AMETHYST
Seven Smethwick...
Yan ang unang pangalan na pumasok sa isipan ko. But something is wrong, familiar sa akin ang name na pumasok sa isip ko.
Something like narinig ko na or nabasa sa isangmakarating, or libro. Pero wala naman atang problema kung gagamitin ko iyun diba? Seven is a unique one.
Nasa kwarto na ako ngayon, tinignan ko muna ang kabuuan ng kwarto.
Parang nasa isang 5 Star Hotel ako dahil sa ganda ng pagkaka-place ng lahat ng gamit sa loob ng kwarto.
High-class ang lahat ng gamit dito. Yung normal na sofa naging sofabed. Yung kama naman parang kama ng isang reyna dahil sa queen size bed ito. Naka-arrange ang lahat ng maayos.
Napaisip ako, siguro perfectionist ang mga Santos Family. No wonder top 8 sila sa mga riches family sa buong asia.
Lumakad naman ako papunta doon sa glass door na blur at kahit anong silip mo dito wala kang makikita. Binuksan ko ito and to my surprise it was a shower room. Kasing laki ito ng dorm ko sa University.
May malaking bathtub na may mga petals pa nga. May shower (syempre high-sclass eh), tapos meron pang hot cold na button sa gilid ng malaking bathtub. And to think na hindi white ang kulay ng bath tub kundi pink.
I think naka-reserve ang room na ito for girls only. Yung tiles sa shower room ay tiles din sa wall ng shower room. At pink pa talaga ito.
Sa gilid naman merong lalagyan ng towels. Pink lahat, tapos sa gilid nito ay isang pink sink na merong malaking mirror na nakalagay sa wall.
Lumabas na ako sa kwartong iyon at napansin kong may dalawa pang door, glass yung isa at katulad ng glass door sa shower room blur din ito.
Mas inuna ko yung isang pinto na hindi na glass. Pagpasok ko namangha ako sa mga damit na nakita ko. Naka-arrange ito ng maayos sa isang ano ba tawag dun? Yung sampayan! Pero hindi ordinaryong sampayan lamang. Parang sampayan ito ng mga damit sa mall.
Magagandang damit ang nandoon. Sweater, dresses, pants, shorts, sleveless shirts, underwears, socks, as in completo ang lahat. Meron pa ngang damit para sa winter.
Walk in closet ata ang tawag dito. Lumabas na ako sa kwartong iyun at next naman sa glass door na blur.
Pagpasok ko akala ko isa pang bathroom pero mali pala. Isa itong malaking balcony merom ding pang sosyaling upuan doon. More like a sofa nga dahil malaki ito.
Tumingin ako sa ilalim ng railings at makikita mo ang view dito kahit madilim makikita mo dahil sa naka-palibot na street lights. Makikita mo rin ang city dito na labas ng mansyon. Nakita ko din ang isang parang bundok na may nakaukit na "HOLLYWOOD" na name stand. Malaki ito malaki pa sa akin. Lels.
Nagiilaw din ito. Pero na wonder ko kung bakit meron dito eh hindi naman ito America. Pilipinas kaya ito. Umiling iling nalang ako ng may mahagip ang mata ko.
Sa taas ng kwarto ko sa gilid may nakita akong figure ng isang tao na parang nagmamasid. Hindi ko sya makita. Ganun din ang nakita ko ng makita ko ang killer.
Agad akong kinabahan. Hanggang sa nagtama ang paningin namin kaya instanstly mas lumaki ang mga mata ko at nanginginig na ang kamay ko.
Agad syang umiwas ng tingin at bigla nalang nawala. Pero napansin ko ang mga mata nya, puno ng... Kalungkutan? Hindi ko masabi dahil parang nararamdaman ko sya.
Hindi ko na ito pinansin. Umalis na ako sa balcony at naligo na muna. 9:00 PM pa magsta-start ang party. At meron pa akong one hour and half para mag-ayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/56561091-288-k112053.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective University
Misterio / SuspensoAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?