JINNIE
Patay na.
Nandito na yung dalawang lalaki na narinig kong naguusap. At sa tingin ko ay sinadya nilang iparinig sakin yun.
Pero bakit?
"Itaas mo ang mga kamay mo kung ayaw mong masaktan." agad kong ibinaba ang hawak kong folder at itinaas ang kamay ko.
Kahit nakatalikod ako ay alam kong naglalakad sila palapit sakin. At dalawa din silang may dalang baril.
Palapit na sila sakin ng bigla ko silang sinipa sa 'right there and there' nila.
"Shit! Nabaog ata ako pre, di nakita maaanakan." wika ni kuya habang nakahawak sa 'you know' nya.
Agad namang nanlaki ang precious eyes ko. WTF? Just WTF. Bakla ba sila?!
"Gago! Tabi nga, buti sakin di nabasag." tinignan ako ni kuya ng masama.
"Lagot ka saking bata ka." sabi nya at itinutok ang baril sakin.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Edi wow."
"Sinusubukan mo talaga ako ha." akmang babarilin nya na sana ako ng mabilis kong kinuha ang baril ng isang kuyang nakahawak parin sa 'alam nyo na' nya at agad itong pinaputok sa binti nya at agad na inigaw ang baril nya.
Napaluhod sya dahil don at agad ko namang binaril din ang kasama nya sa binti.
"Shit, pre. Double kill. Di na kita talaga maaanakan."
"Anak ka talaga ng nanay mo! Litsi! Tumahimik ka nga kung ayaw mong i-triple kill kita dyan."
Hay! Nakaka-waste of time ang dalawang to! Dito pa talaga pinagusapan ang pagkakaroon nila ng bromance. Gad!
Agad kong kinuha ang rope na nahanap ko at itinali ang dalawang kamay nila pati paa.
Pagkatapos noon ay kinuha ko ang dalawang folder pati ang isa sa mga box na puno ng drugs.
Isa pala sa mga so called 'pet' ng nagmamay-ari ng water factory slash drug dealer ang mga mag-bromance na ito.
Believe me or not. Nakakaloka silang dalawa. May secret relationship ata ang dalawang to eh. Kaya nila sinecret dahil ayaw nilang malaman ng mga asawa nila ang sekreto nila. Nako nga koya, kakantahan ko talaga kayo ng 'Secret Love Song' ng Little Mix.
'Why can't I hold you in the street, why can I kiss you in the dance floor🎵 I wish that it could be like that, why can't it be like that cuz I'm yours🎶'
Ay char lang mga bes.
Tumingin ako sa gawi nila at namimilipit parin sa sakit na ibinigay ko sa kanila. Kalokang mga mag-secret jowa na ito. Hay nako!
Napatingin ako sa relo ko, naku mag ga-gabi na pala. Ilang oras ba akong nandito?
Kailangan ko ng umalis. Baka kanina pa nagiintay sina Sayru at Keen doon.
Kinuha ko ang isang baril at itinutok iyon sa kanila habang palakad na ako paalis sa kwartong iyon.
Baka malay mo makaisip sila ng escape plan nila at ako pa mapahamak kaya mabuti ng manigurado diba?
"Bye mga kuya! Mwa mwa tsup tsu---"
Napatigil ako ng may maramdaman akong laser beam na nakatutok sa ulo ko.
Teka ano to?
"Itaas mo ang mga kamay mo at bitawan ang mga bitbit mong drugs at humarap samin kung ayaw mong paputukin ko to sayo." wika noong pulis.
BINABASA MO ANG
Detective University
Mystery / ThrillerAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?