3HSL

14.7K 61 14
                                    

3HSL

 

Selena POV

Kami – ang Empire Sisters – kilala sila, sila ay sina: Nicolai Empress, Jason Poe, Aldred Patrimonio at Gerald Delos Reyes. Sila ay ang mga heartthrob dito at parang kami rin sila, galing rin sila sa pinakakilalang pamilya pero ang pinagkaibahan ay mga heart-breaker sila.

Oo na, hindi silang lahat pero generalized ko na lang kasi nasaktan nga kasi ako ng isa sa kanila. Sabi ng mga kaibigan ko baka naman daw hindi raw talaga sila heart-breaker pero yun ang sa tingin ko. Kasi yung leader nila na si Nicolai, siya, siya yung nanakit sa puso ko. Siya yung ex-boyfriend kong nanakit sa akin.

Ayoko ng maalala yun kasi tuwing nakikita ko yung mukha niya ay naaalala ko yung anong nangyari nung araw na yun. Yung araw kung kelan niya ako sinaktan.

Nang naglalakad sila papunta sa kabilang aisle ng room kung saan sila uupo, lahat sila ay tumingin sa akin at si Gerald ay may lakas pa talaga ng loob para kindatan ako. The nerve! Hindi ko akalain na may lakas siya ng loob para gawin yun.

"Alright let us stop the interruption. Go on miss, kindly introduce yourself to us." Sabi ng napaka-gwapo naming teacher.

"Okay Mr. Romero." Sabi ko na may respeto sa boses ko. Kahit naman isa siya sa rason kung bakit nadadagdagan ang global warming dahil sa sobrang gwapo at hot niya ay siya pa rin ang teacher ko at kailangang may respeto kami sa kanya. "Hello everyone, I am Selena Maria Gomez." Panimula ko sa introduction ko. Magsasalita n asana ako ulit ng nagsalita si Nicolai.

"She's the granddaughter of the owner of the school, Mr. Aberdeen Empire." Binigyan ko siya ng isang death glare.

"Yes, you heard him right." Sabi ko na lang. Ayokong magbad vibes ulit. "I am the granddaughter of Aberdeen Empire." Tinignan ko ulit ng masama si NicolaiI. "I am not supposed to tell it to all but since this guy over here tell it you. To make my introduction short, I am –"

"She's fifteen years old. Add her in facebook, twitter, instagran and tumblr." Ininterrupt niya ulit ako at nakita ko siya na ngumiti sa akin.

Tinignan ko ulit siya at pinanliitan ng mata. Nagtitimpi na lang ako ayokong magalit. Ayokong makita nila ang bad side ko.

"Can you please stop interrupting?" Tanong ko sa kanya.

"Sure, that will be no problem babes." Sabi niya at kinindatan ako. Kinindatan ako! That's it! Ayoko na bahala na kung makita nila bad side ko. Pumunta ako sa harap niya na nakayukom ang mga kamay ko.

"What did you just call me?" Tanong ko.

"I said babes." Komportableng sabi niya.

"Don't call me that!"

"But we are together."

"We've been together. We've it means it is past!"

"You are still my present."

"You're just my ex-boyfriend Nico!"

"No! I never broke-up with you! You never listen to my explanations." Sabi niya habang tumayo. Narinig ko ang mga classmates namin na pinapatigil kami sa pag-aaway kahit nga ang teacher namin pinapatigil kami pero hindi kami nakinig sa mga sinasabi nila.

"Bakit ako makikinig sa mga kasinungalingan mo na nakita ko na sa dalawang mga mata ko ang katotohanan?!"

"Dahil yung sa tingin mong totoo ay hindi totoo! Damn it, Selena! Ilang beses ko ngang sinasabi ko sayo na siya ang humalik sa akin at tinulak ko siya!"

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon