A/N: OMAYGAD MABABALIW NA ATA AKO! Huhuhu. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa 31 stories na nakastuck sa drafts ko! Huhuhu, shems. Hindi ko matapos tapos! Hanggang prologue o kaya chapter 1 lang ako palagi. Alam nyo ba kung ilang plot ng story ang tumatakbo sa isip ko kada araw? Sa tantya ko, mga tatlo hanggang anim. Migahd, ano bang nangyayari sa'kin?
Anyway, may bad news ako. Pagkatapos kong tapusin ang DU, baka mag ha-hiatus ako. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik, pero I promise na pagbalik ko may another story na naman akong ipu-publish. I hope na suportahan nyo iyon. At pasensya na din sa late kong update. Maraming salamat!
AMETHYST
"HMMM! Sharap! *nom nom nom*" sambit ko at kumuha pa ng fried chicken.
"Umayos ka nga, Amethyst. Mukha kang patay gutom." sambir ni Sayru
Hindi ko sya pinansin. "Alam mo, minsan lang *nom nom* manlibre shi tita *nom nom* Yumi kaya lantakan na!" sambit ko
Bigla kasing nanggising si tita Yumi e, kaya napabalingkawas ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Sumakit pa nga likod ko e. Manlilibre daw sya, pupunta kaming Jolibee kaya ayan nilalantakan ko ngayon yung fried chicken.
"Oh sayo to prayd tyiken." sambit ko kay Sayru
"Chicken joy yan tanga."
Chicken joy pala tawag dito? Mukhang fried chicken e.
"Sayru, hayaan mo na si Amethyst. Galing parin sa manok ang fried chicken at chicken joy. Wag kang ano." sabi ni tita Yumi at sinabayan ng maliit na tawa.
Hehehe. 'O nga no?
Wala ng nagawa si Sayru kundi shumat-up. Hindi parin naman sya mananalo e hehehe.
Bigla akong nakarinig ng nga yapak ng paa papunta sa table namin kaya itinaas ko ang tingingin ko.
Iniabot ko ang chicken joy na hawak ko. "Gusto mo?"
"O! Baby ez-ez! Sa wakas at nakaalis ka na sa kwarto mo, nabasa mo ba ang text ko?" sabi ni tita Yumi.
"Hindi ba ako pupunta dito kung hindi ko nabasa ang text mo?" sagot naman nya.
Akmang babatuhin ko na ng fried chicken si Ezekiel ng nagsalita uli sya. "...Mom."
Nginitian ko sya ng napakalaki at sumubo uli ng kanin. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo, Timothy." sambit ko at sumubo uli.
Nalaman ko kasing Timothy Ezekiel Takahashi ang buong pangalan nya kaya ayan, maasar nga hehe.
Inirapan nya lang ako bago umupo sa tabi ni Sayru. Katabi ko kasi si tita Yumi kaya no choice sya. Bleh.
"Bilisan nyo ng kumain, may pupuntahan pa tayo." sabi nya
Hindi ko sya pinansin at todo kain lang ako. Kahit alam kong busog na ako, wala akong pakealam dahil masamang tanggihan ang grasya.
Inabutan ako ni Sayru ng tubig. "Dahan dahan lang sa pag kain, mabulunan ka sana." inirapan ko lang sya bago tinanggap ang basong inabot nya tsaka uminom.
Ang sama talaga nitong ni Sayru talaga sa akin.
Pagkatapos ng Ilang minuto ay nakatapos narin kami este akong kumain. Pinakain ba naman sakin lahat ng mga hindi nila nauubos. okay narin naman, nabusog ako e. Hehehe.
"Sapph, tara na." sambit ni Ezekiel na palabas na ng Jollibee kasama sina Sayru at tita Yumi.
"Okay okay, sandali." sambit ko at nilagay yung nga hindi ko naubos na pagkain sa bag na dala ko huehuehue.
Tumayo narin ako. "Okay! Tara na!"
Napasimangot naman si Sayru at narinig ko pa syang bumulong. "Tsk, ang takaw."
BINABASA MO ANG
Detective University
Misterio / SuspensoAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?
