1HSL

21.5K 76 0
                                    

1HSL

 

Selena's POV

 

"Selena gising na malalate ka na sa unang araw ng klase mo." Narinig ko ang boses ng yaya ko. Tinignan ko naman ang orasan ko sa may bedside table ko at nagulat ako sa oras. Nagjoke na naman si yaya. May apat na oras pa bago magsimula yung klase at saka first day ng klase pwede magpalate.

"Yaya, four o'clock pa lang ng umaga." Sabi ko sa kanya habang humihikab ng malaki. Lumabas rin ako ng kwarto ko para sabihin yun kasi soundproof yung kwarto ko kaya hindi niya maririnig yung sinabi ko sa kanya kung isisigaw ko lang sa kanya.

"Alam kong alas kuwatro pa lang pero unang araw ng klase mo at panigurado traffic ngayon." Sabi ni yaya habang tinutulak niya ako papasok ng bathroom ko. "Limpyoha imong kaugalingon ug ayaw parehas imo kaugalingon sa mga manlilimos sa dalan."  That's the Bisaya word again! Bisaya kasi si yaya.

"Yaya hindi ko kayo naintindihan." Sabi ko habang pinipilit kong hindi pumasok sa loob ng bathroom.

"Sabi ko 'magligo kang mabuti at hindi yang mukha kang nanlilimos sa kalsada' gets mo na kaya pumasok ka na at maligo."

"Yaya naman e." Sabi ko habang pumapasok sa banyo.

Wala akong choice kung hindi gawin na ang aking mahiwagang morning rituals. Unang araw ng klase at unang araw ng klase na hindi ko siya makakasamang pumasok.

Gosh! Late na ko! Hindi ako makapaniwalang tama ang hinala ni yaya nab aka malate na ko. Hindi ko makakaya na malate ako sa unang araw ng klase. Kunwari ko lang naman yung kanina na pwedeng magpalate kahit pwede ayokong malate, no. Unang araw ng klase makikilala kaagad ako ng adviser namin dahil ako ang unang student niya na nalate sa unang araw ng klase at ayoko nun! Ayokong unang araw ng klase napupuno ng bad vibes yung araw ko at pinipilit ko ngayon na hindi magiba yung mood ko pero nakakainis! Paanong hindi ako malalte! Sobrang traffic! Nakatigil yung kotse ko ng thirty minutes tapos aandar ng wala pang five minutes.

Ayokong mangyari pero nangyayari na. Paanong hindi magiiba yung mood ko na good to bad kung ganito naman ang kalagayan ko ngayon?

"Hija, mag-U-turn na lang ako." Sabi ni Papito, yung driver ko. Yun ang tawag ko sa driver, Papito kasi parag papa ko na siya.

"Papito bakit naman po? Malalate na ko, o!" sabi ko at napasigaw ako sa pagkakairita ko. Hindi ko maiwasan, sorry Papito.

"Selena, hija. Nagtext na ko kay Sir na traffic at malapit na kayong malate. Sabi po niya hindi pwedeng malate kayo sa unang araw niyo po bilang Fourth Year kaya pinapapunta na lang niya tayo sa airport po." Paliwanag niya.

Si Papito talaga! Gagawin niya lahat para hindi mawala ang pagiging good mood ko. Pangalan talaga ni Papito ay Edgar pero noon palang bata pa ako Papito na ang tinatawag ko sa kanya at ayos lang naman sa kanya yun.

Hindi ko namalayang nag-U-turn na si Papito at nagmaneho na papunta sa ibang rota papunta sa airport na namin. Oo, tama kayo ng pagkakarinig, airport namin. May sarili kaming daungan ng eroplano. Narinig niyo na yung G.I.A? Yun yung airport namin. Gomez International Airport yung pangalan kaya kung ka-apelyido ka namin kahit hindi ka namin kadugo baka maging mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ang airport namin ang pinakamaganda sa buong mundo.

Ano ba yan! Kwento ako ng kwento pero hindi niyo pa ako kilala. Ako si Selena Maria Gomez, daddy ko ay isang half-Mexican and half-Italian while yung mommy ko ay isang half-American at half-Filipino. Fifteen lang ako, accelerated ako kasi noon kaya maaga akong naging fourth year high school. Medyo spoiled ako sa parents ko pero hindi lagi. Hindi rin ako NBSB o No Boyfriend Since Birth. May mga naging ex ako pero hindi mga seryoso yun ay may isa akong sineryoso pero sinaktan lang niya ako.

Huwag na nga nating pag-usapan ang buhay pag-ibig ko. Balik na lang tayo sa kasalukuyan. Hindi ko napansin na nandito na kami sa airport. Yung kotse ay nakapark na sa entrance na at isa sa guwardiya ay nagbukas ng pintuan ko. Nang lumabas na ko ng kotse halos lahat ng tao lumilingon sa akin. May iba na namamangha at yung iba naman mukhang nagseselos. Nagmadali akong pumunta sa receptionist para malaman nilang nandito ako at yung babae sa reception snap her finger at may isang gwapong male flight attendant na lumapit sa akin.

"Good morning Ms. Gomez. Your father called us earlier and he tell us you would be here. Could you follow me for you flight?" Sabi niya at nauna siyang pumunta. Sumunod na lang ako at napunta kami sa isang maliit na eroplano. Pumasok kaagad ako pero bago ako tuluyang makapasok may pahabol pa si gwapong flight attendant sa akin. "Have a nice flight way to your school, Ms. Gomez." Aba! Englishero si kuya kanina pa siya English ng English. Ay nakalimutan ko, code nga pala nila yun.

Wala pang thirty minutes nasa school rooftop na ko. Talagang mag-thank ako kay Papito sa pagtext niya kay daddy tungkol sa nangyari. Aba! Napaaga ako ng thirty minutes.

Good vibes ulit ako! Thanks to Papito talaga! Bumababa ako sa mini-airplane ko at pati na rin sa rooftop at dumiretso ako sa parking lot kung saan nandoon naghihintay ang mga kaibigan ko for sure. Hindi ko kasi nasabi sa kanila na nag-U-turn si Papito kaya for sure akala nila dadaan ako sa parking lot.

           

"Bakit ba sobra niyang tagal!" Sabi ng isa sa mga kaibigan ko. Siya si Destiny pero tawag namin diyan ay Miley pero ako kapag sa mga serious conversation tawag ko paminsan sa kanya ay hindi Miley kung hindi Destiny.

"Sabi niya sa text traffic daw papunta dito." Sabi naman ni Kathryn. Medyo flirt pero sa kanyang paraan. Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa kanila at gagamitin ko ang acting skills ko.

"Oh my gosh, I'm stranded! Please help!" Sabi ko at sabay-sabay pa silang lumingon sa akin. Lahat sila gulat ang pagmumukha nila. Gusto kong matawa pero hindi ko ginawa baka mapagsasampal pa ako ng mga ito kapag tumawa ako. Inakap naman nila ako at nakipagbeso-beso sa kanila.

"Sabi ni Kathryn malalate ka raw." Seryosong sabi ni Demi. Ang pinsan kong ubod ng seryoso. Lahat naman ng kaibigan ko ay napa-roll ng eyes. Kakainis kasi kung bakit siya biglang nagbago.

"Yep, malalate dapat ako pero alam niyo naman si Papito kapag traffic."

"Laging tinatawagan o tinetext si Uncle." Sabay-sabay nilang sabi.

"Halika na at baka malate naman tayo sa unang araw." Sabi ni Miley.

"Yes, you were right. First day ng class tapos malalate tayo? Baka masira reputation natin." Sabi ni Kathryn sabay tawa.

           

May girl code kasi kami. Siguro naman alam niyo yung girl code, di ba? May konting nilalaman lang naman yung girl code namin. Mga apat lang yun, konti lang kaya hindi maaaring makalimutan. Yung apat na code na yun ay: First, we girls must not be late ever in our class. Second, we girls must always make an impression to others. Third, we girls must be friendly but not to friendly and lastly, we girls must count on each other in terms of problems.

"Come on girls let us go to our room." Sabi ko sakanila at lahat kami ay naglakad papunta sa hallway papunta sa building kung saan yung room assigned para sa amin. Room kung saan kami mag-stay at mag-aaral for the whole school-year.

Nang naglalakad kami sa punong-puno na hallway ng mga tao dahil nga unang araw kaya maraming namiss nila yung mga kaibigan nila. Habang naglalakad kami lahat sila ay gumilid at sinusundan kami ng tingin. Nakalimutan kong masabi sa inyo, popular kami sa school na ito dahil siguro na rin apo ako ng may-ari ng school na ito. Hinahangaan kami, kinaiinggitan kami, nagseselos sila sa amin, gusto nilang maging kami at ginagaya nila kami pero hindi sila nagwawagi dahil kahit kelan hindi nila kami magagaya. Kami lang ang original at tawag namin sa sarili namin ay Empire Sisters.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon