#32- Truth Revealed

37 0 0
                                    

Chelsea's POV

Umiiyak kong nilisan yung hotel room ni Jedrix. Ayoko na. Diko na itutuloy. Gagawin ko nalang ang tama.

Hinang hina akong bumalik ng kwarto namin ni Diana at umupo sa kama. I cried all the way. Ang sakit. Ang sakit sakit. Yung mga ginawa niya kanina, yung mga pang aalipin niya saakin noong kami pa at yung pagkuha niya saakin ng pinalaiingatan ko. Ang virginity ko. Ang sama sama niya. Sobra.

"Metch! Pinapabigay nga pala ni-"
Natigilan ako sa pagiyak nang marinig ko yung boses ng isa sa mga kaibigan ni Diana. Yung Madz ba yun?

"Ah Chelsea. Si Diana?"

"Nasa labas ata. Kasama si Brent." sabi ko nang hindi lumilingon.
"Ah. Sige iwan ko nalang to dito. Pasabi nalang na pinapabigay ng Mama niya. Teka, ayos ka lang ba?"
Nagulat ako nang bigla niya akong lapitan at tignan ang mukha ko.

"Hala! Saan mo nakuha yang mga pasa sa mukha mo?!"
Ugh. Bwisit na Jedrix yun! Nilagyan pa ng pasa yung maganda kong mukha!
Hindi ko to sinagot. Baka kasi maging malaking gulo pa to.
"Chelsea! Aish! Tatawagin ko lang muna yung iba. Diyan ka lang."
Napabuntong hininga nalang ako. Anong gagawin ko?! Sigurado, pag sinabi kong si Jedrix ang may gawa saakin nito, magagalit yun saakin.

"Chelsea?!"
Agad akong napatayo nang pumasok si Brent at agad akong niyakap.
"A-anong nangyari?"
Kitang kita ko sakanya ang pag aalala. Kaya naman diko maiwasan isipin na kung may pag asa ba ako. Pero wala, kapatid lang ang tingin niya saakin e. Yun lang. Walang labis, walang kulang.
"A-ah. Nadulas lang ako sa hagdan ng CR kanina."
The hell Chelsea?! Anong klaseng rason yun?!
"I don't believe you Chels. Kilala kita. Sino ang gumawa nito sayo?" Oo. Kalmado pa si Brent. Pero hindi ko na alam kung anong magagawa niya kay Jedrix pag nalaman niya ang totoo.
"A-ayos lang ako. Don't mind me. Bumaba na kayo. Ipapahinga ko nalang to."

~

Pangalawang araw na namin ngayon. At ngayon mangyayari yung pagsasabi ko sakanila na buntis ako. Pero yung katotohanan ang sasabihin ko. Anh katotohanan na si Jedrix ang ama ng dinadala ko.
"Chelsea? Okay ba?"
Sa pag stay namin dito, Me and Diana became close. Actually, diko masisisi si Brent kung bakit niya minahal at patuloy na minamahal tong si Diana. She's almost perfect. Idagdag mo pa na ang bait bait niya. As in. I feel sorry nung mga oras na jinudge ko siya agad.
"Oo naman. Bagay na bagay. Eh ito naman Diana?"
Actually, andito kami ngayon sa room namin. Nagpapalit kasi pupunta kami ng night party dito sa resort.
"Ang ganda! Super bagay sayo girl!"
Ngumiti nalang ako tsaka siya niyaya palabas. Baka naghihintay na sa lobby yung iba.

"There they are! Tara na!"
Sigaw ni Grace. Sabay sabay na kaming lumabas at nagtungo sa night party. Habang naglalakad kami, nagtagpo ang mga mata namin ni Jedrix.

Ikaw. Kailangan mong gampanan ang tungkulin mo sa anak mo. Saamin. Saamin na pamilya mo.

Diana Metch's POV
"WOHOOO! THIS IS LIFEEEE!"
Napatawa naman ako dito kay anak este Lenard. Kung makapagsayaw sa dancefloor, akala mo walang girlfriend eh. Hahaha!
"HOY LENARD! TAMA NA YAN! SUMBONG KA NAMIN KAY KIA! SIGE KA!" sigaw naman ni Zoilo. Infairness, medyo goodboy tong isang to ah.
"Guys! Doon tayo sa may buhanginan! Gumawa kami nila Kenneth ng bonfire."
Sumunod nalang kami kay Carlo papuntang pampang at naabutan na nakaupo na yung iba dun.

"So. Guys. Magsharing tayo."
Huh? Sharing? Anong trip netong Jedrix na to?
"Mauna ka na Chelsea."
Pansin ko naman ang biglang pagiging uneasy ni Chelsea habang nakatingin kay Jedrix. Is there something wrong?
"Ah. Uhm. Guys."
Kitang kita ko ang panginginig niya at ang pamumuo ng luha niya. Seriously?! Anong nangyayari?!

"Guys. I'm.. I'm pregnant."
Tumigil kaming lahat sa ginagawa namin. Walang umiimik. Lahat nakatingin lang kay Chelsea na umiiyak sa kinauupuan niya.
I stand up and approched her.
"I-it's okay Chels. S-sino bang ama?" Mas lalong lumakas ang pag iyak niya. Kasabay nun ang pag iling pa niya at paulit ulit niyang sinasabi ang.
"Ayokong sabihin. Ma-magagalit lang s-siya saakin!"
Lumapit na din yung tatlong babae at niyakap na din siya. Even Brent.
"Chels. Sinong tarantado ang nambuntis sayo?! Sinong tarantado ang nambaboy sayo?! Sabihin mo saakin, sino?!" Galit. Yan ang nakikita ko kay Brent ngayon. Dumaloy na din ang mga luha niya at ako din. I feel pity for Chelsea. She does'nt deserve that guy! That asshole! Walang hiya yun!

"CHELS! SABIHIN MO! SINONG AMA-"

"SI JEDRIX! SIYA! SIYA ANG AMA NG DINADALA KO. I'm sorry Jedrix."
Napalingon naman ako agad kay Jedrix. Mukha siyang hindi makapaniwala. Maski ako at ang mga kaibigan niya.

"W-we broke up 2 months ago nang malaman niyang buntis ako. In short, tumagal kami ng e-eleven months. But we're not into serious relationship. We just treat each other like a fling." Patuloy pa din ang pag iyak ni Chelsea. At ako? Nakatitig lang kay Jedrix. How can he even do that?! Nanliligaw siya saakin then may ka fling pala siya?! He's an a**hole!
"Tarantado ka pala!"
And the next thing I knew, nakabulagta na si Jedrix sa buhanginan at may dugo na sa gilid ng labi. At si Brent na inaawat na nila Kenneth at nila Moshie.
"What the hell Chelsea?! What do you think you are doing!"
Bulyaw ni Jedrix kay Chelsea nang bigla siyang makalapit dito. How dare him! Diko na kayang manahimik nalang dito! I have to defend my friend! I have to defend Chelsea!
"Malamang sinasabi niya lang na ikaw ang ama! Bakit? Balak mo bang takasan yung responsibilidad mo?! Hah! Hindi naman ata tama yun Jedrix! Isa ka nang napakalaking gago kung ganon!"

"Diana. Tama na."
I felt Chelsea at Kyrie's hand on my shoulders. Motioning me to stop but I did'nt.
"Wow Metch! Ikaw pa talaga ang nagtatanggol sa babaeng yan no?! Tandaan mo! Kaagaw mo siya kay Brent! Mahal niya din ang mahal mo! Aagawan ka niya!"

"Then I don't care! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo Jedrix! She's my friend at alam kong nasaakin lang ang loyalty ni Brent!"
Ugh. Damn this guy. Bwisit siya!
Kasunod nun ay ang pag alis niya at sinundan siya nila Kurt. They even apologize at us dahil sa nagawa ng kaibigan nila. Even them, di nila alam na nakabuntis si Jedrix.
"Chelsea. Ayos ka lang-"

"Thank you Diana. Salamat sainyo."
She said while crying habang nakayakap saamin. We hugged her back and comfort her.
"Eh Chelsea. Kami na ang mga ninong at ninang niyan ah?"
Thanks to Moshie dahil medyo napatawa niya si Chelsea.
"Salamat talaga. Salamat sainyo." We smiled. Except for Brent.
"Chels. Tell me. Si Jedrix ba ang dahilan kung bakit ka may mga pasa sa mukha?"
Napayuko naman siya at nagsimulang umiyak.

Ang sama sama mo Jedrix. Wala ka nang kasing sama. Pati ina ng magiging anak mo, sinasaktan mo na. Tch.

********
Last 8 chapters then we're down to Epilouge :(  Vote and comment :)

Over AgainWhere stories live. Discover now