Evans Jedrix's POV
Aish! Bat niya ako binabaan ng phone? Kung kelan naman ako nageffort na magluto, tsaka pa siya wala. Nakakatampo tuloy."Oh iho. Andiyan ka pala."
"Ah.. Tita Helga.. pwede ko po bang iwan nalang tong dala kong cake para kay Metch?"
Sabi ko sabay taas nung box."Ah.. sige sige. Salamat..pero baka pauwi na yun.. dimo na ba mahihintay?"
Napailing ako."Di na po siguro. Gabi na po eh tsaka pasabi nalang po na pinapabigay ko Tita. Salamat po. Alis na po ako."
"Sige. Ingat ka iho."
Sumakay nalang uli ako sa kotse at umuwi. Tsk. Nakakabanas talaga -.-
Diana Metch's POV
Walang gana akong umuwi sa bahay..haaay.. sayang talaga. Diko nakita yung lalaking yun ."Oh anak! Nakarating ka na pala!"
Nagmano nalang ako kay Mama at Papa.."May iniwan nga pala si Jedrix dito.."
Huh? Pero gabi na ah :3"Ano po yun?"
"Nasa ref. Cake daw eh. Kumain ka na ba?"
Tumango nalang ako sa tanong ni Mama at kinuha yung cake. Kumuha nalang ako ng kutsara at plato. Sa taas nalang ko nalang kakainin yung cake.Nang makaakyat ako, pinatong ko yung cake sa may study table ko tapos tinawagan ko si Jedrix pero walang sumasagot.
"Aish. Sagutin mo naman oh."
Nagdial pa ako. Pero nang wala talagang sumasagot, napilitan ako na ichat nalang siya, pero wala talaga..di siya online. Kaya triny ko sa Twitter..@jedrixPOGI
N.A.K.A.K.A.T.A.M.P.OHALA! NAGTATAMPO NA SIYA! HUHUHUHU! NAMAN OH :3
Tinext ko nalang siya.
To:Jedrix
Sorry na oh. Thanks pala sa cake :)Binuksan ko na yung box ng cake at talagang halos mapatalon ako sa nakita ko..
Half Cookies and Cream tapos Half na Choco Strawberry! kyaaaaaahhhhh!
Kaya walang anu-ano akong nagslice ng isa tapos nilagay ko sa plate ko.
"Ang saraaaaaap! Waaaaaa!"
At hanggang sa naubos ko na yung cake. Aish. Baka mapaos ako nito bukas -.-Kyrie Misha's POV
( Kyrie.Tulungan mo ako..)
Halos matawa ako dito sa boses ni Metch sa phone.
May sira ba tong speaker ng phone ko o sadyang paos lang talaga siya?"Anyare sa boses mo?"
(Eh.. ehem! Pinapak ko kasi yung cake na bigay ni pinsan mo
Ehem. Tulungan mo nalang ako makipagbati ehem kay Jedrix. Please?)"Aish. Oo na. Sige . Mamaya na. Tutulog pa ako.. ke aga aga, nambubulabog ka ."
At pinatay ko na yung phone.Eh sino ba namang paos ang tatawag sayo ng 3 A.M?!
Humiga nalang ako ulit at natulog.
~
Kriiing! Kriiing!
Aish! Nakakainis!
Inis akong bumangon at chineck kung anong oras palang..Daheck! 4 A.M palang oh!
Incoming call:
Bestfriend kong pogi :PBESTFRIEND? DRAKE? BAT TO NAPATAWAG?
"Oh? Bakit?"
(Labas ka)
"At bakit?"