20HSL

5.9K 28 6
                                    

20HSL

 

Jason POV

 

Halos kararating ko lang dito sa may court ng subdivision namin kasi may plano kaming lahat na magbonding, wala lang trip lang namin. Kasi kapag nasa school parang laging lesson napag-uusapan namin at walang talagang bonding moment.

"Tol, nasaan na sila Aldred bakit wala pa?" Sagot ni NJ. Malamang sa malamang makakaratig kaagad itong si NJ kasi halos magkalapit lang ang subdivision namin.

"Aba malay ko doon, hindi naman mahilig magsabi kung nasaan na siya lalo na kung nagmamaneho yun. Alam mo na halos kaka-eighteen lang at proud na may license na siya." Sabi ko at natatawa si NJ habang nag-dri-dribbling ng bola.

"Jason si Kathryn, you know where she is?" Tanong sa akin. Teka! Hindi pa nga pala nila alam na may relasyon na yung dalawa, hindi nila nagawang sabihin kasi naging busy sa pag-aaral 3rd quarterly examination kasi namin at ngayon ay Halloween break namin. Isang linggo lang yung break kaya sinusulit na rin namin.

"Hindi ko alam kung nasaan pero alam ko kung sino ang kasama." Sabi ko naman.

"Sino?" Sabay na sabi nung dalawa.

"Si Gerald." Sabi ni Demi bigla kaya napatingin ako sa kanya, hindi naman nagbago ang itsura nung dalawa. Siguro nagkakaroon na sila ng kutob na yung dalawang yun ay nasa relasyon na.

"Hindi ako makakatagal dito. Nasaamin si lolo baka pagalitan ako kung wala ako doon." Sabi niya saka umalis. Simula nung nag-usap kami ay iniiwasan na niya ako.

"I wish she will be back as before." Sabi ni Selena at sinang-ayunan naman namin ito ni NJ.

"Mga tol! Pasensya at nahuli!" Sabi ni Aldred habang tumatakbo siya papunta sa amin.

"Saan bang lupalop ng Pilipinas ka nagpunta Aldred? Parang unang beses mong nalate!" Sabi ni NJ. Tama, unang beses ito. Lagi kasi kaming may larong magkakaibigan tuwing linggo pero ngayon gusto ng mga Empire Sisters na makita kaming maglaro kaya kasama sila ngayon.

"Pasensya na na may sinundo lang naman kasi kami sa airport. Si Gerald pala nasaan na?"

"Kasama si BK para mag-date ata pero hahabol yun." Sabi ko.

"Lagi naman yun ganun kahit wala pa yung seryosong babae." Sabi ni Aldred.

"Si Miley, Aldred nasaan?" Tanong ni Selena.

"May sinundo kasi kami at siguro parating na rin yun kasi magkalapit lang naman kayo ng subdivision." Sabi ni Aldred. Oo nga pala magkapit-bahay itong si Miley, Selena at NJ.

"Sorry, I am late. Wait, where's the others?" Biglang sabi ni Miley.

"Si Demi umuwi dumating kasi si lolo, si Gerald at Kathryn magkasama papunta pa lang." sabi ni Selena. Pero hindi sa kanila ang attention ko kung hindi sa taong nasa likod ni Miley.

"Ay guys, si Faith kapatid ko. Sinundo namin siya kanina sa airport kaya sorry kung na-late kami." Paliwanag ni Miley.

Miley hindi mo na kailangan pang ipakilala sa akin siya dahil kilalang kilala na ko, ni Nicolai at ni Kathryn itong kapatid mo. Siya lang naman si Faith Loyal Cruz – hindi naman mahilig ang pamilyang Cruz sa mga ganung pangalan – at kapatid siya ni Miley, eleven months lang ang pagitan nilang dalawa kaya alam na alam ko. Kung si Miley pala asar at pala tawa itong si Faith iba kasi she's a bitch, worst than a bitch I guess.

Nakatingin lang sa akin si Faith pero hindi ko siya pinansin at napansin ata ni Nicolai na ayokong kausapin yung taong inakala kong disente.

"Uy, Faith. Welcome back." Sabi ni NJ at niyakap niya si Faith. Nakalimutan ko ring sabihin na magkakilala sila ni NJ kasi naman anak siya ng isang Mafia Leader at ang tatay ni Miley at Faith ay member nun.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon