**********
AMETHYST
"... At dito naman ang Cafeteria." turo ni Serena sa isang malaking stall.
(╯_╰)- ako
^o^- sya
Hindi ko mapigilang mainis dahil kanina nya pa hawak hawak yung kamay ko. Para akong bata na takot mawala. -_-
"Oh diba? So, Miss Amethyst? Anong pangarap mo sa buhay?" question ang answer portion ba 'to?
(¬_¬)
"Amethyst nalang. Masyadong personal yung Miss Amethyst." bored na sagot ko.
Hanggang pag upo ko ba naman hawak hawak nya parin ang kamay ko?
"At pwede bang bitawan mo nayung kamay ko? Kanina pa kasi ako nangangalay eh." sagot ko
Agad syang ngumiti at binatawan ang kamay ko.
"Sana sinabi mo agad. Hihihi" para syang bata.
"So, Amethyst? Anong pangarap mo sa buhay?" tanong nya uli
"Wala, gusto ko lang maka-graduate at maghanap ng trabaho." sabi ko
Nanlaki naman ang mga mata nya. May sinabi ba akong nakakagulat?
"SERIOUSLY? Yun lang talaga? Hay nako naman. Ako nga gusto kong magkaroon ng boyfriends hihihi. Oh diba?" play girl nga -__-
"Okay, so bakit ka nag-transfer dito? Anong family ka ba?" family? Anong ibig nyang sabihin?
"Ano? Anong family? Nakatanggap lang ako ng papel sa kalsada tapos isang araw welcome naako dito sa school. At isa pa ibibigay ko pa nga ang documents ko eh." sagot ko tapos lumaki naman uli ang mga mata nya.
"ANO? Sa pagkaka-alam ko hindi basta basta tumatanggap ang school na ito. Mga family lang ang pwedeng pumasok dito. Now I wonder, pano ka nakapasok dito?" wait ano? Hindi tumatanggap ng sino mang tao dito sa school?
"Teka hindi ko maintindihan eh. Basta isang araw nakatanggap naako ng message mula kay... Senri Takimi ba yun?" sabi ko
"You mean Headmaster Takimi?! Then you must be really something. Special ka siguro kaya agad ka nilang tinaggap. Kamag-anak mo ba sila?" tanong nya
"Nope. Sa pagkaka-alam ko walang brother or sister ang mommy at daddy ko." sabi ko
Simula kasi nung pinaampon nila ako, nawalan naako ng koneksyon sa kanila.
"Ahhh, so asan yung mom and dad mo? Nasa bahay nyo ba sila or nasa ibang bansa?" tanong nya
"Hmm... Wala sila dito. And i never know where they are. Pinaampon nila kami ng bestfriend ko na pinsan ko. At ngayon kami nalang dalawa nagbubuhay sa sarili namin." sabi ko
"Wait, WHAT?! Anong klaseng parents ba sila? Gusto ko tuloy paguuntugin yung mga ulo nila." inis nyang sabi na ikinatawa ko ng mahina.
"But I know... Meron silang rason para ipaampon ako." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"You really are a strong girl, Amethyst." nakangiti nya ring sabi sakin. So I smiled back.
May bigla naman akong may naalala. "Oo nga pala, kailangan ko pang isubmit ang documents ko sa HHR." sambit ko.
Ngumiti sya sakin. "Tara Samahan na kita."
Ngumiti ako pabalik. "Salamat. Okay, tara."
Nagsimula na kaming maglakad papuntang HHR.
Headmaster-Headmistress Room.
"Whoaa. Ang ganda naman ng opisina nila Headmaster." pagpupuri ko.
Tumawa si Serena na ipinagtaka ko. "Bakit ka tumatawa?" tanong ko
"Hindi pa kasi tayo nasa opisina ng Headmaster. Part parin tayo ng school grounds."
Ano?! School grounds? Ehh?
Hindi na ako nagbalak pang magtanong at dumiretso nalang kaming dalawa sa isang pintuan.
Pagpasok namin may babaeng nakaupo sa sofa at sa harap nito ay mismong table ng Headmaster.
Headmaster Takimi, Senri
Ang nakalagay sa mismong mesa ng Headmaster. Puro black tsaka white ang notif ng opisina ng headmaster.
Teka, sino ang babaeng nakaupo sa sofa? Akala ko headmaster? Ba't naging headmistress?
"Hello po, Miss Debbie! Nasaan po si Headmaster Takimi?" magalang na tanong ni Serena sa babae.
Ah, baka assistant ni Headmaster si Miss Debbie. Inilagay ni Miss Debbie ang kaniyang glasses at ngumiti sa amin.
"Nasa importanteng meeting si Headmaster ngayon, nasa Police Force sya at may inaayos lamang. Sa tingin ko darating ang Headmaster mamaya bago mag lunch." sagot ni Miss Debbie sa tanong ni Serena.
"Ganun po ba? Uhm, pwede po ba naming maiwan ang documents ng kaibigan kong bagong estudyante ng school?" sambit ni Serena kaya napatingin si Miss Debbie sakin.
Ngumiti si Miss Debbie sa akin. "Goodmorning, young lady. I'm Miss Yora Desserei. Please call me Miss Debbie. Ako ang assistant ng Headmaster, at ako din ang acting Headmistress pag wala ang both Headmaster at Headmistress. Maligayang pagdating sa aming eskwelahan."
Yumuko naman ako bago magpakilala. "H-hello po, Miss Debbie. Ako po si Amethyst Sapphire Aoyama, nice meeting you po." sambit ko
"So Miss Aoyama, can I see your documents?"
Agad ko namang inabot kay Miss Debbie ang documents na hawak ko. Tinignan nya iyon at binasa.
"Hmm, mukhang hindi mo na kailangan kumuha ng scholarship test. Hindi ka narin magiging Working student. Isa ka ng regular student ng school. Congratulations, ang Headmistress na ang bahala sayo." sabi ni Miss Debbie.
"Kung ganoon po, asan po ang Headmistress?"
"Hindi ko iyan masasagot, Miss Aoyama. Nandito lang ang Headmistress ngunit natitiyak kong wala sya sa kaniyang silid. Magpapakita lamang ang Headmistress pag iyon ay nasa kaniyang kagustuhan. Maari na kayong lumabas dahil mukhang magsisimula na ang inyong klase." sambit ni Miss Debbie.
Yumuko kaming dalawa ni Serena. "Salamat po sa inyong oras, Miss Debbie." sambit naming dalawa at umalis na ng HHR.
Pagkalabas namin ay agad akong nagtanong kay Serena. "Bakit ganun yung headmistress dito? Bakit minsan lang sya nagpapakita?"
"Ganun talaga ang headmistress. Kahit ako nga Ikalawang beses ko lang sya nakikita. Kahit sa mga nahahandle kong misyon hindi ko man lang sya nasisilayan."
Misyon? "MIsyon? Anong ibig mong sabihin?"
"H-ha? Ha-ha-ha, wala! Tara na baka magbebell na. Mala-late pa tayo sa klase." natatarantang sagot ni Serena.
Tinanguan ko lang sya. Weird. Ano kaya yon?
♨
A/N: EDITED.
BINABASA MO ANG
Detective University
Mystery / ThrillerAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?