18HSL

6.5K 37 6
                                    

18HSL

 

Jason POV

 

Malapit ng mag-ring ang bell pero wala pa rin si Kathryn. Hindi naman nale-late yun kahit kalian.

"Pare, si Gerald papasok ba ngayon?" Tanong sa akin ni Aldred.

"Hindi ko alam." Sabi ko. Teka?! Wala pa rin si Gerald ngayon, hindi kaya magkasama sila ngayon? Biglang may pumasok na dalawang tao na hapong-hapo. Si Gerald at si Kathryn, sabi na nga ba mag-kasama sila.

"Don't ever do that again! Papatayin mo yata ako sa sobrang pagod." Sabi ni Kathryn habang naglalakad papunta sa amin.

"Ayaw mong tumakbo pero ayaw ma-late. Ang labo mo, dapat nga ako yung ganyan hindi ikaw." Sabi ni Gerald at ginulo niya ang buhok ni Kathryn bago umupo sa upuan niya.

"What's up?" Maligaya niyang bati sa amin.

"Makasama kayo ni Kathryn. Kayo na ba?" Tanong agad ni Aldred. Lakas makapuna.

"Hindi kami pero magkasama kami kagabi." Napatayo akong bigla. "Bro, chill. May hininging favor siya sa akin at umabot ng alas tres na ng madaling araw kaya sabi ng mommy niya na matulog na lang daw kami ng mommy ko sa bahay nila."

"Anong favor naman iyan?"

"Nagkaroon kasi ng chickenpox yung isang model nila." Pagpapaliwanag niya. Tinignan ko siya ng masama. "Bro, kahit tanungin mo pa ang mommy niya yun ang ginawa ko at saka yung pinatulog kami sa guestroom at hiniling kong magkasama kami ng mommy ko."

 

Paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi ni Gerald? Ayokong maging parte si Kathryn ng mga pinaglaruan ni Gerald kahit alam kong seryoso siya sa kapatid ko.

Kathryn POV

 

Grabe talaga, ang tagal kong ayusin ang buhok ko tapos guguluhin niya lang pero that's the first time. I think Mrs. Delos Reyes told me before was true.

"What's with your faces? Para niyo akong bibitayin? May nagawa ba akong kasalanan?" Tanong ko habang umupo sa usual sit ko. Kasi naman yung mga tingin nila parang mangangain, they look like a witch.

"Ano yung kanina?" Sabi ni Miley.

"Anong ano yung kanina?" I asked innocently. I saw Selena smile widely at me.

"Ano ba kayo girls huwag niyo naman i-harass ng ganyan si Kathryn. If they are an item or what bahala na sila and I can sense naman na nagbago na si Gerald. Let us just be happy for them." Sabi ni Selena at lahat naman sila natahimik.

Hindi na naulit yung incident na yun at hindi sumabay sa amin si Gerald. Ang sabi may biglang dumating raw na hindi inaasahan kaya kailangan raw umalis. May mga balitang dumating raw ang fiancée niya. The heck! Fiancée pa talaga ang sinabi pero inassure naman ako ng grupo na hindi fiancée raw yung dumating. Basta raw magtiwala lang daw ako kay Gerald. Even KJ was supporting Gerald na, ewan ko kung anong nangyari pero parang medyo okay na sa kanya si Gerald pero mailap pa rin siya, masyadong overprotective kasi.

"Hi!" Sabi ng isang babae na lumapit sa amin. "Can I take this vacant sit, wala na kasing maupuan." Sabi niya at tumango na lang kami. Dalawa pa kasi ang vacant dito sa amin. Nine kasi ang upuan.

"Thanks." Sabi niya at umupo na sa isang vacant na malapit kay Aldred.

"Sino may food?" Biglang sulpot ni Gerald.

"Here man." Sabi ni Aldred at inabutan siya ng sandwich na binigay niya sa lahat. Umupo naman siya sa tabi ko which is vacant at katabi niya yung babae.

"Gerald anong nangyari bakit ka biglang pinatawag?" Pambasag ni Nicolai ng katahimikan.

"Same as usual simula nagstart ang schoolyear na ito." Sabi ni Gerald at nagtawanan ang mga boys, kaming mga girls naman napakunot ang noo. Bakit kaya?

"Pare, iannounce mo na kasing taken ka." Sabi ni Aldred.

"Taken nga pero sila na ba?" Sabi ni Nicolai. Yung babaeng nakiupo sa amin ay nakikinig lang pero nakatingin siya kay Gerald. Yung sinabi ni Nicolai mas lalo akong nagtaka.

"Hindi pa kami, kasi ayaw pa ng kuya." Sabi ni Gerald at naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Kami pala ni Gerald ang tinutukoy nila.

"Hindi pa talaga. Baby pa yan mag-seventeen pa lang yan. Kapag twenty na, pwede na." Sabi ni KJ.

"KUYA!" Bigla kong sigaw.

"Bakit?" Ngisi niyang sabi.

"Gagawin mo akong gurang? Hello, kuya. Nagkaroon ka nga ng girlfriend noong seventeen ka, bakit ako hindi pwede?" Sabi ko.

"Kasi babae ka. Naiintindihan ko naman si Jason, kaya relax." Sabi bigla ni Gerald.

"Why life is so unfair." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Itong si Gerald biglang napalingon sa katabi niya.

"Geneva?" Tanong niya. He knows this girl? Malamang kaya nga niya tinawag yung pangalan kasi kilala niya.

"Gerald, ikaw pala." Ngiti nung babae.

"Guys –" Panimula ni Gerald.

"Kapag guys lang yang binanggit mo bibitayin kita." Sabi ni Miley. Natawa naman kaming lahat habang si Gerald nanliit ang mata.

"Ladies and – geez masyadong pormal. Pwede Miley?" Sabi ni Gerald at natawang tawang tumatango si Miley.

"Everyone, this is Geneva. She's my childhood friend." Sabi ni Gerald. "Geneva, this are my friends: Nicolai, Aldred at Jason tapos si Selena, girlfriend ni Nicolai. Miley, girlfriend ni Aldred. Demi, pinsan ni Selena at si Kathryn –"

"Subukan mo lang na pangit ang introduction mo, ikakalat ko picture mo kagabi Rald." Sabi ko.

"Subukan mo lang ipagkalat yan Ryn, malalaman din ng lahat kung anong pinaggagagawa mo tuwing gabi." Sabi sa akin ni Gerald. We are both fooling around at alam yun ng barkada tapos sabay kaming tumawa.

"Back to business, Geneva this is Kathryn. Kapatid ni Jason." Sabi niya.

"Kulang pare." Sabi ni Nicolai.

"No need to tell me kung ano yung the rest tungkol kay Kathryn kasi narinig ko naman pinag-uusapan niyo. May tengga naman kasi ako." Sabi ni Geneva at tinignan niya ako ng masama at she rolled her eyes. Grabe! Lakas maka-ikot ng mata. Dukutin ko kaya yan.

The rest of the afternoon biglang nawalan ng klase dahil dumating raw ang isang investor ng lolo nila Demi at Selena. Ito lang ang masaya kapag may investors walang klase pero kailangan magstay. Nasa cafeteria lang kami nagstay kasi ayaw naming pagkaguluhan din pero parang dito sa cafeteria pupunta yung investor.

"Hey babies." Sabi ng isang babae kaya paglingon ko laking tuwa ko.

"Tita Grace." Sabay naming sabi ni KJ at napayakap sa kanya.

"Kayo yung investor?" Tanong ko pero umiling siya.

"Your dad. Now, bolahin niyo na yung daddy niyo para makahingi kayo ng gusto niyo. He is in the good mood right now." Sabi niya at nagpaalam muna kami sa barkada para puntahan si Daddy. This is going to be good.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon