AMETHYST
Imposible!
"Kailangan nating pumunta sa kwarto ni Jin, baka may mahanap tayo doon." sambit ni Ezekiel.
Tumango kaming dalawa ni Sayru at sabay kaming pumunta sa kwarto ni Jinnie.
Tumakbo kaming tatlo hanggang umabot kami sa kwarto ni Jin. Binuksan namin ang pinto ng kwarto ni Jin at hindi kami nakapaniwala sa nakita namin.
Tatlong pulis, nakahilata sa sahig, duguan.
"Kailangan na malaman ito ni Inspector." sambit ni Ezekiel
*****
"Inspector!" sabay sabay naming binuksan ang pinto ng opisina ni Inspector Louie.
Kaagad naman na napatingin si Inspector Louie sa amin na nagkakape. "Oh mga bata, anong ginagawa nyo dito? Hindi pa tapos ang klase nyo hindi ba?"
"Inspector Louie, nawawala po si Jinrei."
Napakunot naman ang noo ni Inspector. "Ano? Paanong nangyari yon? Mahigpit ang bantay na pinadala ko sa kwarto ni Keen at Jinrei. Anong nangyari?"
"Yun nga po Inspector, pagdating namin nakahilata na ang tatlong pulis na nagbabantay sa kwarto ni Jin." sambit ko
Nanlaki naman ang mga mata ni Inspector. "Tatlo? Apat ang ipinadala ko."
"Then one of them is a traitor." sambit ni Ezekiel
"Tama, bakit naman sya mawawala kung naatasan syang magbantay? Maliban nalang kung kasabwat sya sa mga kumuha kay Jin." sambir ni Sayru
Tumingin ako kay Inspector. "Hindi lang yan ang problema natin. Gising si Jin, hindi naman sya tanga para sumama sa taong hindi nya kakilala."
Sumeryoso ang mukha ni Inspector. "It is possible."
"Ano po?"
"I talked to Jinrei's doctor at sabi nya, may possibility'ng magkaroon ng temporary amnesia si Jinrei. Nagkadamage ang ulo nya. Sa tingin ko ay nagising si Jinrei at sinabi ng mga taong kumidnap sa kanya na kailangan nyang sumama. Since hindi makaalala si Jinrei, tsansa na nila iyon na isagawa ang pagkidnap sa kanya." paliwanag ni Inspector
"Ano naman ang gagawin natin tungkol sa pagkawala ni Jin, Inspector? Hindi naman pwedeng tumayo lang tayo dito at hinataying makaalala si Jin ay hayaan syang umuwi dito." sabi ni Sayru
"Leave this one to us. You may go to back to your classes."
"But Inspec---"
"Just do what I say." wala na kaming choice kundi lumabas ng opisina ni Inspector at dumiretso sa school.
Habang papunta kami doon nagsalita si Ezekiel. "We can't just leave this one to Inspector."
"Pero Ezekiel! Sinabihan na tayo ni Inspector na iwan sa kanila ang imbestigasiyon." sabi ko
Tinignan nya ako. "Tell me, Amethyst. Kung isa sa pamilya mo ang nakidnap, anong gagawin mo? Hayaan mong mapahamak muna siya bago sya muling mahanap?"
Napatigil ako. Not because of that thought but because I don't have one.
Hindi na ako nagsalita pa.
"Let's go."
Kumunot ang noo namin ni Sayru. "Saan?"
"Sa hospital. We'll do our investigation."
Back to Dawn Grace's Hospital...
"Sayru, anong oras matatapos ang visiting hours?" tanong ni Ezekiel habang nakasilip kaming tatlo sa mga pulis na nagiimbestiga sa kwarto ni Jinnie.
BINABASA MO ANG
Detective University
Mystery / ThrillerAng storya ng isang 'Promdi Girl' napuno ng kabaliwan, katarayan, at kasungitan na pupunta sa mundo ng misteryo't hiwaga. Ang mga hindi inaasahang mangyari sa buhay nya ay mangyayari na. A 'Promdi to a Rich Life'? NOPE. Big NO. Ano nga ba?