SHOUTOUT FOR: JEON JUNGKOOK! It's his birthday today!!!! Happy birthday Jungkook-oppa!
Saranghae XD
DU: E38 The First King Of Hearts
AMETHYST
"Jinnie? Sayru? Keen? Exequiel? Officer Travis? Inspector? Anong ginagawa nyo ho rito?" nagtatakang tanong ko sa kanilang anim.
Bigla bigla nalang sila kasing sumusulpot eh.
Hindi sila sumagot hanggang nahagip ng mga mata ko ang mga maletang bitbit nila.
Teka, saan sila pupunta? At bakit nandito sila habang dala dala ang mga yan? Nanay ba nila ako para humingi sila ng permisyo upang umalis?
"Anong mga yan? Saan kayo pupunta? Wala akong anak. Hindi nyo ako nanay." wika ko
Ngumiti naman sakin si Exequiel. "Sasama ka samin, Amekie. (^ _ ^)" aniya
Amekie? Ay oo nga pala. Yon pala yung tawag nya sakin. -_-
Kumunot naman ang noo ko. "Saan? Tsaka hindi pa gumigising si Ezekiel. Walang magbabantay sa kanya rito. Kayo nalang yung umalis." sagot ko
Umiling naman si Officer Travis. "Hindi pwe-pwede, Amethyst. Kailangan mong umalis kasama namin."
"Saan?"
"Lilipad tayo papuntang Korea." nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Inspector Louie.
"T-teka, takot ako sa matataas na lugar. Hindi ko kayang lumipad no. Wala akong pakpak, yung Sister may pakpak yon. Tsaka Charmee with wings." sabi ko sa kanila.
Natawa naman sina Jinnie, Sayru at Keen. Ba't sila tumatawa? Eh totoo naman eh. "Ano ka ba, Sapph. Malamang gagamit tayo ng---"
"Sister? Charmee? Modes? Yung with wings?" lintanya ko kaya mas tumawa sila.
"Hind! Ano ka ba, malamang eroplano yung gagamitin natin papuntang Korea. Hindi naman pwedeng mga sanitary napkin yung sasakyan natin." natatawang wika ni Sayru.
Tumango tango naman ako. "Pero bakit? Bakit natin kailangan pumunta roon?"
Sa pagkakataong ito ay si Inspector Louie na ang sumagot. "The Korea Government has called us to assist them on some important matters. The Mafia Drug Lord----Eji Wemley has done his finally first move. And his target is the popular Kpop Idol, Jeon Jungkook." nanlaki ang mga mata ko
JEON?! JUNGKOOK?! Yung Golden Maknae ng BTS?!!!
"Weh? Seryoso? Walang halong joke?"
"We are serious, Sapph. Kapag nahuli natin ang isa sa mga tauhan ni Eji. Maari itong makakatulong upang mahanap natin ang mga anak ni Eji." seryosong wika ni Exequiel. Ramdam kong Seryoso nga sya Dahil hindi nya na ako tinawag na Amekie. Nakakainis eh. -_-
"And? Anong kinalaman ko don?" nagtatakang tanong ko.
Nagkatinginan naman silang lahat. Nagkaroon ng samantalang katahimikan sa aming lahat.
"We will tell you after the mission. For now Kailangan mong magligpit ng mga gamit mo Dahil Bukas na ang flight natin papuntang Korea." wika ni Inspector
BINABASA MO ANG
Detective University
Mister / ThrillerAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?
