Recollection Part 2 ;)
Evans Jedrix's POV
"So welcome back students. We will now proceed to our 3rd activity.. which is.. dedicating.."
Nagkaroon naman ng mga iba ibang reaksyon.."Pero.. sa family muna.. mamaya sa friends.. and last.. special someone.."
Nagkaroon naman ng 'ayiiee' effect sa loob ng recollection hall.
"So.. tatawag ako ng 6 students. Tapos yung mga di ko naman natawag.. sa paper niyo ilalagay kung anong song ang idededicate niyo sa family niyo at bakit.. okay?"
"Okay po sister!"
Yung mga limang natawag.. sina Carlo ba yun? Tapos si Ace, Madz, Grace, Kurt, at yung isang taga ibang section.. si Candace.
May mga name tags kasi kami."So.. ang mauuna.. etong si Carlo. Okay Carlo.. anong kanta ang idededicate mo sa family mo?"
"Never say never po ni Justin Bieber."
Natawa naman kaming lahat dahil dun..
"Bakit iho?""Kasi po.. di po kami bibitaw sa kahit anong pagsubok at lalabanan po namin ang bawat pagsubok nang sama sama.."
Pwede nang pang Miss Universe ah? Joke.
Nagpalakpakan naman kaming lahat."Very good iho.. next is..Ace.."
Nagpalakpakan naman kaming dalawa ni Drake at chineer pa ang loko XD"Strong po ng One Direction.."
"Wuhooo! Ayos ka bro!"
"Mahal na mahal ka namin Ace kahit anong mangyare!"
Napuno na ng tawanan ang Recollection Hall.
At kami ni Drake? Halos hindi na makahinga kakatawa."Students. Stop. Okay Ace.. bakit iyon ang napili mong kanta?"
"Ehem.. kasi po.. ang pamilya po namin, hindi basta basta nasisira. Matibay po kami. Matibay po ang pundasyon namin at iyon ay pagmamahal."
Woahhh.! Bilib na talaga ako dito!"Bilib na ako dito kay Mokong Bro! Hahahaha!"
"Oo nga Drake e.. hahaa! Papacheeseburger na yan mamaya! Hahahaha!"
Nang maupo na si Ace sa tabi ko, nakatanggap kami ng tag isang suntok sa braso ni Drake.
"Aw!"
"Pre naman!""Gago talaga kayo. Tss."
"Ayaw mo yun?"
"Ganun ka namin kamahal pre!"
At sabay pa kaming nag apir ni Drake habang pinipigilan ang tawa."Okay.. ikaw naman Madz.."
"Ahh.. Happy by Pharell Williams po."
"Wow.. bakit?"
"Kasi po.. masaya po kami palagi. Kung may away naman po, agad din po yun naaayos.."
"Wow.. your family seems to be a really happy family.. okay next.. Grace.."
"Once in a lifetime po..kasi po.. isang beses lang sa buhay mo ang magkaroon ng pamilya. Ng Mama, Papa, kapatid. Kaya dapat kada moment.. tinetreasure niyo. Yun lang po."
"Gandang sagot Grace.. next.. Kurt.."
"Wohoooo! Kuuurrtttyyy!"
Natawa kami ni Drake sa sinigaw ni Ace.
Kurtty kasi yung tawag ng mama ni Kurt sakanya. Hahahaha!"Over Again po. Kung pwede lang pong ulit ulitin yung mga panahon na kasama natin ang pamilya natin.. ginawa na natin. Kaya dapat, walang sawa mong sinasabihan sila ng ILOVEYOU! Specially .. si G.. yun lang po."
Oraaayt! Pumaraan lang sa may G eh! Hahaha!