15HSL

7K 61 2
                                    

15HSL

 

Gerald POV

 

Sobrang boring dito sa bahay. Si Yaya Minda ayaw akong tulungan siya. Kahit sino sila ayaw nilang magpatulong, young master daw ako kaya hindi raw pwede akong gumawa nitong mga bagay na ito. Noon naman ginagawa ko ito pero ngayon ayaw nila, porke nasa Pilipinas lang ako. Iba talaga ang mga Pinoy!

Napagdesisyunan ko na lang na puntahan si Kathryn para makapagpasalamat sa sopas na dinala niya kaninang umaga. Madali lang naman matunton ang bahay nila kasi nga sinusundan ko siya noon kaya alam ko na kung saan ang bahay niya.

Pagdating ko sa bahay nila, nakita kong nakapark sa malayo ang isang hindi pamilyar na kotse at kinabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko para pumasok at magpakilala. Nadatnan ko si Jason at isang babae na nasa sala.

"Pare, anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Jason.

"Magpapasalamat sana ako kay Kathryn sa lahat ng ginawa niya kagabi at kanina." Sabi ko.

"A, ganun ba? Nandun siya. Hintayin mo na lang dito." Sabi ni Jason at tumango naman ako.

"Basta dalhin niyo lahat yan." Narinig kong sabi ni Kathryn habang pababa ng hagdanan.

"Oh, Gerald." Ngiti niyang sabi.

"BK hahatid ko na itong si Kim pauwi." Sabi ni Jason.

"Sige, ingatan mo si Kim, a?" Ngiting sabi niya. Tumango naman si Jason at saka umalis kasama yung Kim. Kilala ko yun, tama! Siya nga yung isa classmate namin na sobrang tahimik pero malapit kila Jason at Kathryn. Sila nab a nung Kim na yun?

"Naku Gerald, kukwento ko na lang sa iyo yung mga nakita mo." Kinikilig na sabi ni Kathryn.

Ayun nga kinuwento ni Kathryn yung tungkol kay Jason at kay Kim pero huwag ko raw sabihin sa iba. Ang weird lang bakit ayaw ipasabi ni Kathryn o kahit man lang si Jason?

"Ay, bakit ka nga pala na punta rito?" Tanong niya.

"Gusto ko sanang mag-thank you sa paghatid mo sa akin kagabi kahapon." Sabi ko.

"Naku, wala yun. Ang ginawa ko lang ay sumama kay KJ." Sabi niya at ito yung lagi kong pinagtatakahan. Bakit kaya KJ at BK ang tawagan nila. Para tuloy may endearment sila, para silang mag-kasintahan.

"Bakit KJ tawag mo kay Jason at BK naman tawag niya sa'yo?"

"Kuya Jason ang ibig sabihin nun pero ayaw niyang tawaging ng kuya sa lahat kaya KJ na lang at ayaw kong tawagin niya akong baby kaya BK tawag niya sa akin, stands for Baby Kathryn."

"Ah." Yun na lang ang nasabi ko.

"Ma'am Kathryn, dumating na po yung mga damit po." Sabi bigla nung babae at mukhang nagpapacute. Puwe! Ang pangit naman niya.

"Okay! Perfect! Dalhin mo na sa dressing room tapos dumiretso ka na sa maid's quarters." Mataray na sabi ni Kathryn. Mukhang nahahalata niya, a. Nice, way to go baby. Baby? Bakit kami na ba? Hindi pa naman, e. Hindi pa nga ako nanliligaw! Basta gagawa ako ng paraan para maging kami.

"Gusto mong makita yung mga damit na dinala rito?" Tanong niya sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi, di ba? Kaya sasagot na lang ako ng alam kong tama at saka gusto ko naman.

"Oo, naman. Ikaw bahala." Sabi ko at nakita kong ngumiti siya ng napakalapad.

"Then let's go." Sabay hatak sa akin papunta sa isang kwarto na puro damit. Mapapansin mong siya nga ang anak ng isang Katherine Cupido dahil sa mga damit na ito.

"Bagay ito kay KJ." Sabi niya sabay labas ng mga damit sa paper bag.

"Ay ito mga bagay sa iyo." Biglang sabi ni Kathryn.

"Ano?"
"Ito , o, bagay sa iyo."
Sabi niya sabay paki sa akin ng isang polo. Sa unang tingin mukhang ordinaryong polo pero kapag tinitigan mo ng mabuti ang polo nagmumukha siyang kumikinang.

"Mukha pang kasya sa'yo." Sabay abot sa akin nung polo.

"Seryoso ka?" Hindi ko alam kung seryoso siya o mantri-trip lang. Iba-iba kasi ang mga babae! Pero pare-parehas ang mga gusto nila minsan, minsan lang hindi lagi.

"Ay, hindi, hindi." Then she rolled her eyes. Ang cute! Sarap halikan. Wait, halikan? Delete. Delete. Delete. Hindi ko pwedeng nakawanan ulit siya ng halik. Hindi maaari iyon.

"Uy, galit na siya. Sorry na. Hindi lang kasi ako sanay na may nagbibigay sa akin ng mga damit. Normally my mom will give me pero yung ibang tao yung magbibigay, hindi." Sabi ko. Totoo naman kasi. Ever since I was a kid no one was ever given me a clothes, new clothes to be specific dahil gusto lang nila.

"Then masanay ka na kasi isang Kathryn Cupido ata itong kasama mo." Sabi niya sabay tawa ng napakalakas. Parang hindi siya isang tinitingalang fashion girl sa school.

"Hoy, Gerald tulala ka na diyan. Nasaniban ka na ba? Gusto mo bang tumawag na ako ng albularyo o ng mangkukulam?" Sabi niya.

"I am just amazed. Sorry if you think I am not listening."

"Hindi naman pero slight lang." Sabi niya.

"Dali sukat mo yan tapos ito pa." Sabi niya at inabot sa akin ang apat pang mga damit at pinantulakan niya ako sa comfort room.

Sinukat ko naman yung mga damit at lahat nga mukhang bagay sa akin. Para nga akong modelo, gusto niyang makita niya yung damit na suot ko kung bagay. Puro magaganda naman yung compliment niya sa akin.

Natapos yung hapon na masaya, ayoko man na matapos pero kailangan kong umalis. Kailangan kong magpaalam sa taong mahal ko. Kahit gusto ko na siyang ligawan pero ayokong mag-by-pass sa kuya niya. Ayoko ring masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Marami ring pinagdaanan yung isang yun.

"Gerald, papasok ka ba bukas?" Tanong sa akin ni Kathryn bago ako pumasok sa kotse ko.

"Oo, naman. Sapat na sa akin ang isang araw ng hindi pagpasok. Salamat pala sa pagsabi mo sa mga teachers natin na hindi ako makakapasok ngayon." Pagpapasalamat ko.

"Wala yun, ikaw pa. Sige uwi ka na baka mapano ka pa sa daan." Sabi niya at hindi ko inaasahan ang ginawa niya.

Hinalikan ako ni Kathryn sa pisngi!

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon