#23- Other Side

35 0 0
                                    

Para po sa lahat ng nagmamahal kay Ivan Drake Carbonel XD . Iniba ko na po ang portrayer niya :) hindi na po si Yook Sungjae. Si Kai na ng EXO na po ang bago nating Ivan Drake :)
*********

Evans Jedrix's POV
Inis akong umuwi sa bahay at dumiretso sa kitchen. Hah! Akin lang siya no. Walang makakaagaw sakanya.

"Oh. Hi Bro!"
Ate Hannah greeted me habang siya naman, kumukuha ng tubig sa fridge. Diko siya pinansin at umakyat nalang sa kwarto ko.
There, tinignan ko yung mga pictures niya na nakadikit sa pader ng kwarto ko.
Oh yes, i'm so damn obsessed to this girl right now. Kaya di ko hahayaang mapunta siya sa iba. Gusto ko.. akin lang siya.. gusto ko, walang akong kaagaw sakanya.
Nilapitan ko ang isa sa mga pictures niya at hinawakan ito.

"Damn. Akin ka lang. Akin ka lang Metch."

Kyrie Misha's POV
Nagmamadali akong pumunta sa bahay nila Jedrix dahil tumawag saakin si Metch at sinabing nakausap niya na si Couz. Na pinatigil niya na.

"Ate Hannah. Si Jedrix po?"
I asked Ate Hannah nang makarating ako sa bahay nila.

"Ah. Nasa kwarto niya eh. Puntahan mo nalang."
Patakbo kong tinungo yung kwarto niya. Nakita ko yung pintuan nito na nakabukas ng konti kaya sumilip pumasok nalang ako.
Pero nagulat ako sa nakita ko.

"Ohgosh.."
Ang dami niyang pictures kay Metch! Punong puno yung walls ng kwarto niya!

"Who said to you na pumasok ka dito?!"
Oh no. Problema to.
Dahan dahan kong nilingon si Jedrix at tumambad saakin ang galit niyang mukha.

"Ah eh. Akala ko kasi andito ka kaya-"

"GET OUT! AT PAKISABI SA KAIBIGAN MO NA AKIN LANG SIYA!"
Tinulak niya ako palabas at pinagsarhan ng pinto.
Anong.. anong nangyayari? Bakit ganun? Pero isa lang ang alam kong kailangan gawin..

Pilitin si Metch na bigyan ulit ng chance si Jedrix para bumalik ang pinsan ko sa dati.

MONDAY

"Diana naman. Sige na please. Ibang iba na si couz ngayon! Lagi nalang siyang galit! Laging-"
Nilingon niya naman ako at hinawakan sa dalawang balikat ko.

"Kyrie. Just please.. suportahan mo nalang ako okay? Alam kong pinsan mo siya pero wala talaga. Di mo ako mapipilit diyan. Sorry."
Wala akong karapatang magalit kay Metch kasi alam kong tama siya.
Pero paano naman yung pinsan ko? Kasama ko yun lumaki kaya ayokong nasasaktan siya. At isa pa, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganyan. Last na nung namatay ang ading niya.

"Oh bespren. Problemado ka ata?"
Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga tsaka tinignan si Drake.

"Ano bang kelangan kong gawin kay Jedrix?"
Bigla naman siyang nagtaka.

"Bakit? Ano bang nangyari?"
He asked.

"Nag iba na siya. I mean.. lagi nalang siyang galit. Kasi pinatigil na siya ni Metch. Tsaka nung pumasok ako sa kwarto niya last Saturday... punong puno ng pictures ni Metch yung kwarto niya."
Yun pa ang isa kong kinababahala. Baka magawa pa ni Couz ang imposible para makuha si Metch.

"Talaga?! Nako.. mahirap yan ah. Obsessed na si Jedrix.. tsk tsk."
Nagisip siya then bigla nalang niya akong hinila patayo.

"Hmm.. babalik din yun sa dati. Tara na.. klase na ulit."

Hayy. Sana nga bumalik na si Couz sa dati. Sana.

Brent Charles' POV

"Uy bro! Paano ba yan.. bukas na ang band fest. Goodluck saatin!"
Sabi ni Zoilo sabay nakipagfistbump saaming tatlo.

Over AgainWhere stories live. Discover now