DU: E55 THE FINALE OF THE NEVER ENDING

671 24 2
                                        

THE FINALE OF THE NEVER ENDING

A/N: Before series 2 ends, nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbasa ng kauna unahang chapter hanggang dito. Maraming salamat po! =) Salamat din sa 156k reads. Hindi naman actually nagmamatter sakin ang reads or votes e. Basta may nakakappreciate ng gawa ko ay okay na okay na ako. :) Sa una una palang e ako lang at ni Jamie ang nagbabasa nito. Pashout out din pala kay Jamie. Hindi yung Jamie sa Project Loki ha? Haha. Okay, shut up na'ako. Ang question ng lahat, may series 3 pa ba? Malalaman yan sa huli! :) At sa mga naging AmethystXExequiel shipper bigla bigla, thank you dahil finally nalaman ko na ang gustong gusto nyong ship. :) I'm not a fairy god mother but I'll try my best to make your request come true.

-J

AMETHYST

"Saphh... kumain ka naman. Magaaraw na oh." sambit ni Sayru at inabutan ako ng lasagna.

Ngunit hindi ako natinag at nanatiling nakatulala sa kawalan.

Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi ko na alam kung anong susunod kong gagawin. Para akong nablangko, hindi ko kayang harapin ang mga nangyayari ngayon.

Bigla akong napatingin sa mga kamay ko.

Blood. I can see blood in my hands.

I closed my fits as I close my eyes remembering Exequiel's words.

"S-sabi ni mommy... bago a-ako dumating sa pilipinas... i-ikaw daw yung p-papakasalan ko... dahil a-ayaw ni kambal sayo..."

"A-alam mo bang... hindi p-pa ako nagkagirlfriend... k-kaya ang saya saya k-ko ng malamang i-ikaw daw yung fiancee ko.."

"P-pero m-mukhang... sa heaven n-na tayo ikakasal... pag nagkita u-uli tayo.."

"I-ipapangako mo sakin n-na... h-hanggang sa k-kamatayan... a-ako parin a-ang magiging a-asawa mo... a-ako yung aalaga sayo..."

"I-I love.. you.."

Fuck.

"I-I love..you.."

Tangina.

Pasensya ka na Exequiel, kung.. kung naguguluhan parin ako ngayon sa nararamdaman ko sayo. Hindi ko alam kung.. may nararamdaman ba ako sa'yo o wala.

"Amethyst..." ang boses na yon.. ang boses na matagal ko ng gustong marinig..

Dahan dahan kong itinaas ang aking tingin hanggang sa Makita ko syang nakatayo sa harap ko.

Ezekiel.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Ha? Sumagot ka!" sabi ko habang tumutulo na naman 'tong traidor kong mga luha.

Pinunasan ko ang mga ito. "Alam mo bang... walang oras na hindi kita inisip! Walang oras na hindi ko matantya kung okay ka kang ba o nagising ka na! Tapos... tapos ano itong narinig ko?! Ezekiel ano yun?!" sigaw ko sa kanya pero nanatili lang syang nakayukong nakatayo doon.

"Alam mo bang sa kadami daming mga taong nagaalala sakin, hindi ko man lang nagawang alahahanin sila dahil ikaw!" tinuro ko sya. "Dahil ikaw ang palagi kong inaalala! Ezekiel putangina ikaw!"

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero mas dumadami lang ang luhang umaagos.

"Ngayon tignan mo, tignan mo ang kambal mong nasa loob ng pesteng ER na yan. Nandun sya! Nakikipaglaban sa sarili nyang buhay! Eh ikaw? Eh ikaw anong ginawa mo ha?!" sambit ko

"Pinaniwala mo sya, silang lahat na nagaaruga sayo na patay ka na. Putangina patay ka na." humikbi lang ako habang sinasabi ko iyon sa kaniya. "Hindi ko nga alam kung sinong mas nararapat na nanyan sa kwartong yan e! Ikaw ba na nagkunwaring patay na o ang kakambal mo na nagaagaw buhay?!"

Detective University Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon