#21- Missing Him

40 0 0
                                    

PLAY NIYO YUNG BAEBAE NG BIGBANG PARA MAS DAMA ANG CHAPTER NA TO ;)
◆◆◆◆◆◆◆
Diana Metch's POV

"Uy.. pasok ka na sa classroom niyo"
Eto talagang lalaking to oh.. may balak pa atang magcutting. Eh paano to makakapag cutting eh katabi lang ng classroom namin yung kanila e. Tsk tsk. Mapagalitan pa siya eh

"Ayoko."sabi niya sabay pikit pa.
Aba! Nagpacute pa ang loko!

"At bakit naman ha Brent Charles Buenavista?"
Mataray kong tanong sakanya.
Siya tong nagsasabi na magaral mabuti pero siya pa tong nagcucutting. Tsk tsk.

"Kasi ikaw ang subject ko ngayon."

Arrrrgh Brent Charles! Hanggang kelan mo ba ako pakikiligin ha?!

Napatawa nalang ako nang maalala ko yun. Nang maalala ko yung mga araw na masaya kami. Magkasama. Walang problema.

"Anyare sayo babaita? Bakit ka tumatawa diyan mag isa?"
Masungit na tanong saakin ni Grace.

"Wala. May ano. Naalala lang."
Tumango nalang siya at nagsulat na ng notes niya. Habang ako, eto.. inaalala yung mga araw na kasama ko siya :3

*kriiing!*
Ano ba yan! Flag ceremony nanaman! Nakakatamad!
Tamad akong lumabas ng classroom.

"Sabayan na kita. Para dika na magtampo."
nakangiting sambit ni Brent.
Para siyang engot pero ewan ba! Kahit na boyfriend ko na to kinikilig pa rin ako! Asan ang hustisya?!

"Nagtatampo? Sino? Ako?"
Sabi ko pa sabay turo sa sarili ko.

"Dika nagtatampo?"
Ay. Nabaliw na. Bakit naman ako magtatampo sakaniya? Eh mahal ko naman siya. Ayieeeh.

"Hindi. Tara na nga."
At ayun na nga. Sabay kaming pumunta sa may quadrangle para mag-

"EARTH TO DIANA METCH SAAVEDRA! HINAHANAP KA PO NI KUYA MO JOSH!"
Napabalikwas ako nang sigawan ako ni Grace. Kelangan ba yun? Ugh.

"Sorry naman daw! Kelangan manigaw? Ha? Ha?"
Lumabas na ako ng classroom at pinuntahan tong kuya ko. Tsk. Istorbo. Alam naman na-

"Hoy. Bat ang tagal mo?"
Inirapan ko nalang siya at sinimangutan.

"Piling. Oh. Allowance mo. Nagmamadali kasi kanina.TISS!"
Sabi niya sabay abot saakin ng 1000 at umalis na.

"SALAMAT KUYA PANGET!"
Bumalik nalang ako sa classroom at nakinig nalang sa music. Eh wala kaming teacher eh. Ewan ba. Mga tamad pumasok. JOKEEEE.

Habang nakikinig ako, nahagip ng mata ko si Jedrix.
Isa pa to. Kelangan ko na siyang patigilin bago pa ako maging unfair at mahulog sakanya.
Kasi alam ko sa sarili ko na si Brent pa din talaga ang mahal ko.
Siguro nadala lang ako nung recollection. Nung icomfort niya ako.

Inirapan niya ako sabay tawa.
At dahil dun? May naalala nanaman ako.

"Brent!"
Aba! Anong nangyari dito at hindi ako nililingon?

"Brent Charles!"
Finally! Lumingon din!
Pero mas nainis ako nang irapan niya ako. Abaaaaa! Nagtataray na to ah!

"TARAY!"Sigaw ko na nakapagpalingon uli sakanya at ayun na nga. Grabe na ang tawa ng loko.
Napangiti nalang ako. Kaya mahal ko to eh.

"Brent Taray.. miss na kita.."
mahina kong bulong at naramdaman ko naman na may lumabas na luha sa mga mata ko.

"Uy Metch. Bat ka umiiyak?"
Pwede pabili ng krayom at sinulid? Pantatahi ko lang sa bibig ni Grace. Ingay eh. Pumunta tuloy dito yung dalawang lalaki.

"Sinong umiiyak?"
Kurt asked. Aish!
Pasimple kong pinunasan ang luha ko at hinarap na sila.

"Huh? Wala. Walang umiiyak. Powder Room lang ako. Grace samahan mo nga ako."
Hinila ko nalang si Grace patungo sa powder room at doon siya pinagalitan.

"Argh. Kelangan ba malakas ang pagkakasabi na umiyak ako?"
Napaismid nalang siya.

"Eh bakit ka ba kasi umiyak? Parang kanina lang eh tumatawa ka tapos ngayon umiiyak ka na. Ano ka.. may mental disorder?"
Diko alam kung matatawa ako o maiinis eh.

"Grace. Mahal ko pa din si Brent. Siya pa din pala.Walang pinagbago" halata sa mukha niya ang pagkagulat at expected ko na yun.

"Eh si Jedrix.. ano?"
Humugot ako ng malalim na hininga.

"Crush. Hanggang dun lang siguro siya. Siguro.. nadala lang ako nungicomfort niya ako noon. Siguro nadala lang ako sa mga gestures niya at panunukso niyo."

"So what are you trying to say Diana Metch?"
Napayuko nalang ako. Naguiguilty ako para kay Jedrix. Pero wala eh.
Life is unfair sabi nga nila. So be fair. Kaya ko siya patitigilin kasi alam kong ang unfair ko na sakanya. Kaya gusto ko maging fair sakanya. Sa paraang yun.. mahahanap niya na yung para talaga sakanya.

"Patitigilin ko na si Jedrix."

Evans Jedrix's POV

"Bro. Pinaiyak mo yun?"
Isa nalang talaga at masasapak ko na tong Kurt na to.

"Palagay mo paiiyakin ko ang taong mahal ko? Isip isip nga din Kurt. Nakakatokwa ka naman oh!"
Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang hinihintay na makabalik sina Metch dito. Bakit ba kasi siya umiyak? Wala naman akong ginagawang masama diba?

"Bro. Mauna na daw tayo umuwi sabi ni Metch."
Agad akong napatingin kay Kurt.

"Tinext ka niya?"
Umiling naman siya at pinakita na si Grace ang nagtext.

Pero sabi ko sakanya na mula ngayon, ako na ang maghahatid sundo sakanya. Pero bat ganun?

"Hayaan mo muna bro. Baka ano.. gusto niya lang ng kasamang babae. Ganun. Girltalk ba yun?"
Pangungumbinsi saakin ni Kurt.

"Tsk. Tara na nga."
Sana nga yan lang ang dahilan Kurt. Sana yan lang.

~

Pagkauwi ko, agad akong nagonline sa Facebook para ichat siya. Di ko na kasi nakausap.

DianaMetch Saavedra ●Active Now
Nice! :D ONLINE SIYA! :)

Jedrix Dedios
Yo Metch :)

Maya maya lang ay nakita kong natatype na siya.

DianaMetch Saavedra
Hello.

Ay. Walang emoticon? Bat ganun?

Jedrix Dedios
Any problem? :|

Pumunta muna ako sa news feed ko.

DianaMetch Saavedra
Still missing him :(
#brntchrls

Bigla akong kinabahan. Sino tong Brnt Chrls?

"Metch. Ano palang pangalan ng ex mo?"
I asked her habang pabalik kami sa recollection hall.

"Ah. Brent Charles."

Brnt Chrls. Brent Charles.
Mahal mo pa ba siya Metch?
Natauhan ako nang may marinig akong magmessage.

DianaMetch Saavedra
None. Bye.

Isa pa to. Bakit ang cold niya saakin? Bakit biglang ganun?
Naisipan ko naman na tignan siya sa Twitter. Baka sakaling malaman ko kung anong problema niya.

@metchieeeeeChrlsssss
I misssssss youuuuuu Brnt Taray :(

So si Brent nga?
Dahil sa galit ko, naihagis ko tong laptop ko at mga anumang nasa lamesa ko.
Naiinis ako! Patay na yang Brent na yan pero siya pa din?! Aba! Di naman na ata patas yan! Patay laban sa buhay?! Nakakap*t*ng*n* naman oh!
Basta Diana Metch Saavedra.. akin ka lang. Gagawin ko ang lahat mapunta ka lang sakin. Kahit dumating sa punto na ..

Magkakasakitan na..

*******
Evil side of Jedrix? :) Malapit na ang band fest ;) at dun mangyayari ang main event ;D
Vote and Comment guys :)

Over AgainWhere stories live. Discover now