5HSL

12.6K 55 0
                                    

5HSL

 

Gerald POV

 

Pagkatapos naming magplano kasama ang Empire Sister – maliban lang si Selena – dumiretso na kaagad ako sa bahay. Magpaplano pa kami sa mga susunod na araw o buwan. Kailangang pulido ang plano namin para walang palya.

Pagdating ko sa kwarto ko, humiga kaagad ako sa kama ko at inalala ang nangyari kanina at lintek! Akala ko ako lang ang magaling mang-akit pero may mas matindi pa pala sa akin! Para akong nasa langit tuwing hinahawakan niya ang kamay ko o ang braso ko.

"Lintek! Playboy ito! Huwag kang mawala sa wisyo mo! Wag kang mawala sa bawat hawak at tingin niya sayo, Gerald!" sabi ko habang kinakamot ko ang ulo ko dahil sa pagkairita ko. Tumingin ako sa kisame at yung utak ko walang laman pero habang tumatagal mukha ni Kathryn ang nakikita ko.

"Fuck!" Sigaw ko at may ibang taong pumasok sa kwarto ko. Kahit kelan wala akong privacy sa kwarto ko kapag hindi nakalock.

"Gerald, may problema ba, hijo?" Sabi ni Edgar – yung butler namin sa bahay – habang pumasok sa loob ng kwarto ko.

"Wala, mang Edgar. May naalala lang ako at hidni maalis sa isipan ko ngayon." Sabi ko habang tumayo ako at pumunta sa may refrigerator ko – maliit lang naman siya – para kumuha ng bote ng beer.

"Sa tingin ko, hijo. Babae yang iniisip mo? Tama ba ako, Gerald? Maraming beses ko naman ng sinabi sa iyo na tigilan mo na yang pagiging playboy mo. Baka hindi ka niya mapansin ang tunay na ikaw at hindi ka niya magustuhan kapag pinagpatuloy po pa ang paglalaro mo sa mga babae."

"Mang Edgar, gusto mong masisante?" Sagot ko sa kanya sa pagsermon niya sa akin. Wala naman akong balak siyang sisantehin, kasama ko na siya simula noong bata pa ako. Alam niya lahat tungkol sa akin, kung bakit at paano ako naging ganito.

"Gerald, kaya mo bang sisantihen ako?" Paghahamon niya sa akin at tumawa naman ako. Alam niya kasing hindi ko kaya!

"Syempre, hindi. Ikaw kaya ang pinakapinagkakatiwalaan kong butler dito." Sabi ko habang tumatawa pa rin.

"Alam ko Gerald at saka hindi mo ako kayang patalsikin kasi mga magulang mo lang ang may kaya nun." Sabi niya sa akin at tumawa naman ako ng malakas. Ayan ang gusto ko kay mang Edgar, napapatawa niya ako lagi.

"Alam ko." Nasabi ko na lang.

"Sino ba yang babaeng iniisip ng isang Gerald Delos Reyes?" Biglaang tanong niya. Alam na alam niya na talaga ako kahit hindi ko na sabihin.

"Hindi mo naman yun kilala panigurado ako." Sabi ko.

"Gerald, maaaring oo at maaaring hindi."

"Sige na nga sasabihin ko na. Siya si Kathryn Cupido." Sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang sinasambit ang pangalan niya.

"Pamilyar yung apelyido. Pero Gerald, malay mo kung gusto mo talaga iyang si Kathryn bakit hindi mo muna siya kilalanin ng mabuti bago ka sumisigaw-sigaw rito ng lintek at nagmumura ka. Gerald advice lang hijo, wag kang matakot na magmahal muli. Kasi hindi mo pa naman kilala yung ugali niya at prensipyo niya sa buhay na maaari mong panghinayangan na hindi ka gumawa ng paraan. Baka sa pagkilala mo sa kanya malaman mo na iba pala siya kaysa sa nakaraan mo. Huwag mong hintayin na mahulog siya sa'yo tulad ng ginagawa mo sa mga naging mga karelasyon mo ngayon. Make a move to make her fall in love with you at ibig sabihin nun sa salita ng kabaataan ay the moves." Sabi niya. Grabe si mang Edgar may nalalaman pang the moves. Kinuha niya yung bote ng beer ko na hindi ko pa naiinom o nabubuksan man lang.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon