22HSL

5.3K 27 0
                                    

22HSL

 

Selena POV

 

Pagdating na pagdating namin dito sa AE dahil tapos na ang Halloween break kaya nandito ulit kami. Pagpunta ko sa classroom lahat ng classmate namin ay nakatingin sa akin. Wala namang pinagbago doon pero parang may iba akong nafe-feel at hindi ito maganda.

"Parang ang lalim ng iniisip ng babe ko." Sabi ni Nico while he kisses my cheek.

"Wala may nasense lang akong bad. Alam mo na parang dati lang." Sabi ko sa kanya. Alam niya yung tinutukoy ko, nangyari na iyon last year. Hinawakan naman niya yung kamay ko at saka niya hinalikan para siguro mawala yung masamang kutob ko.

"Sweetest couple." Biglang sabi ni Miley habang papalapit kami sa upuan namin. Sinalubong kasi ako ni Nic.

"Anong kami?" Sabi ko naman.

"Oo nga anong kami ang sweetest, kakapasok pa nga lang ni Selena pero ako kanina pa ako nilalanggam dito dahil dun sa dalawang yun." Sabi ni Nicolai habang tinitignan niya si Kathryn at Gerald na nagbubulungan sa isa't isa. Lahat naman kami napatingin sa kanila. Sobrang saya ko dahil maligaya na silang dalawa.

Nang napansin ng dalawa na tahimik kami at nakatingin kami lahat sa kanila bigla silang naging unease sa isa't isa.

"Pre maawa sa mga langgam." Sabi ni Aldred habang tinapik si Gerald sa balikan. Habang kami ni Nico umupo na sa upuan. Nakakangawit kaya na nakatayo. Try niyo kung kaya niyo, kasi ako hindi.

"Nag-uusap lang kami dun sa assignment natin ngayon. Kasi mali mali ata yun sagot ko. Hindi ako sigurado kasi kung tama, o tama ba yung pagkakaintindi ko." Sabi ni Gerald.

"Tama naman kasi yung ginawa mo at yung pagkakaintindi mo. Sige balik na ko sa upuan ko." Sabay tayo ni Kathryn at umupo sa upuang katabi ko. Humarap naman kami kay Kathryn with our smile on our face.

"Bakit ganyan kayo makangiti? Creepy girls." Sabi niya habang binabalik sa bag niya yung notebook na dala niya kanina.

"May nangyari na ba sainyo?" bungad agad ni Miley at kinagulat naman ni Kathryn yun.

"A-anong nang-y-yari?" She said while stammering.

"Stop of the lies. Alam mo kung ano ang sinasabi ni Miley." sabi naman ni Demi.

"Walang nangyayari sa amin." She said and napatingin ako kay Demi kasi she frown na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "Hanggang kiss lang pero hanggang doon lang." 

"Proud ako sa boyfriend mo. Mahal ka talaga." sabi ni Demi and we all nod parang may na-sense akong jealousy.

Natapos ang morning class naming na medyo boring. Puro lessons, recitations at quizzes. You know normal process of class. Nang mag-lunch na kami, we proceed sa canteen to buy food pero napatigil ako at napahawak kay Nicolai. Nakita naman niya kung bakit ako napatigil, yung lalaking kinatatakutan namin ni Demi. He is not a boy anymore or a teenage boy like our beau but he is already a man, a grown up man. Napatingin naman ako kay Demi then back to the man in front of us.

"Demi halika na." Sabi ni Jason at hinatak siya paalis sa harapan ng lalaki. Nagtaka yung iba kung bakit pero ginawa na lang nila yung ginawa ni Nicolai at Jason sa aming mag-pinsan.

Hindi kami kumain sa canteen kundi lumabas kami ng school at kumain kami isa sa mga café shop dito. Tahimik ang lahat walang nagsasalita sa amin. Nico was just holding my hand while eating his adobo rice. Si Jason, pinapakalma si Demi kasi nangangatog at yung iba hindi makapagsalita dahil sa ngangyari.

Ilang minuto pa ang nakalipas at binasag na ni Gerald yung katahimikan.

"Sino yung lalaking yun?" Tanong ni Gerald na nag-aalangang sumagot. Walang sumagot sa aming apat nila Nicolai. I took a glimpse of Demi, her face is still pale and still nervous to see that bastard guy again.

"Wala yun, Gerald." Sabi ni Jason pero mukhang hindi na-convince si Gerald.

"Gerald teacher namin noong third year kami. Terror siya kaya takot kaming dalawa ni Selena sa kanya." Diretsyong sagot ni Demi. Pero halata pa rin na hindi convince si Gerald. Suddenly Nico look at me and I looked him back. Alam naman kasi namin na nagsisinungaling lang naman si Demi.

"Nakakatakot lang talaga yun kaya ganun kami." Sabi ko at tumingin ako kay Demi na ngayon ay medyo kalmado na. Tumingin naman ako kay Nicolai at nakikita kong nakatingin siya kay Demi parang dati lang, na turing niya talaga sa pinsan ko ay parang kapatid.

Nang natapos ang lunch at sabay-sabay kaming pumasok ulit sa classroom pero humiwalay si Demi kasi pinatawag ulit siya ng photographer ng school for the school portfolio. Ngayon ko lang napansin mas lalo akong nakaramdam ng hindi maganda.

"Babe, something wrong? Namumutla ka. Hindi maganda pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Nic sakin but I assure him na okay ako. Then suddenly nagring ang cellphone ni Miley at ni loudspeaker niya agad.

"What do you want?" Boses ni Demi yun. Nagsalita kami kaagad pero hindi ata naka-focus siya sa cellphone. Parang binuksan niya yung cellphone para marinig namin.

"I want you, always you. You know that Demitria." Napatayo ako ng marinig ko kung kanino yung boses na yun. Hinding hindi pwede kami magkamali nila Jason at Nicolai kung sino yung lalaking iyon. Kaya napatakbo kaagad kami nila Jason sa labas ng classroom tapos sumunod naman yung iba.

"Anong nangyayari?" Sabi ni Gerald habang tumatakbo.

"That guy earlier, yun yung dahilan. Basta let us just find Demi, please." Sabi ko naman kaagad. Hinanap naming siya ng hinanap. Hindi naming alam kung nasaan sila. Sana hindi pa huli ang lahat. Biglang naglabas ng cellphone si Nic at parang may dinadayial.

"Babe, there is no time to text." Pagalit kong sabi.

"Babe, I am locating where she was. May GPS kayo dalawa ni Demi sa akin." Sabi niya kaya napahinto kami sa pagtakbo at hinintay lumabas ang location niya. When we already spotted where she was tumakbo agad kami papunta sa photography room.

I call immediately my lolo that we need namin ang help niya, na kailangan siya ni Demi. Pagkadating namin sa photography room nakita namin agad sila, si Demi nakahiga at umiiyak na tulala habang yung bastardong lalaking yun pilit tinatanggal ang damit niya. Agad namang sumugod si Jason sa lalaking yun at si Nic ay pilit naman tinayo si Demi.

"Hayop ka!" sigaw ni Nico. "Don't you ever touch her!" Sabi niya habang sinuntok na rin yung lalaki.

Hindi pa nakakailang suntok si Nicolai at si Jason ng dumating kaagad si lolo kasama ang mga bodyguards at pinigilan nila si Nicolai at Jason upang dakpin yung lalaki.

"Hayop ka Zandro. Apo ko pa ang ginanyan mo." Sabi ni lolo saka niya pinaalis yung lalaking yun at dadalhin na raw sa police station.

"Demitria, my apo." Sabi ni lolo at inakap si Demi. Tumingin naman siya kay Nicolai at Jason.

"Thank you, Nicolai for protecting my two precious granddaughters. Thank you Jason for loving her and protecting her even she's not yours anymore." Sabi lolo sa dalawa.

"That's nothing po. I love Selena so much and I love Demi as my younger sister." Sabi ni Nicolai.

"I'll do anything for her, Mr. Empire." Sabi ni Jason.

Tinignan ko si Demi at tulala lang siya. I look at Nico and hug him tight, hindi ko inexpect na ganyan niya pinapahalagahan ang childhood life nila ng pinsan ko. Lagi niya na lang pinagtatanggol si Demi at ako kahit noong bata pa kami, siguro kaya I fell in love with him because he's our knight.

Tinignan ko yung iba at yung mukha nila parang nagtataka dahil siguro doon sa sinabi ni Jason. I think he needs to tell to them what's between he and my cousin para matulungan rin siya namin tulad na lang ng pagtulong nila sa amin ni Nicolai.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon