A/N: If you are asking kung bakit naging isang Special Chapter to dahil, solo nila Jinnie, Keen, at Sayru ang Chapter na to. Enjoy reading!
〽
SAYRU
Nakatayo kami ngayon sa isang pilar habang tinitignan si Keen na papasok sa Sun Fish River.
Habang tinitignan namin sya, halos gusto ko ng batukan ang katabi kong si Jinnie dahil pinipigilan nya ang sarili nyang matawa dahil tinatawanan nya lang naman daw si Keen na may dalang limang jar.
Para daw kasing taong grasa si Keen habang bitbit ang mga yon. With matching pinguin walk pa yan. Tamad ang lola nyo, bagay sila ni Yoongi, ang hilig matulog. -_-
*Prffffft*
-_- Anakanang
Agad kong tinakpan ang ilong kong kasing tangos at laki katulad ng kay Kookie oppa dahil sa mabahong utot ni Jinnie.
"Ayan, ayan napala mo. Tawanan ba naman si Keen." wika ko sa kanya.
Hindi sya nagsalita ang nagpeace-sign sakin.
Napalingon ako kina Kaye, Dana, at Raye na nasa likod ni Jinnie. Naawa ako sa mga to, sila na ang kumaya sa utot ni Jinnie. Tsk tsk tsk.
KEEN
Isa lang ang masasabi ko. Hindi ako isinilang ng nanay ko para pagbitbitin ng limang jar habang mukhang pulubing naglalakad.
Bat ba kasi ako naatasan dito?
Nang makalapit ako sa Sun Fish River Water Factory ay agad kong sinita si kuyang guard na pachil-chill nainiinom ang kape nya.
"Manong magpapa-refill ako." napatingin sakin si manong guard at biglang umatras at muntikan na syang mabulunan.
Nagulat ata sya sa akin. -_-
"A-ah, sige sige. Akin na yan ineng." tinawag ba naman akong ineng?
Excuse me kuyang guard. May pangalan ho ako. Hindi ko pinangarap na dadating ang araw na may tatawag sakin ng 'Ineng'.
Hayaan na nga sya.
Tumingin ako sa likuran ko at nakitang kakapasok lang nila Sayru at Jinnie. Si Sayru may hawak syang baril at naka-mask ito. Habang si Jinnie naka-mask lang.
Uumpisahan na ata nila ang plano. Napatingin ako kay kuyang guard na busy sa pag bitbit ng mga jar na binigay ko sa kanya.
Oras na.
"Uhm, manong. Asan ho ba ang cr nyo rito? Ihing ihi na ho kasi ako eh." wika ko
"Ah, dumaan ka mula rito papunta doon sa kaliwa may maliit na kuwadra doon at sa pinakagilid noon ay cr. Magingat ka doon, ineng. May mga kabayo roon." paalala ni kuyang guard
Ayan na naman tayo sa ineng.
"Ah sige ho salamat." wika ko bago umalis papunta doon sa sinabi ni manong.
Pero dahil sa exit ako dadaan hinintay kong mawala ang atensyon ni kuyang guard sakin bago ako tumakbo papunta doon sa exit.
JINNIE
Nang makapasok na kami sa Sun Fish River Main Factory ay binantaan ko na si Sayru sa mga CCTV na nakaset-up dito.
Pagpasok namin ay isang maliit na silid ang bumulaga samin. Sa gilid nito ay merong hagdan.
Ininspeksiyon ko muna ang paligid kong merong CCTY na nakaset-up.
Nang masigurado kong wala ay akmang aakyat na sana ako sa hagdan ng bigla akong pinigilan ni Sayru.
"May naka-install na Dome Camera sa likod ilalim ng mesa. Wag ka munang pumasok, hindi natin alam kung saan nakatutok ang lense ng camera kaya magingat ka." sabi nya sakin. Tumango nalang ako.
Inihanda nya ang kanyang baril na may silencer upang hindi gumawa ng ingay ang baril.
She took a glance at the installed CCTV camera before shooting.
"Wait, may nagbabantay ba sa CCTV room? Baka may makahalata na merong nang-hack ng CCTV nila." nagaalalang wika ko.
"Don't worry. Bago tayo pumasok dito ay chineck ko na iyon. Sige na umakyat ka na." tumango ako bilang sagot at umakyat na.
Pagkaakyat ko ay hindi na nakasunod si Sayru. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang makita ko ang isang kwarto na medyo bukas ang pinto.
Lumapit ako dito at pasimpleng sumilip sa pinto. Nakita ko ang dalawang lalaki na naguusap. Nakatayo sila at dalawa silang may dalang baril.
"Naitago mo na ba?"
"Ang alin?"
"Yung pinapasabi ni boss."
"Ah, oo. San ba yun dadalhin?"
"Sa Korea bukas."
"Korea? Bakit?"
"May magaganap na auction sa Royal Caribbean Cruise. At sa pagkakaalam ko ay dadalhin nila ang tubig galing sa Sun Fish River para sa gagawin nilang plano."
"So, nalagay mo na ba?"
"Wala pa eh. Hindi kasi kasya sa iisang tank. Baka pagalitan tayo ni boss pag dalawang tank ang dadalhin natin."
Tank? May ano ba sa tank na sinasabi nila?
"Eh yung drugs? Natago mo ba?"
Drugs?!
"Oo, nakatago iyon sa parking lot.
Parking lot?! Teka, nandoon sila Kaye at Raye hindi ba? Kailangan ko silang ma-contact! Pero ang tanong, nasaan sa parking lot?
Unti unti akong lumakad at nilagpasan sila. Pumasok ako sa isa pang kwarto na nakita ko. Sinilip ko ito at saktong walang tao.
Pumasok ako dito at bumungkad sa akin ang ilang supot ng mga kahon. Ano ang mga to?
Binuksan ko ang isa sa mga kahon at nakita kong puno ito ng pulbo? Teka, drugs ba to?
Napatigil ako at napaisip. Bakit merong mga drugs dito kung isa lang itong water factory?
Posible kayang isa sa mga drug dealers ang nagmamay-ari ng factory na to? Pero sino?
Nahagip ng mga mata ko ang isang kakaibang kahon na nakalagay sa mesa.
Agad ko itong kinuha at binuksan. Nang binuksan ito ay tumambad sakin ang dalawang folder.
Files ba ito?
Binuksan ko ang kulay pulang folder at binasa ang nasa loob nito.
References
↪Face Cards
Jack, Queen, King
↪One Eyed Royal
The Jack of Spades, Jack of Hearts, King of Diamonds
↪Wild Cards
One-eyed Jacks
↪Suicide Kings
King of Hearts, one-eyed King of Diamonds
What are these? Is this referring to a real cards or... a person?
"Anong ginagawa mo dito?"
Patay na.
-----
To be continued
BINABASA MO ANG
Detective University
Mystery / ThrillerAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?
