DU: W4 Kids

8.6K 225 15
                                        

**********

AMETHYST

Sumakay naako sa taxi. At nandito na ako ngayon sa pakahabang traffic na akala mo ay merong forever. Choss. Hays, Maynila nga naman talaga.

Habang rine-relax ko ang sarili ko dahil naiinis pa kasi ako sa traffic ng biglang ay kumatok sa bintana ng taxi na sinasakyan ko.

Agad ko itong binuksan at nakita ang mga cute na cute na mga bata, at dahil sa sobrang ka-cute-an nila hindi ko mapigilan ang sarili kong ma-excite sa itsura ng magiging anak ko in the future. Kaloka.

"Hello po ate! Nagugutom po kasi kami, pwede po ba kami humingi ng pera kahit 20 pesos lang ibigay nyo saamin?" sabi ng cute na batang babae.

Waaa! Ang kyu-cute nila!

"Okay, pero bago yun pwede ko bang malaman ang mga pangalan ninyong tatlo?" tanong ko sa kanila

"Ako po si Ayumi. Maganda po ako sabi ng nakakalaro kong mga bata sa EDSA" sabi nung cute na batang babae na si Ayumi. Infairness ha, maganda talaga sya.

"Ako naman po si Mitsuhiko, matalino rin po akong bata pero may pagka-bobo din po minsan hehe." sabi noong cute rin na lalaki na si Mitsuhiko next to Ayumi.

"Hi po ate ganda! Ako po si Genta! Alam nyo po ba kong ano gusto ko?" cute at jolly nyang sabi

"Ano?" tanong ko

"FOOD!!! Ang sarap po kasi talaga ng eel! Kulang pa nga sakin ang isa kundi gusto ko ubusin ang stock ng restaurant. Kaso pinaalis kami nung may-ari, nanggugulo daw kasi kami." sabi nya

Hehe, itong isang to kasing lahi din ni bessy Avah. Paborito din ang eel eh. Yung ngalang mas lumala itong si Genta. Pero sigurado akong magkakasundo silang dalawa hehe.

"Hehe, ang cute nyong tatlo! Tara sama kayo sakin? Ililibre ko kayo ng masarap na pagkain doon sa restaurant na pupuntahan ko ngayon. Wag kayong mag-alala ako bahala sa gastusin!" sabi ko

"Talaga po? YEY!" masaya nilang sabi at agad na sumakay sa taxi.

"Hoy mga bata! Wag kayong sumakay sa taxi ko!" sabi nung driver.

"Bleh! Kasama namin si ate ganda at walang makakapigil saamin!" mayabang na sabi ni Genta. Haha! Pabebe girls lang ang peg? Ay hindi pala! Pabebe boys! haha! Syempre, hindi kasama si Ayumi. Lahing maganda kaya kami.

"At sinong nagsabi?" agad naman na sabi ng driver

"Haha, pasensya na po kayo. Kasama ko po sila. So, pwede po ba tumingin na kayo sa daan? Ma-accidente tayo nyan eh. At tsaka kanina pa po tapos ang traffic. Baka gusto nyo mag prosisyon muna?" sabi ko sa driver kaya napatingin sya sa unahan nya at agad nag-drive. Nagulat ata sya eh.

"Nandito na tayo!" sabi ko at agad sila nagsiba-baan sa taxi.

"YEY!!!" ang cu-cute talaga ng mga batang ito! Sarap ampunin! Eh kung ia-ampon ko nalang kaya sila?

"Mga bata, may nag-aalaga ba sa inyo?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang entrance ng Madrigal Shop.

"Wala po, iniwan po kasi kami ng mga magulang namin eh." sabi ni Mitsuhiko

Kawawa naman ang mga batang ito. "Nagkasakit po ang nanay ko at pinag-benta nalang ako nang 5,000 sa isa sa mga kumare nya at pina-trabaho. Pero dahil nahihirapan po ako lumayas po ako dun at dun ko na po nakita sila Mitsuhiko at Genta." mahabang sabi ni Ayumi. Pareho lang pala kami ng buhay.

"Ako naman po, iniwan po kasi ni nanay si tatay dahil sa palaging pag-iinom. At si tatay naman pinalayas ako dahil wala daw akong kwenta at dun ko rin po na kilala sila Ayumi at Mitsuhiko." sabi ni Genta

Detective University Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon