Diana Metch's POV
Sabado. Walang pasok.
Dapat ay energetic ako ngayon.. pero wala.
Bangag akong bumaba ng hagdan para magtake ng breakfast."Oh anak. Bat ka parang zombie na naglalakad diyan?"
Salubong saakin ni Dad habang umiinom ng coffee sa may kitchen.
Agad ko naman siyang binigyan ng death glare kaya naman natawa siya."Chill anak. Zombie ka na nga, magmumukha ka pa niyang grudge.Hahahah!"
Ayan ha. Alam niyo na kung kanino nagmana ang dalawa kong magagaling na kuya -.-"Yuan Gilbert Saavedra. Wag mo namang ganyanin ang anak nating kamukha ko."
At eto na nga si Mom. Nako.. mukhang debate nanaman to. Na siyempre.. mauuwi sa lambingan. Tch. Korni!
Lumapit saakin si Mom tsaka ako inakbayan."Nako ha Stephannie Helga Saavedra. Tignan mo kasi ang anak mong kamukha ko. Mukhang umiyak kagabi. Anak.. may problema ka ba?"
Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Alam niya kaya? Na umiyak ako buong gabi?"Ah. Wala po. Gutom lang po ako. Kain na po tayo."
Pansin ko ang pagtitinginan nilang dalawa pero binalewala ko lang iyon at inaya sila sa dining hall.
Habang kumakain kami, nakakapanibago. Kasi usually, maingay tong Mom at Dad ko. Pero bat parang hindi naman ngayon?"Yow Momma at Fatha! Goodmorning!"
Buti nalang at nagising na din sa wakas si Kuya Josh."Goodmorning din.. owww.. Zombie Sister? hahahahha!"
Punyemes talaga to! Mukha na ba talaga akong zombie? Anak ng."Stop Josh. Kumain ka na."
Mom strictly said to him. Hah! Aba. Mas takot yan kay Mom kesa kay Dad. Si Dad kasi, kakambal niya sa kalokohan. Tss."Oh. Goodmorning anak kong sleepy head na kasing gwapo ng tatay niya!"
Pagsalubong naman ni Dad kay Kuya Rayben na kakababa lang din."Eh ako naman Dad? Tsk. Mana din ako sayo no! Pareparehas lang tayong gwapo dito Dad! Ang pinagkaiba nga lang.. ako ang pinakagwapo! hahaha!"
Napatawa nalang kaming lahat sa sinabi ni Kuya Josh. Atleast nawala ang silent atmosphere kanina.Pero di pa din nakatakas saakin ang mga tingin nila saakin na seryoso kahit na nagtatawanan sila.
Oo. Alam kong nag aalala sila. Pero ayoko muna sabihin tong problema ko. Kasi di pa naman ako sigurado kung anong problema ko. Kung ang problema ba.. nasa utak ko? O nasa puso ko mismo?~
( HA?! PATITIGILIN MO NA SI COUZ?! PERO BAKIT?)
Halos mailayo ko na tong phone ko sa pagsigaw ni Kyrie.
"Kasi nga.. ayoko maging unfair sakanya. Alam mo yan Kyrie. Nakwento ko na kanina pa."(I know. Pero di mo man lang ba siya bibigyan ng chance?)
"I'm sorry pero wala talaga. Ayokong masaktan pa siya. But well.. masasaktan talaga siya. Ah basta! Sige na. Bye na."
(Whatever your decision is. Andito lang ako lagi for you Metch. Susuportahan kita. Bye din!)
"So. Is it about boys anak?"
Napapitlag ako nang makita ko si Mom at Dad na nakatayo sa may pinto ng room ko. NARINIG NILA?!"Anak. You can tell us what tthe problem is."
Dad said.
Napayuko nalang ako at pumasok na sila sa room ko.
Si Mom, umupo sa kama ko habang si Dad, nakaupo sa may study table ko."Yun bang Jedrix , Metch?"
Mom seriously asked me.
Tumango nalang ako. Wala na akong takas nito."Then what about him?"
Ano to.. salitan sila ni Mom na magtatanong?"Uhm.. patitigilin ko na po siya sa panliligaw."
I said then tinignan sila."Pero bakit mo siya patitigilin anak?" Lumapit na si Mom saakin at inakbayan na ako.
"Cause I still love Brent. Mom, dad. that's why."
Alam kong nagulat sila. Maski nga si Grace, Madz at Kyrie diba? Pero eto talaga ang nararamdaman ko eh."Anak. Paano si Jedrix? Kawawa naman siya. At wala pang isang buwan oh. Di mo man lang ba bibigyan ng chance?"
Napaisip ako sa sinabi ni Dad. Pero napailing din ako bigla.. wala na talaga.
"Wala na po talaga. Still.. si Brent pa din po.. miss na miss ko na po siya."
Napayuko ako nang naramdaman ko ang paginit ng mukha ko at ang pamamasa ng mata ko. Ayokong umiyak sa harapan ng mga magulang ko. Last time is when Brent died. And I can see in my parent's eyes na nasasaktan din sila."Anak. Sige lang. Iiyak mo lang yan. It's okay with us."
Niyakap na ako ni Mom and my tears started to fall."Anak. Susuportahan ka namin sa gusto mo. Basta pag may mga problema ka.. don't be shy to approach me and your Dad. Tutulungan ka namin."
"Your Mom's right anak."
Naramdaman ko nalang ang pagyakap nilang dalawa saakin."These week po..*sobs* nakakakita po ako ng kamukha ni *sobs* Brent"
Humiwalay na ako sa pagkakayakap sakanila at pinunasan ang mga luha ko."Mom. Dad. Baka po buhay si Brent. Gusto ko po uli siya makita.. makasama.. please po.. *sobs*"
Tinignan nalang ako nila Mom at Dad tsaka ako niyakap.
Alam kong di sila naniniwala. Pero nararamdaman kong buhay siya. Na may Brent Charles pa din. At alam kong may rason kung bat di pa kami nagkikita ngayon.
Brent Charles. Please."Anak. Eto lang ang masasabi namin sayo ng Dad mo."
Mom held my hand."Follow your heart. Mahal na mahal ka namin kaya ayaw ka naming nasasaktan. Alam mo yan. Pero kung alam mong wala na talaga. Tigil na. Wala na eh. Masasaktan ka lang sa huli Diana Metch."
Pero po.. alam kong meron..kaya di ako titigil Brent Charles.
Magkikita uli tayo.
~
To: Jedrix
Let's meet sa playground ng subdivision niyo. May kailangan tayong pagusapan. 5PM sharp.
I sighed when I tap the send button.
Eto na. Desisyon ko to. Gusto ko to. At sana tama to.Kumuha na ako ng black fitted ripped jeans at nag white shirt nalang ako. Then yung white ko na converse.
"Mom. Dad. Alis lang po ako."
Nilapitan naman ako ni Mom at inakbayan."Sure ka na ba talaga dito anak?"
Tumango nalang ako kay Mom at ngumiti. Tinanguan din lang ako ni Dad."Basta magiingat. Magtext ka kung pauwi ka na ha?"
Tumango nalang ulit ako at umalis na. This is it.NANG makarating ako dito sa playground, nakita ko na siya agad. Nakaupo sa swing at kasalukuyang nakangiti saakin.
"Oh Metch. Ano bang paguusapan natin ?"
He asked me nang makaupo ako sa tabi niya."Itigil mo na to Jedrix. Wala nang patutunguhan."
Diretso kong sabi sakanya. Ayoko ng paligoy ligoy.
Pansin ko naman ang pagkuyom ng kamay niya. At nang tignan ko siya, ibang Jedrix ang nakita ko.
Masama ang tingin sa kawalan at nakaigting ang bagang. Wala. Ibang iba."J-Jedrix.."
"Hindi. Ayoko Metch. Ayoko tumigil. Gagawin ko ang lahat mapunta ka lang sakin."
He said while looking at me habang may ngisi sa mga labi niya.
Hindi. Hindi siya to."Jedrix.. itigil mo na nga sabi-"
"HINDI NGA DIBA?! HINDI AKO TITIGIL! BASTA. AKIN KA LANG!"
Mabuti nalang at wala masyadong tao dito. Takot naman ang rumehistro sa mukha ko nang bigla siyang lumapit saakin nang may ngisi sa mga labi niya."I'll do everything just to win you,Diana Metch Saavedra. Aalisin ko sa buhay mo yang Brent na yan. Tandaan mo."
He said as he walks out on the scene.
Kinilabutan ako bigla. Bakit siya ganun? Bakit ganun nalang siya bigla? Bakit parang nagiba siya? Kilala ko na ba talaga siya?
Kilala ko na ba talaga ang isang Evans Jedrix Dedios?*********
Daddy Yuan Gilbert and Mommy Stephannie Helga sa multimedia :)
Kang Min Hyuk and Park Shin Hye :)
Vote and comment po ;)