2HSL

15.7K 71 0
                                    

2HSL

 

Selena's POV

 

Naglalakad pa rin kami sa pamiliar na hallway na ito at lahat sila ay tinititigan kami. Iba't ibang emosyon ang makikita mo sa mga mukha nila. May ibang tao na namamangha sa aming kagandahan. May ibang tao na pinapantasya kami at may iba ay mukhang nagseselos. Bakit naman sila hindi magseselos?

Kaming mga Empire Sisters ay may iba't ibang klaseng sense sa fanshion. Ako, suot ko ngayon ay isang high-heeled boots na mukha siyang chucks, denim shorts at isang backless shirt habang nakasabit sa balikat ko ang LV bag ko. Si Miley naman ay suot ng isang napakanakakaakit na high-heeled boots na alam ng lahat ay isang limited edition lang sa isang store at doon lang yun makikita, idagdag pa ang napakaikling dress na halos translucent na nakikita na ang kanyang Victoria Secret's na underwear habang hawak-hawak ang kanyang Chanel bag. Si Demi ay simpleng flat shoes, jeans at shirt lang pero lahat ng damit niya ay branded na hindi lang galing sa simpleng clothing store. Pero halos lahat ng babae na nadadaanan namin ay nagseselos kay Kathryn dahil suot lang naman niya simula ulo hanggang paa ang mga designs ng kanyang ina na galing sa kanilang clothing store. Sikat kaya ang tita Katherine sa buong mundo pati yung clothing store nila.

"Lalo silang gumaganda bawat araw." Sabi ng isang babae.

"Oo nga, e, at sa pagkakaalam ko lalo ring yumayaman sila." Sabi naman ng isang pang babae. Grabe napaka-tsimosa sirugo nun.

"Sino ba naman ang hindi yayaman, kung pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang halos lahat ng mga ari-arian dito sa Pilipinas at parang maliit lang na pag-aari lang nila iyon." Sabi ng isang lalaki na siguro bakla. Sobrang populated na ng third sex ang Pilipinas!

"Hindi lang naman sa Pilipinas sila may ari-arian kung hindi pati na rin sa buong mundo."

Hindi ko na pinansin ang iba pang mga sinabi nila. Hindi naman na kami nababahala sa mga rumors na iyon. Sa totoo naman hindi sila tsismis, totoo yung mga yun pero alam na namin yun. Kailangan pa ba nilang isampal sa pagmumukha namin na mayaman kami?

Pagdating namin sa classroom, lahat ng classmates namin ay tumahimik at tinitignan kami tulad ng mga tao sa hallway. Naglakad na lang kami sa pinakadulong upuan at hindi sila pinansin. Sa dulong upuan ang pinakagusto namin, yung huling row.

Hindi nagtagal yung mga classmates namin ay nagkomportable na nandito kami dahil nagsimula na silang mag-usap sa mga katabi nila. Nag-usap usap na lang din kami ng mga kaibigan ko at nagtaka kami na biglang tumahimik ang klase. Akala ko nailang ulit sila sa amin pero mali pala dahil dumating na yung teacher namin.

"Good Morning Class. I am Mr. Romero." Sabi nung teacher namin na nasa harapan na namin ngayon. Grabe sobrang gwapo ang teacher namin! Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nakalingon rin sila sa akin at sabay sabay kaming kinilig. Magiging inspired kami nito dahil may gwapong teacher. Yung mga braso ni Mr. Romero nagform ng malaking muscles at paniguradong may six packs abs siya.

"I will be your adviser this year and I want each of you to introduce yourself not just to me but also to your classmates." Dugtong niya at hindi niya pinansin yung classmates namin na kinikilig dahil sa sobrang sexy ng boses niya. Sinabi niya din na ang mga taong nasa front row ang unang magsasalita.

Kaya gusto namin dito sa last row kami yung isa sa mga huling students na magsasalita o kaya naman kami yung huling student na tatawagin ng teacher para sa graded recitation. Paniguradong boring yung araw na ito dahil sa walang kwentang introduction. Lagi na lang may ganyan kapag first day ng class.

Makalipas ng isang milyong taon, ay mali, exaggerated lang. Hindi naman million years, ilang minuto lang naman at oras na namin para mag-introduce. Si Demi yung unang magsasalita kasi siya yung nasa likod nung huling taong nagsalita, Kim Chua daw ang pangalan.

"Good morning everyone. My name is Demitria Perez. Fifteen years old, I am single but my heart is already taken so I am not mingling on anyone. The quite sister of the Empire Sisters." Demi said and she takes her sit.

"Good morning my classmates and Mr. Romero. I am Kathryn Cupido. I am not St. Valentine or the Goddess of Love or I am not related to any of it. Just because my surname is Cupido, I am a lover girl or a doctor love." She said while flipping her hair. "I am fifteen years of age. My favorite color is yellow and not red. I didn't say I hate red but I love yellow because it symbolized the brightest of the sun. I do have a million twitter followers and I don't know why I do have such many followers. I am the fashionista of the Empire Sisters." She flips her hair again before sitting down on her chair.

"Good morning everyone, I am Destiny Hope Cruz or my friends call me Miley. Yeah, yeah, yeah. I know my name is similar to Miley Cyrus in her real name well sort of and even her screen name. Fifteen years old, my relationship status is secret because I don't want you to know. Same as Kathryn I do have a million followers on twitter and same as her I don't know why I do have many followers. I am avid fan of Liam Hemsworth and the simple flirt of the Empire Sister." Sabi ni Miley at bago siya umupo ay kumindat pa siya sa akin. Nang tumayo ako lahat ng classmates namin ay tumingin sa akin at parang interisado sila sa sasabihin ko.

Sanay na kong magsalita sa harap ng maraming tao. Kaya may kompiyansa ako sa sarili ko na kaya ko ito. Magsasalita n asana ako ng biglang may nagbukas ng pinutan gamit ata ang kanyang paa at apat na lalaki ang pumasok.

"Sobrang swerte naman natin! Classmates natin ang buong Empire!" Sabi ng isang classmate namin.

Nang pumasok sila sa loob ng classroom parang wala silang nakitang teacher sa harapan. Grabe ang rude! Kelan pa sila naging rude ng ganyan? At parang alam na ni Mr. Romero na malalate sila? Somethings fishy here. Habang naglalakad sila papunta sa vacant chairs na nasa kabilang aisle namin.

Kilala nang buong Empire Sisters ang mga lalaking ito kasi isa sa kanila ay sinaktan ako. Isa sa kanila ay naging ex-boyfriend ko.

Pwede bang magpalit ng classroom? Ayoko ng kasama sila, ayokong malapit sa kanila. Ayokong lumapit siya sa akin. Galit ako sa kanya dahil sinaktan niya ako. Galit ako sa kanya kasi siya lang ang lalaking sineryoso ko.

Ngayong araw na ito ay simula ng isang impiyernong school year dahil kasama namin sila, kasama namin ang Empire Brothers.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon