#10- Letting Go

54 0 0
                                    

Evans Jedrix's POV

"Uy Evans .. chill lang.. papasok din yun ano ba.. hahaha!"

"Oo nga naman pre. Tama si Ace.. baka late lang yun. Tignan mo nga, wala pa yung ibang babae. Tsk.."

Napailing nalang ako sa sinabi ng dalawang to.

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa loob ng van.
Recollection kasi namin ngayon.
Grade 10 ang mga mauuna which is us.

Yung section namin at ang section nung Kenneth ang magkasabay. Bukas naman yung two other sections.

"Oh..andyan na sila. Nothing to worry about .."
Nakangising sabi ni Drake.

Isa isang nagsipasukan yung mga babae.

Bumaba muna si Ace para padaanin yung mga babae.

Unang pumasok si Kyrie na napatabi kay Drake .
Then next to Kyrie, si Madz.
Bale ganito.

Bintana-Drake-Kyrie-Madz-Ace
Student-student-Kurt-Grace
Ako-space-student-student

Tsk. Mukhang alam ko na ang plano netong mga to.

"Pa usog naman :) "
Sabi ni Metch sa isa naming kaklase.

"No.. dito ka nalang.. may space pa oh.."

Naririnig ko naman ang mga pigil na tawa nung tatlo at naguguluhang tumabi saakin si Metch.

Wala pang ilang sandali ay umalis na din kami.

Tinungo na namin ang recollection destination namin.

"Jedrix.."

"Hmmm?"

"Yung about sa .. uhm..voice message.."
Nakaramdam agad ako ng hiya nang iungkat niya yun.

Sadyang sabog lang talaga ako kagabi.
At medyo may tama na kasi nakipaginuman saakin si Papa.

"Ah.. hehe.. ano.. totoo lahat yun.. hehe..seryoso ako.."
Diko nakita ang reaksiyon niya kasi napayuko siya.

"Thanks.."
"Ha? Para saan?"
Naguguluhan kong tanong.

Tumingin naman siya saakin habang nakangiti.

"Basta. Salamat."

~
Mahigit isang oras din ang naging byahe namin patungo sa recollection venue namin.

Pagkababa namin ng van ay sumalubong saamin ang malamig na simoy ng hangin.

"Asan ba tayo?"
I asked them.

"Napapaghalataan na hindi nakikinig eh! Hahahaha!"
Pang aasar ni Ace na dinagdagan pa ni Madz.

"Puro kasi si Metch ang nasa isip! Hahaha! Yiieeee!"

At sumunod na din sina Kurt at Grace na nang asar.

"Kung sinagot niyo nalang yung tanong niya no?"
Wohoo! Buti naman Drake. Buti naman.

"Ah.. couz..nasa Monastery tayo ng mga sisters .."

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Maganda nga.
Sobra.

Yung monastery nila is nasa tapat lang ng isang beach.
Katabi nun ay isang parang hall?

"Tara na. Andun na sila lahat sa loob."
Pag aaya ni Metch.

~

"Okay .. so Goodmorning to all of you. I'm Sister Dympha.. and nice meeting all of you.."

Over AgainWhere stories live. Discover now