#26 -He's Back

51 0 0
                                    

Diana Metch's POV

"Metch.. Kain na oh.."
Dalawang araw na simula nung makita ko si Brent. At dalawang araw na din akong ganito.

"Metch naman. Kain na. Hindi ka daw nagbreakfast kanina sabi ni Kuya Josh.. tapos di ka din nagrecess kanina. Maglunch ka naman na.."
Sabi naman ni Madz. Pero di pa din ako kumikibo.

"Dahil ba to sa babae na kakilala ni Brent? Tsk. Umayos ka. Mas maganda ka dun. Kain na.."
Kyrie exclaimed. Aish.

Flashback 2 days ago

"Miss.. nahihilo ako."
Agad akong napatingin kay Brent. Hindi kaya..

"Ha? Okay ka- BRENT! TULONG! TULONG!"
Agad ko siyang sinalo nang matumba siya. Aish. Ang bigat pa din talaga nitong lalaking to!

"Charles! Asan ka- CHARLES!"
Nagulat ako nang may tatlong lalaki ang lumapit saamin. At kung di ako nagkakamali, sila yung mga kaband mates ni Brent.

"Miss.. anong nangyari?"
Tanong nung pinakamatangkad sakanila na naka blonde habang inaalalayan nila si Brent.

"B-bigla nalang siyang nahilo nung kinakausap ko siya.."
Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Teka miss.. bakit mo siya kinakausap?"
Tanong naman nung.. guitarist ata nila to?

"K-kasi-"

"Charles! Oh gosh!"
Nagulat nalang ako nang biglang may babaeng lumapit saamin.

"Tara na sa clinic!"
Pagpapanic nung babae. Umalis na sila except dito sa drummer nila na nagpaiwan.

"Bakit ka nagpaiwan? Bakit dika sumama-"
Naputol ang sasabihin ko nang may ilabas siyang picture at itinabi iyon sa mukha ko.

"Ikaw nga. Ano ka ni Charles noon?"
Ha? Anong noon?

"G-girlfriend niya. Teka nga.. bakit niyo siya kilala? Anong nangyari?"

"Naaksidente siya diba? Ngayon siguro akala niyo.. patay na siya. Pero hindi. Dinala siya doon saamin. At ayun.. nagka amnesia siya. At itong picture na to.. nakita ko sa pinangyarihan ng aksidente na hawak niya. Hindi ko sakanya pinapakita tong picture mo. Kasi baka sumakit lang ang ulo niya. Pero ngayon na nakita ka na namin, at alam kong alam mo kung paano siya makakabalik sa alaala niya, sige.. sabihin mo na sa pamilya niya na buhay siya.. na buhay ang isang Brent Charles Buenavista."
Nakangiting sabi niya saakin.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. Pero diko inintindi yun. Ngumiti ako sakanya..

"S-salamat at inalagaan niyo siya.. salamat."
Ngumiti din siya saakin.

"Wala yun. Basta para kay Charles. Eto nga pala yung address niya ngayon. Address din yan nung kumupkop sakanya."
Sabi niya sabay abot ng papel.

"Salamat talaga.. teka.. ano na palang pangalan mo?"
Napatawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Moshie nalang Diana :)"
Bago siya umalis.. may itinanong pa ako sakanya.

"T-teka Moshie.. sino yung babae kanina? Bakit.. bakit parang alalang alala siya kay Brent?"
Agad naman siyang napasimangot.

"Ah. Yun ba? Si  Chelsea yun.. kaclose ni Charles. Pero wag ka .ag alala.. si Chelsea lang ang nagmamahal sakanilang dalawa. Si Charles kasi.. may mahal na daw. Pero di niya kilala. Palagay ko ikaw yun. Sige una na ko, puntahan ko lang si Charles."

"Sige. Salamat Moshie. Nice meeting you."

"Wala yun. Nice meeting you din."

"Oh ano babaita. Kain na! Dali!"
No choice ako kundi kumain nalang.
Nasabi ko na din kagabi sa family ni Brent na buhay siya. At ayun.. tuwang tuwa sila. Pupunta kami mamaya dun sa tinutuluyan ni Brent ngayon. Alam na din nila Mama.. at masaya sila.
Ako? Masaya. Pero natatakot. Paano nalang kung hindi na bumalik yung alaala niya? Ugh.

Evans Jedrix's POV

"Chelsea. Ano na?! Tsk. Ang tagal mo namang sagutin tong phone. Naiinis na ako!"
Galit kong bulalas kay Chelsea.

"Tsk. Sorry naman."
Bwisit talaga tong ex ko. Aish.

"Alam mo na ang gagawin mo mamaya ah? Pupunta na diyan yung pamilya niya pati si Metch. Tsk"

"Oo na! Tsk. Bwisit. Paano na ule? Hahayaan naming makauwi si Brent.. tapos bago sila umalis.. sasabihin ko na yun?"

Tsk. Akala ko ba alam na niya? Papalpak pa ako neto eh!

"Hindi! Tanga! Sasabihin mo yun next next week pag sobrang close na sila uli ni Metch. Para mas masakit. Tsaka para macomfort ko ng matagal yung tao. Bobo ka talaga."

"Tsk. Nakakailan ka na Jedrix ah! Punyemas! Bye na! Andito na sila!"
Binaba ko nalang ang telepono at napangisi.

Sige lang. Magsaya muna kayo ngayon. Pero siguradong masasaktan din kayo sa huli.

Chelsea's POV

"Anak.. Brent. Buhay ka.."
Tsk. Drama naman neto. Psh.

"I-ikaw po ang mama ko?"
Tumango lang yung babae sabay yakap kay Brent.
Andito din yung Metch ba yun? Pati yung tatay ni Brent. Na hindi ko madedeny na kamukha nga niya.

"Maraming salamat po sa pagaalaga sa anak namin. Napakalaking utang na loob po namin sainyo."
Umiyak na din naman si Tita.

"Nako. Wala yun. Nako Charles.. halika nga dito."
Niyakap naman ni Tita si Charles habang umiiyak.
"Nako. Mamimiss kitang bata ka."

"Mamimiss ko din po kayo Nay. Promise po. Dadalaw pa din po ako dito."
Ano ba yan! Aalis na si Charles? Aalis na ang mahal ko?!

"Chelsea. Mamimiss din kita."
Sabi niya sabay yakap sakin.
"Papakabait ka lagi a. Alam mo namang para na kitang kapatid."
Oo. Kapatid. Yan lang naman ang tingin mo saakin Charles e. Kapatid.

"Sige ho. Mauuna na po kami. Babalik nalang po kami bukas para makipagusap po ulit sainyo."
Pagpapaalam ng tatay ni Charles.

"Sige po. Charles anak.. magiingat ka ha."

"Opo Nanay. Mamimiss ko po kayo. Magingat din po kayo."
Nahagip naman ng mata ko yung Metch na nakatingin saakin tsaka ngumiti.

Hah. Be ready next next week my dear. Pansamantala lang si Charles sainyo. Babalik din yan saakin ;)

Brent Charles' POV

"So anak.. this is your room."
Sabi saakin ni Mama habang pinapasok ako sa isang kwarto.
Color blue siya. Madaming pictures at may gitara din. Hilig ko na ba talaga mag gitara?

"Sige. Baba lang kami ng Papa mo. Kausapin mo muna si Diana."
Sabi ni Mama sabay tinulak niya papasok yung Diana. Na babae din sa swing.
Iisa lang sila? Siya si Diana?!

"I-ikaw si Diana?"
Ngumiti lang siya at tumango sabay tabi saakin.

"Brent Charles.. ang tagal kitang hindi nakita. Sobrang namiss kita."
Hala. Eto nanaman. Umiiyak nanaman siya.

"Pwede ba kita mayakap?"
Tumango ako at ako na mismo ang yumakap sakanya. Pakiramdam ko.. napuno na ang pagkatao ko sa pagyakap ko sakanya. Pakiramdam ko.. nahanap ko na ang itinitibok ng puso ko.

Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya sa mga mata niya.

"Maari mo ba saaking ipaalala lahat? Lahat lahat.?"

*******
Pambawi guys ;) Brent sa multimedia :)
Yiiieeeee. NAGKITA NA SILAAAA. HAHAHAHAHA.

Over AgainWhere stories live. Discover now