Diana Metch's POV
"Oh ano anak.. okay na ba si Metch?"
"Siguro po Ma. Pero di pa po gising eh."
Naalimpungatan ako sa mga boses na narinig ko.
Si Madz at si Tita Carla.Agad akong napabangon nang maalala ko yung nakita ko kanina.
Di ako pwedeng magkamali.. si Brent yun. Si Brent Charles."Metch okay ka lang-"
"Si Brent , Madz. Asan siya?"
I asked her.
Mukha namang naguguluhan siya."Brent? Anong Brent? Walang Brent dito Metch."
"Anong wala? Meron. Nakita ko siya.. kanina sa tapat ng bahay niyo! Kitang kita ko siya-"
Pinigilan ako ni Madz sa pagsasalita."Metch. Kumain ka muna. Kaya ka siguro nahilo. Buti nakita ka ni Ace diyan sa kanto ng street namin at dinala ka dito. Yung bike mo nasa baba."
Ako?.nahilo?"Pero nakita ko talaga si Brent ! Kitang kita ng dalawang-"
"Wag mo na ipagpilitan Metch.wala na siya. Wala nang Brent. Wala na.Atsaka wag ka na din magsalita. Mapapaos ka lang lalo. "
Napaisip nalang ako. Oo. Wala na. Wala nang Brent.. pero di ako bulag para hindi makita si Brent kanina. Kitang kita ko talaga!"Metch. Wag mo nalang isipin si Brent. Baka namimiss mo lang siya kaya ka ganyan. Kain ka muna oh."
Kinain ko nalang yung binigay ni Madz.
Nagpahinga pa ako ng konti tsaka umuwi.
Pero napadaan ako sa isang park..Naupo muna ako dun para makapagisip isip.
Wala na nga ba talagang Brent Charles? Wala na ba talaga? Namamalikmata lang ba talaga ako kanina?
Unti unting pumipikit yung mga mata ko.
Wala naman sigurong masama kung umidlip lang muna dito no?Brent Charles' POV
Matapos kong iwan yung pinapabigay ni Nay dun sa kaibigan niya, naglakad lakad muna ako. Namasyal. Pero sino ba kasi talaga ako? Charles ba talaga ang pangalan ko? Yun lang ba?Hanggang sa mapadpad ako sa isang park. At naagaw ng atensyon ko ang isang babae na natutulog sa swing. At kita ko rin yung mga lalaki na tumitingin tingin sakanya.
Tsk. Mga manyak.
No choice, tumabi ako sa babae para akala nila..BF niya ako.
"Tsk. Nako. Nakatulog ka nanaman babe oh."
Tsaka ko kinuha yung librong dala ko at nagbasa.Nang magtagal, umalis na din yung mga lalaki. Tch. Pipili na nga lang, yung wala pang kalaban laban.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Diko alam, pero parang ang gaan ng loob ko sakanya. Para bang matagal ko na siyang kilala.. pero wala. Hindi siya kasama sa mga napaginipan ko noon.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.
From: ChelseaPanget
Oy! Uwi ka na daw sabi ni Tita!
Napailing nalang ako. Siguro di pa ito ang tamang oras para hanapin yung mga taong may kinalaman sa totoong pagkatao ko.Pumunit ako ng isang pirasong papel at nagsulat doon.
Ingat ka lagi Miss :)
At iniwan ko yung papel sa tabi nung babae.
See you when I see you miss :)
Diana Metch's POV
Nagising ako nang maramdaman ko ang ihip ng hangin.Hala! Nakatulog pala ako dito sa swing! Syete naman oh! Tumayo ako agad at kinuha ang bike ko. Pero may nakita akong isang pirasong papel sa inupuan ko.