21HSL

5.6K 27 0
                                    

21HSL

 

Jason POV

 

Pagdating nila Kathryn at Gerald kitang kita ko ang ngiti nilang dalawa. Masaya ang kapatid ko at ito ang importante. Besides, dalawang linggo na sila kaya sa tingin ko seryoso nga talaga si Gerald. Binigay kaagad nila BK yung mga pagkain at nakakain kami kaagad. Kinain naman namin kaagad iyon, akala ko hindi mga gutom itong mga kasama ko pero ito kung makakain wala pang bukas.

"Maawa naman kayo sa langgam!" Sigaw bigla ni Aldred. Paglingon ko si Nic at si Selena ay nagsusubuan at naghaharutan. Natawa na lang ako para dami may naalala lang ako tungkol sa amin noon ni Demi.

"Inggit ka lang kasi Aldred!" Sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Bakit naman ako maiinggit sa dalawang ito? Nandito kaya ang baby ko. Naaawa lang ako sa inyo ni Faith, kayo lang kaya walang partner dito." Sabi ni Aldred tapos tumawa pa siya ng napakalakas.

"Tangina bro, para kang mangkukulam." Sabi naman ni Gerald habang nakaupo sa sahig na pinapagitan ng mga hita ng kapatid ko.

"Gago! Ganyan ka na porke naging kayo lang nitong ni Kathryn at kelan kayo naging kayo?" Tanong niya.

"Just two weeks ago bro." Proud na sabi ni Gerald.

"Ano ba naman yan, nung review week pa natin? Hindi tuloy kami nakapagpaparty para sayo. Stag party! Haha!" Sabi ni Aldred.

"Ano yun ikakasal na sila? Ulol mo Aldred! Kakapagyag ko pa lang na maging sila tapos ikakasal na kaagad itong si BK. Ulol mo pare!" Sigaw ko.

"Bakit pa kasi kayo –" Simula ni Selena.

"Past is past." Tinapos ko na lang. Ayokong malaman ni Faith na may mas minahal ako sa kanya. Masyadong insecure itong babaeng ito. Biglang tumahimik ang lahat parang naninimbang kung ano pa yung idadagdag ko.

"May mga homework na ba kayo?" Pagbasag ng katahimikan ni NJ. Mukhang natutunugan niyang ayokong mag-open up.

"Meron na ako, ginawa ko lang siya kahapon. Panigurado itong si BK at si Gerald wala pa." Sabi ko sabay turo sa dalawa.

"Tol, diyan ka nagkakamali. Tapos na namin siyang gawin last week pa." sabi ni Gerald. Hindi namin alam pero parang may anghel na dumaan ulit kasi tumahimik ulit kami.

"Mga tol, sandali lang pupunta lang akong cr." Sabi kosabay tayo at pumunta sa CR.

Habang ako ay naghihilamos may kumatok sa pintuan ng CR. Hindi ko siya pinansin kasi panigurado isa lang sakanila kasi itong court na ito ay exclusive na kami lang ang gagamit. Lagi kasing may reservation dito. Parang restaurant lang ang itura dahil sobrang ganda naman kasi itong court na ito. At mga bregs kailangan mong magbayan dito ng isang libong piso kada oras.

Lumabas ako ng pintuan at nakita ko si Faith na nakasandal sa may pader ng CR.

"Gagamit ka ng CR?" tanong ko.

"No, I want to talk to you." Sabi niya sa malanding boses. Ngayon ko lang napagtanto bakit ko nga ba minahal ang ganitong klaseng tao?

"What do you want to talk about?" Tanong ko sa kanya.

"I want to say sorry for the last time. It's been two years but I didn't get a chance to say sorry. I've been flooded by his kisses but I like you back then and I still do." Sabi niya habang hinawakan niya ang braso ko.

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon