GraKurt: Special Chapter

72 1 0
                                    

Note:
Ito po ay special chapter para kina Grace at Kurt ^=^

Enjoy reading! ^=^

********
One day before the Chapter 6
Kurt Dranel's POV

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom..
Agad kong nakasalubong si Miss Halimaw..este si Grace pala..

Mukhang nagmamadali to ah..

"Grace!"
I shouted. Napalingon naman sya agad at binigyan ako ng isang matamis na ngiti..

"Kurt! Sige mamaya nalang ah? May gagawin pa ako.."
Then tumakbo na agad sya..

Pero dahil curious ako, sinundan ko sya..

Hanggang sa makarating ako sa...

Dance Hall?

Ano namang gagawin nya dito?

Dahan dahan akong sumilip sa loob..

(Play:Sorry by Justin Bieber)

Huh? So..sasayaw sya?

Kasabay ng pagplay ng music ay kasabay din ng pagsayaw nya..

Ang swabe nya gumalaw..
Ang astig..

Kaya naman lumapit ako sakanya at sinabayan sya sa pagsasayaw.

Bakas sa mukha nya ang pagkagulat dahil napapalibutan ng mga salamin ang buong dance room.

Pero pinagpatuloy nya lang ang pagsayaw..

And when the song ends ..

"Kurt..anong..anong ginagawa mo dito?"
She said while catching her breath..

"I should be the one asking you that. What are you doing here?"
Tanong ko sakanya habang nagpupunas ako ng pawis ko..

"Ah..nagprapractice ng sasayawin..."

"Para saan?

"P-Para sa auditions for the dance fest na gagawin next month.."

Bigla naman akong nakaisip ng magandang idea.

"Kailangan ba..individual mag audition?"
Nakangiti kong tanong sakanya..

"Hindi naman..bakit?"

"Gusto mo..partner tayo? Nagkainteres ako sa dance fest na yan eh.."
I said then I winks at her..

"S-Seryoso ka? Nako.. Kurt ah.."

"I'm dead serious. Kaya if it's okay with you.. practice uli tayo mamayang uwian? Dito?"

"Sure..sige.."

UWIAN

"Grace! Tara na!"

"Ah..sige sige.. tara na!"

Patakbo naming tinungo ang Dance Hall..

Pero unfortunately, may nagprapractice na doon..

"Tsk. Pano na yan?"
I asked her..

"Ah.. alam ko na.. Tara!"
Hinila nya ako patakbo sa isang hagdan..

"Oh..anong gagawin natin dito?"

"Umakyat na tayo! Dali!"
Sinunod ko nalang sya..

Woah. May rooftop pala dito?

"Oh diba? Mas presko tapos maluwang pa..tsaka bihira lang ang pumupunta dito.."
Nakangiti nyang sabi habang nakasandal sa railings..

"Oo nga. So.. practice na tayo?"

"Game!"

Pinatugtog ko na yung kanta para sa sayaw namin.

We both started to dance with the music.

Pero diko pa din maiwasang mapatingin sakanya.

Ibang-iba siya pag sumasayaw kami.
She's so serious.
Ni hindi siya ngumingiti.

"Kurt! Anyare? Dika naman ata nagseseryoso!?"
Oh damn!

Ayan na nga ba eh..

"Sorry.. ulitin nalang natin.."

Nirestart ko yung music.

Takte Kurt! Focus ka nalang sa harapan! Wag mo siya titignan.

After ng first practice namin, nag break muna kami.
Ah! I mean ano..pahinga.. ganun.. hehe v^_^

"Kurt..palagay mo okay na yung sayaw natin?"
She asked habang nakasandal sa railings.

"Oo naman. Maganda nga eh."
Full confident kong sabi sakanya then nilapitan ko na siya dun sa may railings.

"Bakit...may problema ba?"
I worriedly asked her.

She smiled sadly.

"Last school year kasi, nag auditions uli ako para diyan sa fest na yan. I did my best for the auditions. Sabi din naman ng mga kaibigan ko,nila Diana na maganda yung sayaw ko. I hold on to that conpliment. Pero on the day of auditions.."
Napansin kong may mga luha nang mamumuo sa mga mata niya..

"Hindi ko inaasahang mapapahiya ako. Nagkandaleche-leche yung performance ko. Hindi lang dahil sa mali yung music kundi pati na din sa dress malfunction. Halos mahubaran ako nun. Pero buti nalang andun sila Diana para i cover up ako.. ang alam ko .. may galit na talaga saakin yung nagpahiram saakin ng damit atsaka gusto niya kasing makapasok sa fest na yun..kaya niya.. ginawa yun.."
Agad niyang pinunasan yung mga luha niya at bahagyang tumawa.

"Hahaha! Tsk. Drama ko no? Hayaan mo..minsan lang to.."
Kahit na tumatawa na siya, nananatiling nakakunot ang noo ko.

"B-bakit galit sayo yun?"
Diko mapigilang tanong..

Napatingin naman siya sakin nang may halong pagtataka.

"Sino?"

"Yung babae. Yung nagpahiram sayo ng damit noon..bakit..bakit siya galit sayo?"
I eagerly asked her.

"Ah..yun ba?"
Tumingin siya sa malayo..

"Kasi..niligawan ako ng Ex niya..eh di ko naman inintertain yung Ex niya..tsaka binasted ko din naman..tsk.. hirap talaga maging maganda.."
Natatawa niyang pahayag.

Napatingin naman siya uli.

"Uy.. tapos na ako magdrama pero ganyan ka pa din? Ngiti ka na uy!"
Diko alam pero...
I just found myself hugging her.

"Don't worry..di na uli mangyayari yun.. andito na ako.. diko hahayaang maulit yun.."

*******
UD Guys! Hahaha! What can you say to Kurt?
Damoves na ba? Hahaha!

Vomment ;)

Over AgainWhere stories live. Discover now