14HSL
Gerald POV
Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Kwarto ko ito. Paano ako nakarating dito? Biglang naalala ko ang nangyari kagabi. Si Kathryn inuwi niya ako dito.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang yaya ko.
"Naku, gising ka na pala anak." Sabi ni Yaya Minda.
"Hindi po tulog pa po ako. Sleep-talking pa nga po, e." Pilosopo kong sabi at natawa naman siya.
"O, ayan. Kainin mo yan at dinala iyan ng princesa mo para mabawasan yang hangover mo." Sabi niya at napaisip ako. Si Kathryn ba yung sinasabi niya?
"Yaya Minda si Kathryn ba ang tinutukoy mo? Siya ba ang nag-uwi sa akin dito?" Tanong ko habang humihigop ng sabaw. In fairness masarap.
"Oo yung Kathryn Cupido at yung kapatid niyang si Jason. Ke babait na bata. Umalis sila dito kagabi matapos kang ihatid sa kwarto mo pero pumunta yung kapatid niya ng mga bandang alas otso ng gabi para malaman ang kalagayan mo. Tapos kaninang alas singko ng umaga dinala yan ni Kathryn. Initin ko lang daw para mas masarap daw kapag mainit. Huwag ka na rin daw munang pumasok, siya ng bahala daw magsabi sa mga guro niyo kung anong nangyari sa iyo. Siya na raw bahalang magdahilan. Dalawang oras nga siyang nandito. " Sabi ni Yaya Minda. Gagawin iyon ni Kathryn kahit napaiyak ko siya? Napatingin naman ako sa may orasan at naalala ko yung sinabi ni yaya Minda. Five in the morning nandito si Kathryn at dalawang oras daw na nandito, e, seven pa lang ng umaga. Ibig sabihin kakaalis lang ni Kathryn.
"Yaya, kakaalis lang ni Kathryn?" Tumango naman siya. "Bakit hindi niyo ako ginising."
"Naku, ayaw kang pagisingin. Sabi niya hayaan ko na raw muna ikaw makatulog." Sabi ni Yaya at umalis na sa kwarto ko. Kainin ko na lang daw iyon at magpahinga muna.
Jason POV
Buong araw kong hindi nakita si Gerald at tuwing magpapalit ng teacher ay lalapitan ni Kathryn ang guro namin at may sasabihin. Ewan pero parang wala na akong magagawa kung hindi hayaan silang dalawa kung maging sila.
Nakita ko si Demi na naglalakad papunta na sa pintuan ng hawakan ko ang kamay niya, tinignan niya ako. Hindi galit kung hindi pagkagulat. Yung mga kamay niya ganun pa rin, malambot at naaamoy ko pa rin ang pabango niyang honey lemon na lagi niyang gamit. Mahal ko pa rin talaga siya. Siya ang rason kaya ako nagpapangahas ulit umibig. Tinapos namin ang relasyon namin hindi dahil may iba ako o may iba siya kung hindi dahil sa kagimbal-gimbal na nangyari sa kanya. Wala naman sa akin iyon pero sa tingin ni Demi hindi ko iyon matatanggap, sa tingin niya ay napakarumi na niya pero nakikita ko siya kanya ay ganoon pa rin. Walang nagbago.
"Could we talk?" I told her and she nod. This is my chance, I couldn't court someone anymore.
Pumunta kami sa pinakamalayong parte ng hallway na walang makakakita sa amin, nang nakarating kami doon ay nagtinginan lang kami. Walang gustong magsalita, alam kong mahal niya pa rin ako at ganun din ako sa kanya.
"What do you want to talk about?" Sabi niya at umiwas ng tingin.
"Tungkol sa atin." I said firmly.
"Wala na tayo at hindi na magiging tayo Jason kaya itigil mo na." Sabi niya at aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Mahal pa rin kita Demi." Sabi ko at nakikita kong may namumuong luha na sa kanyang mga mata. "Wala akong pakialam doon sa nangyari sayo. Ang pakialam ko lang ay ikaw at ang kasama ka ngayon hanggang sa susunod na mga araw at taon."
"Ikaw, walang pakialam pero ako meron. Ayokong maging parte ka ng issue ng nakaraan ko." Sabi niya at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Pinahid niya ito at tuluyan ng umalis.
Things really had change. I guess I need to give up. I need to forget about my feeling towards her but I couldn't do that.
Demi POV
Sobrang sakit kapag lagi niya akong nilalapitan at nagmamakaawang maging kami ulit. Gusto ko sa totoo lang pero hindi ako karapat-dapat sa kanya. Masyado na akong marumi para sa kanya, hindi ako ang klase ng babae na dapat ipagmalaki.
*Flashback*
Nananatili ako dito sa sahig habang tumutulo ang luha ko sa mga mata ko.
Days and weeks are passed, at walang nakakapag-usap sa akin ng matino. Tinititigan ko lang sila na walang expression. Nakikita ko na nag-aalala sila lalo na si Jason. Tanging si Nicolai at si Selena lang ang nakakaalam ng relasyon namin.
"Muffin, please talk to me." Sabi niya. Lagi niyang sinasabi yan pero wala siyang nakukuhang response galing sa akin. Nananatili siya rito simula nung nangyari yung insidenteng iyon.
Isang gabi lumabas ako at hindi ko alam kung bakit, siguro dahil gusto ko ng kausapin si Jason. Nang hahakbang na ako papunta sa hagdan ay narinig ko ang boses ni Jason at Nicolai na nag-uusap malapit sa hagdan lang. Nasa may couch siguro sila at dahil gabi na kaya walang masyadong ingay sa labas.
"Lahat na ay may alam tungkol sa nangyari kay Demi." Kilala ko yung boses na yun, kay Jason yun.
"What's your plan?"
"Anong plano? Sasabihin sa lahat na ako ang boyfriend, ipagtatanggol ko siya."
"Pare, baka insultuhin ka nila. Ikaw ang mahihirapan."
"Wala akong pakialam sa pang-iinsulto nila dahil mahal ko si Demi. Wala akong pakialam dahil ang inaalala ko lang ay si Demi."
Sapul ako dun. Mahal niya ako ng sobra to the point na wala siyang pakialam kung anong insulto ang matatanggap niya. Kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan ko siyang protektahan kahit makakasakit pa sa aming dalawa.
*End of flashback*
Kung sakit ang kapalit para maprotektahan ko siya kakayanin ko. Wag lang siyang mainsulto ng mga tao sa paligid niya. Kung saktan siya ang tanging paraan iyon ang gagawin ko. Mahal ko siya sobra ko siyang mahal kaya ko ito ginagawa. Yung sakit na nararamdaman niya mawawala rin yan kapag nagmahal na siya ng iba.
BINABASA MO ANG
High School Life
Teen FictionHigh School Life # 1: What if you fell in love in your mortal enemy? What will happen in your High School Life. Cover by: Erika Chui