#34-Decision

37 0 0
                                    

Brent Charles' POV

I'm so damn frustrated right now! Hindi ko na alam ang gagawin. Argh! What should I do? Iwan si Diana for the sake of my case or stay with Diana but makukulong ako? Damn that accident! Damn that day! This is all my fault! Kung hindi ako nagdrive nun, edi sana walang namatay! Sana hindi ako nagka amnesia! Sana, sana masaya pa din kami ni Diana ngayon.

"Brent. Iwan mo nalang ako. Please. Ayokong makulong ka. Piliin mo nalang si Chelsea. Please?"

I tightly held her hands and look directly into her eyes.

"Pero Diana. I love you. Hindi kita kayang iwan. Ngayon pa ba na, na nakakaalala na ako? Ngayon pa ba na, mahal na talaga kita? Ngayon pa ba kung kelan pwede na tayong maging masaya? Yung walang hadlang. Yung walang kontrabida."

Unti unti siyang bumitaw sa pagkakahawak ko at yumuko.

"Brent. Mahal kita. Alam mo yan. Pero tandaan mo, lahat ng ginagawa ko para sayo. Para sayo lahat."then she smiled. A sad one."Piliin mo nalang si Chelsea para di ka makulong. Please. I love you Brent."

No. Di ko hahayaang mangayari to. Ayokong malayo nanaman saakin si Diana. Ngayon pa ba kung kelan naalala ko na lahat?
Oo. Nakakaalala na ako. Lahat lahat.

"Diana naman. Wag mo namang gawin saakin to. Please. Please. Wag."
Pagmamakaawa ko sakanya.

"Pero Brent. Para sayo din lang to. Pag ako ang pinili mo, makukulong ka. At ayokong mangyari yun. Please Brent. Please."
Nasasaktan ako na nakikitang umiiyak ang taong mahal ko. Ganun naman diba? Nasasaktan ka kapag nasasaktan ang mahal mo. Masaya ka kapag masaya siya. Malungkot ka kapag malungkot siya. At higit sa lahat, gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya.

"Eto ba ang makakapagpasaya sayo? Magiging masaya ka ba Diana?"
Kapag sinabi niyang 'oo', ako na mismo ang lalayo. Ako na mismo ang lalapit kay Chelsea at magsasabing papanagutan ko ang anak niya. Ako na mismo ang lalapit kay Jedrix at magsasabi sakanya na ingatan si Diana.

"Oo Brent. Masayang masaya. Masaya ako kasi di ka na makukulong. Kasi di ka na mapapahamak."
She said it. Wala na akong magagawa. Agad kong pinunasan ang mga luha niya at niyakap siya.

"Salamat sa lahat. Salamat sa pag papaalala sakin. Salamat sa pagmamahal. Basta lagi mong tatandaan ha? Mahal na mahal na mahal kita."
Then I kissed her forehead. At kasabay nun ay ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinpigilan.

"Brent. Mahal na mahal din kita. Alam naman natin na mas magiging maayos ang buhay nating lahat pag gagawin natin to diba? So, salamat nalang sa lahat?"
Sambit niya at agad na siyang tumayo.

"Diana.Mag iingat ka sakanya."
Sht. Ang sakit sakit pala. Sobra sobra.

Tumango naman siya at ngumiti.
"Ikaw din. Alagaan mo mabuti si Chelsea ha? Wag na wag mong pababayaan yun. At sabihin mo, ninang ako."
Alam kong pinipilit niya lang ngumiti at tumawa. Pero kitang kita ko pa din na nasasaktan siya.

"Sige, punta na ako sa kwarto."
Tumango nalang ako at hindi na tinignan ang pag layo niya. Baka magbago pa ang desisyon ko. Baka si Diana pa ang piliin ko.

Bakit ba kailangan mangyari lahat to? Bakit?

Diana Metch's POV

Ang hirap pala talaga layuan ang taong sobra sobra mong minamahal. Ang sakit din kapag harap-harapan mo siyang nakikita na ginagawa sa ibang tao yung dapat na ginagawa niya sayo.
Tulad ngayon, andito kami sa may dining hall ng hotel nila Kyrie sa resort na to. We're having a breakfast at after nito, uuwi na kami.

"Ano pang gusto mo Chels? You want bacon?"
Napaiwas nalang ako ng tingin sa nakikita ko. Ang sweet niya kay Chelsea. Pero ito naman ang gusto ko diba? At least, hindi siya mapapahamak.

"Okay ka lang Metch?"
Agad naman akong napatingin kay Jedrix nang bigla niyang tanungin yun. Even silang lahat, nakatingin saakin.

I smiled and take a sip from my coffee
"Ah. Ayos lang ako."
Agad din naman silang bumalik sa mga ginagawa nila kaya mas nakahinga na ako ng maluwag.

"I bet you're not. Please Metch, be happy. Okay?" bulong saakin ni Jedrix dahilan para padabog kong nailapag yung spoon and fork ko. And that caught their attentions. Again.

"Sure ka bang ayos ka lang talaga Diana?" Zoilo asked na sinundan naman agad ni Lenard ng isa pang tanong, "Nay, kanina ko pa napapansin. Kawawa na yang steak mo oh. Na murder na. Okay ka lang ba talaga?" tch. Loko talaga to.

"Ayos lang talaga ako. Siguro puyat lang."

Agad ko namang napansin ang pagtitinginan nina Zoi,Lenard,Moshie, Ken,Yuan at Carlo.

"Uy. Puyat ka din kagabi Brent diba?" pilyong tanong ni Carlo.
"Oo nga no! Hala! Bakit kayo puyat na dalawa?!" aba't dumagdag pa tong si Moshie!

"Manahimik na nga lang kayo. Hindi sila magkasama kagabi. Kasama ko si Diana last night. Nag movie marathon kami sa room namin. That's why."
Tuloy tuloy na sabi ni Grace. Thank heavens at may sumalba agad saakin! But when I met hers, Kyrie and Madz's gaze, they are giving me their 'you-need-to-tell-what-happened-look'. That bestfriends of mine thou.

"Ahh. Eh bakit sabi saakin ni Madz kagabi, inaantok na daw siya. Dapat nga mag na-night swimming kami eh." segunda naman ni Ace. Oh god wag ka nang dumaldal!

"Eh sa malamang, para walang istorbo sa bonding nila! Ikaw talaga pre oh! Pakihanap ang utak minsan ah?" muntik ko nang maibuga yung iniinom ko dahil sa sinabi ni Kurt kay Ace.
Ang hard naman nun. Hahahaha!

"Mga bro, mamaya na yan. Nasa harapan tayo ng pagkain oh." Psh. Killjoy naman tong Jedrix na to. Gumagaan na nga yung atmosphere eh. Panira talaga. Bwisit.

"Ah Diana, pwede ba tayong magusap?" Napatigil kaming lahat maski si Brent sa sinabi ni Chelsea. And when I look at her, makikita mong gusto niya talaga ako kausapin.

I smiled and stand up. "Sure. Tara?"

~

"Hmm. What are we gonna talk about?" i asked while i am looking at her.

"Diana. About Brent."
I felt my heart skipped a beat when I hear his name. Wala eh, mahal ko. Lakas ng impact.

"Bakit si Brent?"
Mukhang alam ko na kung anong dapat naming pag usapan. At alam kong dapat talaga tong pag usapan.

"What happened to you both?"
I just smile at her question. A sad one to be exact. And instead of answering her question, "Just take care of him as much as he takes care of you. Hope you'll be happy together."

From a sad expression, parang nainis siya bigla at sinigawan nalang ako.

"The hell was wrong with you,Diana?! Alam mo bang pinaraya ko si Brent for you! Then ibabalik mo lang siya uli saakin? Seriously, may sapak ka ba sa ulo?"
Diko alam kung maiinis,maiiyak o matatawa ako sa inaasal niya ngayon.

"Basta Chelsea. Just, just take care of him, okay? Mahal ko yun."

"Oh! Mahal mo naman pala eh! Bakit kailangan mo pang iwanan? Tsk. Malala ka na ah!"
She faced me with her serious expression.
"Pero dahil kaibigan na kita. Fine, diko aagawin si Brent sayo. We'll stay bestfriends para sayo. And I know na mahal niyo talaga ang isa't isa. Wala akong panama dun no. Tch."
Dahil na din siguro sa tuwa, nayakap ko si Chelsea. She's so, unbelievable.

"Salamat Chelsea, salamat."

********

6 Chaptera left guythhh T_T
Vote and comment? ;)

Over AgainWhere stories live. Discover now