9HSL
Kathryn POV
Hello sa lahat! Kathryn Cupido ang pangalan ko pero huwag na huwag niyo akong tawagin na Kath o Kathy, ang pangit kasing tignan. Mukha akong mahiyain pero hindi talaga, promise hindi ako mahiyain makapal nga ng mukha ko! Anyway, simula nung nagkabalikan si Selena at Nicolai ay bumalik na rin sa dati ang lahat, well hindi lahat kasi yung puso ko hindi pa rin bumabalik sa dating pagtibok.
"Kathryn could we talk?" Biglang sabi ni Nicolai sa akin.
"Why?" Tanong ko. May karapatan naman akong magtanong no!
"Tungkol ito sa lalaking lagi mong tinititigan." Sabi niya at nagulat naman ako doon. Alam na niya?
"Relax lang Kathryn hindi kita sesermonan." Tinignan niya yung likuran ko at nakita kong palapit si Selena sa amin.
"Everyone is at the cafeteria already." Bigkas niya.
"Anong nangyayari?" Tanong ko.
"Sa tingin ko kami dapat ang magtanong niyan. Anong tumatakbo diyan sa utak mo, Kathryn? Nilalandi mo ba siya?" Sabi ni Selena. Masakit masabihan ng malandi pero totoo naman na nilalandi ko siya.
"Sino nilalandi ko? Wala akong nilalandi kahit na sino." Pagdepensa ko sa sarili ko.
"Don't lie."
"Simpleng payo lang, si Gerald ang pinaka outcast sa group pero wag kang maging katulad ng mga babaeng nakasama niya kasi kung ganun mo talaga siya ka-gusto at ginagaya mo lang yun. Ang gagawin lang ni Gerald sayo ay tikman ka." Sabi niya at tinapik niya ang balikat ko bago siya umalis.
"Nic is right. If you like him that much, act as yourself and he will treat you differently." Sabi ni Selena at hinatak niya na ako papunta sa cafeteria.
Pagpunta namin ni Selena sa cafeteria ay nakita ko naman ang iba na hinihintay kami, maliban lang sa isa si Gerald parang wala siya dito. Tumabi naman ako kay Selena na parang walang nangyari. Pero sa tingin ko halata nila!
"Wala siya dito." Bulong sa akin ni Selena, siguro napansin niyang hinahanap ko siya.
"Thanks." I simply said.
"Guys we will just buy some foods. Sino ang may gustong magpa-order sa amin?" Sabi ni Nicolai na kanina pa pala nakaupo sa tabi ni Selena. Hindi ko siya napansin na lumipat na pala siya sa lugar namin, katabi kasi siya kanina ni Aldred.
"Gusto ko mang kumain pero hindi ako makakakain kuya may homework pa kasi akong hindi nagagawa." Sabi ni Demi.
"Basta kakain ka!" Utos ni Nicolai at tumango naman si Demi at saka umalis.
"Bilan na lang natin siya." Sabi ni Selena.
"Gusto ko mang sumama sa pagkain niyo pero tinawagan ako ng step-mom ko." Sabi ni KJ. Tumingin muna siya sa akin bago umalis.
"May pagkain na kami, e." Sabi naman ni Miley at naglabas siya ng dalawang boxes.
"Ikaw Kathryn anong gusto mong kainin?" Tanong sa akin ni Selena.
"You know what I want."
"Kathryn to earth!" Biglang sabi ni Miley.
"Anong pinagsasabi mo d'yan? Nasa earth ako, bitch!" Sabi ko. Masanay na kayo, ganyan ang tawagan namin minsan ni Miley.
"Seriously Kathryn, anong nangyayari sayo? Tahimik ka at tulala ka ng buong thirty minutes at hindi ikaw yun. Oo alam namin na tahimik ka naman talaga pero yung natutulala? Or should I say pacing out is not totally you." Sabi ni Miley na mukhang concern na corncern. Am I really pacing out?
"I paced out?" Tanong ko. Kahit kelan hindi ako nag-pace out.
"Oo Kathryn, pace-out ka. Ano ba ang tumatakbo sa utak mo?" Sabi ni Aldred habang kinindatan niya ako. Bigla naman siyang kinukurot sa pisngi ni Miley. "Aw! Babe, masakit! Tama na!"
"Nararapat lang sayo yan! Nilalandi mo si Kathryn." Sabi niya habang kinukurot pa rin niya ang pisngin ni Aldred.
"Kindat lang yun! Aray, Miley! Masakit!" Halatang sobrang diin ng pagkakurot ni Miley dahil para na siyang namamaga. Nang tinanggal ni Miley yung kamay niya sa pisngi ni Aldred bigla namang hinalikan sa labi si Miley, smack lang naman!
"Wow! PDA here!" Sabi ni Nicolai habang nilalapag niya ang isang tray na hawak-hawak niya. Umupo naman si Selena ulit kung saan niya ako iniwan kanina.
"Hindi kami PDA, dude. Nagseselos kasi itong si Miley sa pagkindat ko kay Kathryn." Pag-explain ni Aldred at natawa naman si Nicolai.
"That's explains why. Miley is possessive in terms of her possession." Sabi ni Selena habang inaabot niya sa akin yung pagkain ko.
"Selena, hindi ko naman nilalandi si Kathryn gusto ko lang siyang patawanin kasi naman nawawala sa katinuan. Natutulala, o, tignan mo na lang ngayon para siyang namatayan."
"Hindi kaya ako namatayan." Pag-explain ko.
"Talaga? Bakit ganyan ang mukha mo parang binagsakan ng langit at lupa?" Natatawang sabi ni Aldred.
"Stop making fun of her." Sabi naman ni Miley.
"What is your problem?"Tanong naman ni Selena pero hindi ko yun sinagot at nagawi ang tingin ni Selena sa kabilang table namin.
"I see." Sabi ni Selena at lahat naman sila ay lumingon na rin sa kabilang table at ako ay sumubo na lang ng pagkain ko.
"Gerald is the problem? Wait, Kathryn wag mong sabihin ikaw ang bagong GPG?" Sabi ni Aldred.
"Anong GPG, Aldred?" Tanong ni Miley.
"Gerald's past girlfriend." Sabi ni Nicolai na dapat si Aldred ang sasagot.
"Hindi ako past girlfriend niya." Sabi ko.
"Alam ko." Sabi ni Nicolai.
"Then what? Bakit ganyan ang mukha mo. Si Gerald ba talaga ang problema mo? Anong ginawa niya sayo?" Tanong sa akin ni Miley.
"May gusto siya kay Gerald at pinipilit niyang landiin pero sinabihan na namin siya na wag niyang landiin." Sabi ni Selena.
"Aldred and Miley, please don't tell to anyone." Pagmamakaawa ko sa kanila.
"Kaunting payo lang babaero yun at he took many virgin girls already and you must beware of that." Sabi ni Aldred at napabuntong hininga ako. Yung sinabi niya ay parang katulad nung kay Nicolai lang, e.
Hindi ko pa nauubos yung lunch ko ng nag-bell na. Buti na lang burger lang yung pagkain ko ngayon at pwede kong kainin habang naglalakad. Nadaanan namin siya at nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya dun sa babae ang salitang pinsan. Pinsan lang pala niya yun.Nang dumating kami sa tapat ng classroom namin nagulat pa ako ng mas nauna siyang papasok sa classroom namin. Dumaan siguro siya sa shortcut.
"Keep the straight face and act like nothing's going on inside of you heart." Payo sa akin ni Selena bago siya pumasok sa loob ng classroom kasama si Miley habang itong si Nicolai at Aldred ay parehas akong kinindatan at umakbay sa akin at parang pinipilit nilang hindi ako umalis o mag-cutting.
"Calm down alright?" Sabi nung dalawa habang umupo sa upuan nila lagi. Nakita ko namang tumingin sa akin pero binawi rin niya iyon. Parang may ginawa akong mali, siguro tama sila tigilan ko na itong kahibangan ko.

BINABASA MO ANG
High School Life
Teen FictionHigh School Life # 1: What if you fell in love in your mortal enemy? What will happen in your High School Life. Cover by: Erika Chui