Ace Matthew's POV
Aaaargh! Nakakainis talaga! Bat ba nagabsent yung babaeng yun? Eh alam niyang nasakanya yung project na pinagawa ko? Aish!Agad kong hinanap si Metch. Baka alam niya kung asan yun.
"Metch!"
Agad namang napalingon si Metch."Oh. Bakit Ace ?"
"Ah.. alam mo ba kung asan si Madz?"
Napangiti naman siya pero binawi din lamang niya yun."Nasa ospital eh. Naka confine. Sobrang taas ng lagnat. Dadalaw nga pala ako dun mamayang hapon.."
Huh? Bat naman nilagnat yun? Tsk tsk."Saang ospital?"
"Sa Manila Doctors."
Pumunta na ako sa parking area at kinuha ang motor ko.
Oo. Nagmomotor ako..gwapo ko kasi.Pinaharurot ko yung motor ko papunta sa Manila Doctors. Lapit lang naman nun dito e.
Nang makarating ako.. dumiretso ako agad sa may Information Center.
"Miss.. saan ang room ni Madz Fontecilla?"
"Room 165 sir."
Tumakbo ako agad sa elevator.Aish. Ewan ko ba kung bat ako nagkakaganito sa babaeng to?
Ahh.. kasi nasakanya yung project mo Ace. Tama. Nasakanya kasi.Nang makarating ako sa floor kung saan andun yung room niya, bigla nalang ako kinabahan?
Damn. Kukunin mo lang yung project Ace. Okay?
Nang buksan ko yung pinto, nadatnan ko si..
"Kuya Josh?"
Ha? Anong ginagawa niya dito."Damn. Ace right? Aalis na ako. Wag mo sasabihing pumunta ako dito. Sige. Take care of her young man."
Tapos kumaripas na siya ng takbo.
Anyare dun? Pero bago ko isipin yun, lumapit na ako kay Madz.
Wala siyang kasama dito?
Bakit wala? Lumapit nalang ako sakanya at naupo sa upuan na katabi ng kama niya."Hey.. yung project- aish! Magpagaling ka nga!"
Saglit ko siyang tinitigan. Ang ganda niya pala. Bakit diko nahalata yun?
Ang.. ang himbing niya matulog.
Ang-"Ace?"
Goddamn. Paktay."Ace?"
Shet! Ace. Anyare sayo?"Ah ano.. oy! Yung project! Asan na? Passing na nun ngayon!"
Tangna talaga oh!"Ah.. andyan sa bag ko. Kunin mo diyan sa couch.."
Kinuha ko nalang yung bag niya at iniabot sakanya.Pinilit niyang buksan yung bag niya pero dahil nga sa dextrose, nahihirapan siya.
Kaya lumapit nalang ako ulit sakanya at ako na ang nagbukas ng bag niya.But hey! Don't get me wrong. Tinulungan ko lang siya.
"Thanks.. uhmm. Eto na pala yung comics mo.. bayad?"
Sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko .
She's back to her self again."Tss. May sakit ka na nga't lahat lahat pero sungit mo pa din. Oh. Ayan. Akala mo naman tatakasan kita!" Sabi ko sabay abot ng pera sa palad niya.
"Oh.. sukli mo.."
Sabi niya sabay abot ng 5 pesos."Wag na. Keep the change.."
"Tss. Wag na no. Mamaya may masabi ka pa na hindi kita nasusuklian... baka gayahin mo yung bayad mo sa puso ko na hindi nasusuklian ng pagmamahal mo."
May sinabi pa siya sa huli pero diko na narinig dahil sa sobrang hina at sa lakas na din ng volume ng T.V"Ano ulit yun?"
I asked her.."Wala! Tsk. Layas na nga. Tsaka paki pass na din tong komiks ko oh. Salamat! Shoooo! Layas na!"
Aba! Ako pa ang pinalayas!"Talagang lalayas na ako no! Tsk. Pagaling ka!" Sabi ko sabay labas ng pinto. Pero diko alam kung bat ako nakangiti dito. Naibulong ko nalang sa hangin na..
"Get well soon Madz. I miss you."
~
Habang nakaupo ako sa may bench ng gym, naisipan kong basahin yung project na ginawa ni Madz.
Yung dalawa. Kanya at akin.Una kong inilabas yung akin..
Sana..
"Sana?"
Sinimulan ko nang basahin yung kwento. It is about Ella and Kent na parang sila na hindi tapos laging hinihiling ni Kent na .. sana.. maging sila na.
She's a great writer. Ewan ko nga kung based on true story to eh. Matanong nga pag nakapasok na siya.Sinunod ko naman yung kaniya.
Ikaw..
"Yung totoo Madz.. ang iikli ng titles ah?"
Sinimulan ko nalang yun basahin. At nagulat ako nang makita ang name ng characters..Ice and Mady
"Huh? Ice.. Mady?"
Teka.. hindi naman sa pagiging assuming.. pero.. kami ba to?Battle of the bands. Dito ko siya unang nakita. Ang gwapo gwapo niya pala. At mas nagpagwapo pa sakaniya yung pagiging drummer niya.
Ako ba talaga to? O coincidence lang?
Sobrang saya ko nung nalaman ko na magiging kaklase ko siya. Super.
And to think na katabi ko siya sa upuan? Damn. Ang saya saya ko!Isinara ko na yung komiks at umiling.
"Hindi ikaw yun Ace ..tsaka wag mo mga pakialaman yung komiks ni Madz. Tsk. Masama yun! Bad!"
Kung may tao dito, iisipin nilang baliw na ako kasi nagsasalita ako magisa dito.Naglakad nalang ako papunta ng Faculty Room at hinanap si Mam Jen, Filipino teacher namin.
"Mam.. eto na po yung project namin ni Madz."
Ngumiti naman si Mam at kinuha na yung project namin."Sige na. Pasabi kay Madz pagaling siya.."
Tumango nalang ako kay Mam at dumiretso sa Faucet Station para maghilamos.Damn Madz . Bat ba ako namumula pag nababanggit ka?
×××××××
UD guys :)Congrats pala sa Hataw Sayaw ng Elem at HS ng S.P.A! I'm so proud of you guys! Proud Philomenian Hereeee!
So ayuuun lang po :) thanks for reading :) vomment po :)