16HSL

6.9K 30 0
                                    

16HSL

 

Gerald POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil sa ginawa sa akin ni Kathryn. Alas dose na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog nandito pa naman sila mommy at baka kapag nakita akong gising magalit pa iyon.

Nagmadali kasing umuwi ng nalaman niya sa mga staff ng bar na naglasing ulit ako at ang malala sinabi rin ni Kathryn. Pero ayos lang, natuwa pa nga si mommy ng nalaman na may bagong nilalaman itong puso ko. Pero hindi talaga ako makatulog, ilang ikot ko na sa kama ko pero hanggang ngayon dilat pa rin ako. Kailangan ko pa naman pumasok ng maaga bukas dahil gusto kong kausapin si Jason, pero ano ito? Hangang ngayon ay para akong paniki na gising na gising. Patay ako mamaya nito sa klase. Baka maging bangkay ako nito mamaya dahil malaki ang eye-bag ko. Hindi ko maibabalandra ang gwapo kong mukha.

Teka? Bakit ko nga pala ibalandra itong gwapo kong mukha baka may maglayo pa sa akin kay Kathryn but on the second thought I would never let that happen.

Hindi talaga ako makatulog kaya dumiretso na lang ako sa refrigerator ko dito sa kwarto para makainom ng tubig o kahit gatas man lang pero, the heck! Wala nga palang gatas o tubig dito puro mga alak ang nandito. Hay, I need to change my lifestyle for the sake of my happiness.

Kathryn POV

 

It is already twelve midnight and the people here are freaking out. Nasa shop kasi ako ni mommy at lahat sila nag-papanic dahil sa isang model na nagkaroon ng chickenpox, for all people na pwedeng magkaroon ng chickenpox yung model pa namin. And because I am assign in the promotion division of my mother kaya ako nandito ngayon. Hindi naman ako compulsory to be here pero as the head of the promotion division and soon to be the owner of this shop kailangan kong magpakitang gilas. I love to be in this industry and I want to make a name the same as my mother.

"Ryn what's this commotion?" Biglang sabi ni mommy. Kasi naman kanina pa nga sila nagpapanic at ako kanina pa sila pinapakalma.

"They are panicking because one of the models got chickenpox." I said calmly. Dapat calm lang kasi kapag nakita ng mga empleyado na nagpapanic na ang boss or head paniguradong magpapanic sila lalo.

"Call Andrei." Matipid na sagot ni mommy. I already know na yun ang sasabihin niya.

"Andrei already migrate in Korea. Don't you remember mum?" Sabi ko. Si Andrei kasi ang isa sa pinaka-gwapo sa mga models naming but unfortunately kailangan niyang magmigrate in Korea, business matters daw.

"Oh, yeah, I forgot. How about Jin?"

"Jin, is currently focusing on studying, madam." Sabi bigla ng isa sa staff.

"The best way is call your brother." Sabi ni mommy. Close sila kasi, KJ is like a son to my mother. Kapag kasi kulang kami ng models si KJ ang tinatawag namin at willing si KJ na mag-model para sa amin.

"Mum, kuya has a meeting earlier around eight in the evening and he might be sleeping in case you've forgotten that it is already past midnight." Sabi ko kay mommy. Sorry, if you think na binabastos ko si mommy pero ganito lang kami kapag nasa shop. Kapag business ang pinag-uusapan. Minsan nga minumura pa ako nun pero nothing personal naman it is all about business naman. At hindi ko tinatawag na KJ ang kapatid ko kapag si mommy ang kaharap gusto kasi niya kuya ang itawag ko. Wala naman magawa si KJ kapag sinabi ni mommy kasi parang ina na rin ang turing niya rito.

"Oh yeah, sorry my dear." Sabi niya. Sa totoo lang deep inside nagpapanic na rin ako pero hindi ko lang pinapahalata. Biglang nagring yung cellphone ko at napangiti ako dahil may maipapalit na ako sa model namin.

From: Gerald Delos Reyes.

Tonight you've keep running in my mind. I know you were sleeping and sorry if I send this text message too early but I want to greet you an advance good morning.

Dahil sa text niya binigyan niya ako ng idea kaya tinawagan ko kaagad siya.

"I thought you were sleeping? Bakit gising ka pa?" Bungad niya kaagad sa akin.

"Hindi pa ako natutulog. May problema kasi."

"You need any help?" Sabi niya at napangiti ako.

"Pwede bang pumunta sa shop ni Mommy?"

"In this kind of hour?"

"Please Gerald. I really need your help. Ikaw lang ang makakatulong sa akin and I swear babayaran kita sa gagawin mo." Pagkukumbinsi ko sa kanya.

"Ano ba yang pagagawa mo sa akin?" Tanong niya.

"One of my mother's model got chickenpox and we can't replace anyone in this kind of hour. Yung isa extra naming model nag-migrate, yung isa naman nag-focus sa study. Kung si KJ naman may meeting siya kanina kaya paniguradong pagod yun."

"Meeting?" Opps, parang hindi niya alam tungkol sa ginagawa namin. Bahala na, besides malalaman rin naman niya yun kaya hindi ko na itatago.

"I'll explain everything but I want it personal. Ayokong sa call lang at ikaw lang ang alam kong may gwapong mukha na pwedeng ibalandra sa buong mundo." Sabi ko. Kahit ayokong may nagpapantasya kay Gerald wala akong magagawa kasi gwapo naman kasi talaga siya.

"Alright. Pupunta ako but you owe me an explanation." Sabi niya at saka niya binaba ang tawag.

"May model na akong nakuha at papunta na siya." Pag-announce ko sa lahat.

"Who my darling?" Tanong ni mommy.

"You will see mom."

 

 

Gerald POV

 

"Son, where are you going?" Biglang sabi ni mommy. Makakatakas na nga, pasaway talaga si mommy bakit wrong timing?

"Someone needs my help." Sabi ko.

"Who?"

"Why you want to know?"

"Because I am concern my son." Biglang lapit niya sa akin. Tinignan ko ang itsura ni mommy nakabihis siya ng pang-alis. Mukhang mag-shopping ito sa ibang bansa na naman.

"Mom, as much I want to tell you but I need to also ask. Where are you going? Are you going to shop again outside the continents of the Philippines?" Tanong ko at ngumiti si mommy ng nakakaloko. Tama nga ang hinala ko.

"I think you just have to come with me."

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon