulitin ni Nic tungkol sa issue na yun at sa tingin ko naggive up na siya at hindi niya na ako maloloko sa kasinungalingan niya. Pero simula nung hindi na niya ako kinukulit lagi ko naman siyang nahuhuling tumitingin sa akin. Hindi lang tingin kung hindi titig, tinititigan ako na parang baliw na aso. Naiirita ako pero yung mga kaibigan ko laging sinasabi na wag ko na lang daw pansinin kasi yun lang naman daw ang nagagawa niya. Naiinis ako kasi naman tumigil siya sa pagsuyo sa akin na ngayon hinahanap hanap ko na tapos ito lagi siyang tumititig sa akin. Mas naiinis din ako kasi laging busy ang mga kaibigan ko, hindi sila busy sa pag-aaral kung hindi ay busy sila sa pagboboy hunting. Boy hunting season daw kasi per lagi namang boy hunting season kapag ginusto nila.
Tulad na lang ngayon naiirita ako kasi naman wala silang lahat dito at nandoon sila sa gym para manood ng basketball game ng school pero nang tinignan ko kung anong ginagawa nila, hindi naman sila nanonood ng game. Tumitingin lang naman sila sa Empire Brothers, given si Demi kasi naman ex niya si Jason kahit alam ko na mahal pa rin niya pero kahit na bakit hindi nila sinasabi sa akin tungkol dito.
Umalis ako na disappointed pero sa tingin ko maswerte pa rin ako kasi sinundan ako ng pinsan ko, napansin niya akong nandoon. Now I am with her, nandito siya sa tabi ko tuwing yung iba ay nagboboy hunting. Simula noong naghiwalay kami ni Nicolai ay nandiyan siya para ikomfort ako. Sa tingin ko nararamdaman niya yung nararamdaman ko, hindi ko naman si BFF pero tuwing malungkot ako nandiyan siya. Siya ang nagpapatunay ng salitang pamilya. Kapag kasama ko ang BFF's kong si Miley at Kathryn lagi silang may ginagawang weird na napapasubo ako. Lagi nila akong kinakaladkad sa nakakahiyang at nakakatuwang bagay para makalimutan ko ang problema. Tinutulungan rin naman ako sa problema ko pero si Demi siya yung laging nagbibigay ng matalinghagang salita para masolve ko yung problema ko.
"Ay kabayong kalabaw!" Sigaw ko kasi naman ginulat ako nitong si Demi. Ayaw ko pa naman sa lahat yung ginugulat ako.
"Anong kabayong kalabaw? What's happening to you Selena? Kinakausap kaya kita pero sa tingin ko wala yung utak mo sa akin. Don't tell me na apektado ka sa mga pagtitig sayo ni Nicolai? Sabi niya at umakto akong parang nandidiri.
"Yuck! Hindi, Demi. Hindi ako apektado at hindi nga siya sumagi sa isipan ko. Iniisip ko si Miley at Kathryn. God! I miss them."
"Boy hunting season kasi." Sabi niya. Maikli lang siya pero nandoon na ang sagot.
"Alam ko pero hindi naman sila ganoong ka-persistent na magkaroon ng lalaki at nakita mo ba kung gaano siya tumingin kay Gerald doon sa kabilang bench? Parang gusto niyang tumawid ng court para lang makatabi si Gerald. At itong si Miley grabeng tumili para sa school team natin na parang may pinopormahan sa basketball team."
"Alam mo naman si Miley, simula pa noon todo suporta na siya sa basketball team, at hindi mo maaalis na kaibigan niya si Aldred bago pa tayo maging kaibigan niya kaya natural lang na suportahan niya ang basketball team natin."
"Alright, given na yun pero si Kathryn? Gosh, I never thought Kathryn will be like that. From all guys na magugustuhan niya si Gerald pa talaga?"
"Kilala mo si Kathryn kapag gusto niya kukunin niya by hook or by crook."
"Alam ko yun, Demi. Pero si Gerald? Landiin na niya lahat huwag lang si Gerald. Come on, Demi. Ultimate playboy siya dito. Sa tingin ko nga lahat ng babae nakuha na niya yung virginity."
![](https://img.wattpad.com/cover/6085288-288-k392128.jpg)
BINABASA MO ANG
High School Life
Teen FictionHigh School Life # 1: What if you fell in love in your mortal enemy? What will happen in your High School Life. Cover by: Erika Chui