19HSL

6.2K 32 0
                                    

19HSL

 

Kathryn POV

 

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Gerald pero pumayag na si KJ na paligawan ako at pumayag na siyang sagutin ko si Gerald. He said that he is just testing Gerald. Okay na pala sa kanya noon si Gerald pero chinachallege niya ito para malaman kung hanggang saan yung limit niya. Impress nga daw siya kasi hindi niya binibigyan ng rason si Gerald kung bakit ayaw niya akong paligawan pero si Gerald mismo raw ang nakakaintindi kung bakit.

Two weeks lang ang nakalipas simula noong naging part na ng board of member si daddy sa AE at two weeks na kami ni Gerald ngayon. Wala ng ligaw-ligaw sa akin, we both know naman na mahal namin ang isa't-isa.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Gerald. Halos mag-iisang oras na kaming nasa biyahe. May ipapakita raw siya sa akin na hindi ko raw inakala na ginagawa niya, kaya lalo akong nagtataka kung ano yun.

"Maghintay ka lang kasi." Sabi ni Gerald. Wala naman akong magagawa kung hindi maghintay di ba? Siya kaya yung nagmamaneho, sobrang bagal pa! Well, ayos lang na mabagal kasi ayoko sa mabilis. Ayoko sa agaw buhay na pagpapatakbo ng kotse.

"Potpot sige na please sabihin mo na kung saan tayo pupunta." Paglalambing ko pero hindi masyado baka mapahamak kami, e. Potpot ang tawagan namin, hindi nga namin alam or should I say saan ko nahagilap ang salitang Potpot, all I know is that nanonood kami ng Must Be Love nung oras na sinabi ko yung endearment na yun!

"Malapit na tayo, Potpot kaya hinay-hinay lang." Sabi niya. Ayan pa! Hindi niya pinalitan yung pangit na tawag ko sa kanya, ang sabi niya cute naman daw parang ako. Sa ganda kong ito, cute lang sa kanya? Pero sa totoo lang nakakainsecure yung mga naging ex-girlfriend niya or in his term, e, fling lang niya. Grabe! Fling lang sa kanya pero grabe maka-momol!

Hindi nagtagal may pinasukan kaming isang parang subdivision. Malaki siya pero iisang bahay lang ang nandoon.

"Anong lugar ito?" Tanong ko kaagad kay Gerald pagka-park na pagka-park niya.

"This is Angel's Home, a place where unwedded mothers are here." Sabi ni Gerald. Unwedded? May naanakan na ba siya sa mga nagging babae niya? OMG! Delete, don't make conclusion, Kathryn. "This is where I always going. Yung mga savings ko dito ko minsan dinadala. My family love to do charity works." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Wow! Ibig sabihin hindi talaga babaero si Gerald. Siguro may nangyari lang sa kanya sa past niya kaya siya ganya. Well, past is past. Ang importante ay yung ngayon. Ang importante, mahal namin ang isa't isa.

Teka?! A Place where unwedded mothers, ibig sabihin ito yung place ng mga mommy who got pregnant like what happened to my mother and to KJ's mother? Pero may pinagkaibahan naman ang mga babaeng ito sa mga mommy namin ni KJ. Kasi yung daddy ko hindi kami pinabayaan kahit may asawa siyang iba pero sila, yung mga babae dito sa tingin ko pinabayaan sila, hindi lang nung lalaking nakabuntis sa kanila pati mga pamilya nila.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Gerald at bumaba naman ako. Maganda yung lugar, para lang siyang bahay. Which is true, this is a house.

"Let's go?" Tanong ni Gerald at tumango ako. He intertwined our hands together while walking towards the entrance. Tapos may isang babae na sumalubong sa amin. Nung una nakangiti siya pero nung nakita niya ako bigla siyang sumimangot.

"Gerald!" Sabi niya. Sounding as cheerful as it seems pero it fails. Yumakap pa talaga sa boyfriend ko at itong boyfriend ko umakap din pero hindi niya binitawan yung kamay ko. Mukhang nang-iingit yung babae pero kumalas kaagad ng yakap si Gerald.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon