Diana Metch's POV
"Brent. Ayos na si Chelsea. Tulog ka na."
Sabi ko nang makumutan ko na si Chelsea. After what happened kasi sa may labas, nawalan ng malay si Chelsea. Maybe dahil sa pagod kakaiyak kaya dinala na namin siya agad dito sa kwarto.
"Ah. Diana. Pwede bang dito muna ako? Babantayan ko lang si Chelsea."
Agad akong napaiwas ng tingin.
Babantayan niya? Diana. Bestfriend niya lang si Chelsea kaya malamang concern siya. Wag kang magiisip ng kung ano ano, okay?
"Sure. Uhm. Lalabas lang ako.""Gabi na Diana. Baka-"
"It's okay. Bantayan mo si Chelsea a."
Palabas na sana ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa kamay ko at hinila ako payakap sakanya.
"Mag iingat ka." then he kissed my forehead and smiled.
"Salamat. Sige, labas na ako."
Nakangiti akong lumabas at tinungo ang pampang. Umupo ako dun sa may putol na trunk ng puno at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Sobrang daming nangyari ngayong araw na to. Diko kinaya.Si Chelsea, buntis na pala ng 2 months. Tapos si Jedrix pa ang ama. Hayy, sana talaga panagutan niya si Chelsea. Sila ng anak niya.
Kasi natatakot ako eh. Na baka bilang bestfriend ni Chelsea,Baka si Brent pa ang sumalo sa mga responsibilidad ni Jedrix sa bata. Baka siya pa ang tumayong ama sa magiging anak ni Chelsea.
Evans Jedrix's POV
"AAAAAAAAAAHHHHHHHH! WALANG KANG KWENTA! WALAAA!"
Nakakainis! Nakakabwisit! Nakakatangina!Napaluhod nalang ako dito sa buhanginan at napatulala.
Paano na? Paano na ako? Paano na ang mga plano ko? Wala na! Wala!"Jedrix."
Si Metch. Diko na siya makukuha. Wala na. Wala na akong pag asa sakaniya. Yung mahal ko, diko na makakasama."Metch. Akin ka nalang. Please? Di ko kaya."
Ramdam ko naman ang pagtulo ng mga pesteng luha ko. Hinayaan ko lang. Andito na din naman si Metch e. Ano pang use kung itatago ko tong mga luha ko?Unti unti kong nararamdaman ang paglapit ni Metch saakin.
"Jedrix. Galit ako sayo."
At dun ako tumayo para lingunin siya.Nagulat ako nang makita kong may mga luhang dumadaloy sa pisngi niya.Bakit siya umiiyak?
"Galit ako sayo kasi pinagsabay mo kami! Galit ako sayo kasi ang duwag mo! Hindi mo kayang panindigan yung responsibilidad mo!"Hindi ko siya malapitan. Naguiguilty ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi nasasaktan ko yung taong mahal ko.
Lumapit siya saakin at niyakap ako.
"Jedrix. Please. Bumalik ka na sa dati. Hindi na ikaw yan e. Please Jedrix. Please."
Niyakap ko nalang din siya pabalik. Metch, ikaw ang kailangan ko ngayon. Ikaw."Metch. Kailangan kita ngayon. Please. Wag mo akong iiwan. Wag kang aalis sa tabi ko. Please."
Ramdam ko ang pagpupumiglas niya sa pagkakayakap kaya hinayaan ko lang siya."Sorry Jedrix. Pero mahal ko talaga si Brent."
Brent. Brent nanaman. Walang katapusan na Brent! Nakakainis na! Nakakasawa na!I held Metch's hand and look at her eyes.
"Metch. Diba sabi mo, gusto mong bumalik ako sa dati?"
Tumango naman siya.
"Then don't leave me. You'll be with me. Iiwan mo si Brent."*Paaaak!*
"I'm sorry Jedrix pero napakadesperado mo naman na ata para sabihin mo pa saakin yan!"
Damn. Shit. Ang sakit ng sampal ah! Aalis na sana siya nang hawakan ko nang mahigpit yung mga braso niya at tinitigan siyang mabuti."J-Jedrix. Bitawan mo ko! Ano ba?!"
"No! Sasamahan mo ako! Hindi mo ako iiwan!"
Third Person's POV
Halos maiyak na si Diana dulot ng sakit sa paghawak sakanya ni Jedrix."Hindi mo ako iiwan, naiintindihan mo?!"
Hindi sumagot ang dalaga kaya naman mas lalo lang nainis si Jedrix.
"SAGOT!"
"HINDI AKO SASAMA SAYO! NAHIHIBANG KA NA!"
Nanginginig na tugon ni Diana.
Halos manggigil naman si Jedrix dahilan para mapagbuhatan niya ng kamay si Diana. Napapikit nalang si Diana at hinihintay nalang ang pagdapo ng kamay ni Jedrix sa pisngi niya. Pero wala.
Hindi na din nakahawak si Jedrix kay Diana. Kaya naman iminulat na niya ang mga mata niya. Nakita na lamang niya na nakabulagta sa buhanginan si Jedrix habang nakatayo si Brent sa harapan nito."AT SINO KA SA TINGIN MO PARA PAGBUHATAN NG KAMAY ANG GIRLFRIEND KO?!"
Nanggigigil na sigaw ni Brent kay Jedrix na kasalukuyang tumatayo mula sa pagkakabagsak niya dahil sa pagkakasuntok sakanya ni Brent."Tch. Girlfriend? Wow ah! Diba may amnesia ka?! So nakakaalala ka na?!"
Nakangising tanong ni Jedrix kay Brent. Habang si Diana, di na alam ang gagawin. Hindi nakasagot si Brent kaya naman pinagpatuloy lang ni Jedrix ang pagbulyaw kay Brent."So naaalala mo na rin ba yung araw na naaksidente ka?! Yung araw na nasagasaan mo yung kapatid ko?! Ha?! Natatandaan mo na ba?!"
Flashback
Dahil sa pagseselos ni Brent kay Diana at sa kaklase nito, nagdesisyon siyang maglibot libot muna gamit ang kotse niya.
Pinigilan siya ng mama niya pero di siya nagpatinag. Pinatakbo niya yung kotse niya ng mabilis tsaka nag drive papunta kung saan.
Dito niya ibinuhos lahat ng galit at selos na nararamdaman niya. Hanggang sa naramdaman niya nalang ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata niya. Dahilan upang di niya gaanong makita ang daan.
Samantalang, tumatakbo palabas ng bahay nila ang isang five yer old boy dahil nakatakas siya sa yaya niya.
"Nako! Halika nga ditong bata ka!"
Habang patawid na ang bata, sakto naman ang pagdating ng kotseng dinadrive ni Brent.
"Fck. Sht. Yung bata!" sigaw nito. Sinubukan niyang pabagalin ang takbo pero huli na ang lahat.
Nawalan siya ng control at sakto naman ang pagtawid ng bata."MAMA!"
"AHHHH!"
"Oh ano. NAALALA MO NA BA?! NAMATAY ANG KAPATID KO DAHIL SAYO! BINANGGA MO SIYA! WALANGHIYA KA! NGAYON, SINONG MAS WALANGHIYA SAATIN?! SABIHIN MO! SINO?!"
Halos hindi makapaniwalang tinignan ni Diana si Brent habang umiiyak. Pero totoo ang lahat. Nakakaalala na si Brent. Simula nang pumunta sila dito sa resort.
"Pero may isa akong solusyon para di ka makulong."
Lumapit pa si Jedrix kay Brent."Akin si Diana at papanagutan mo ang anak ni Chelsea? Naiintidihan mo?"
Tumingin si Brent kay Diana na umiiyak. He doesn't want to leave her. Pero sobrang laki ng kasalanan niya. At alam niyang kailangan niya yon panagutan.
"Pagisipan mo yan. Kayong dalawa. Pag isipan niyo."
******
Bakasyoooon naaaaaa ^_^
7 chapters left before the Epilouge :)