Brent Charles' POV
Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko si Diana na kasama si Jedrix palabas ng school nila. So, sila na? Well, it's my fault. I better do my responsibility to Chelsea. Para naman hindi sayang yung pag give up namin ni Diana.
"Uy mga pre. Balita ko, aalis daw si Diana ah."
Rinig kong sabi ni Moshie."Talaga?! Mawawalan na ako ng inay!" Then Lenard acted like a cry baby.
"Tsk. Sayang naman. Aalis na si Bestfriend." Malungkot na sabi ni Zoilo.
"Bestfriend bestfriend. Kelan pa kayo naging magbestfriend?!" Moshie exclaimed.
"Nung nasa resort tayo. Oh ano, may angal?" Poker faced na sabi ni Zoilo.
I remained silent towards their conversation. As much as possible,ayokong sumali sa usapan nila. Kasi baka mag break down lang ako pag ganun.
"Oh. Tahimik mo diyan?" Pagpansin sakin ni Moshie.
"Wala to. Wag niyo ko intindihin." Pagsusungit ko sakanila. I don't even know kung bakit ako masungit ngayon. It's just that, ugh. I wanna see her. I badly want to see her.
"Bro. Hindi ka ba makikipagkita kay Diana muna? Bago man lang siya umalis?" Zoilo asked me.
"Oo nga bro. Pupunta kami bukas sa school nila. Sama ka?" dugtong naman ni Lenard.
Sasama ba ako? O hindi? Alam kong pagsisisihan ko ng sobra kapag hindi ako sumama bukas.
"Fine. I'll go with you guys."
~
"Ah Brent."
Agad akong tumingin kay Chelsea habang naglalakad kami pauwi sa bahay nila. Bibisita na din ako kay Mama, sa kumupkup saakin."Oh. Bakit?"
I saw her worried face kaya kinabahan din ako."Ah si Diana. Aalis na diba?"
I nodded at her question. I tried to show her that I did'nt care. Pero mukhang nahalata niya."It's better na kausapin mo siya bukas. Wag ka nang choosy. Alam ko namang mahal mo yun e. By the way, sasama din ako bukas sainyo nila Moshie. Hihintayin daw tayo nila Kenneth sa gate ng school nila." And when she finished her sentence, nakita kong nag blush siya pagtapos niya mabanggit si Kenneth.
"Uyyy, bakit nag ba-blush ang bestfriend ko? Naks! Crush mo si Kenneth no? Ayiiieee!" Pang aasar ko sakanya dahilan para mas mamula siya.
"Che! Manahimik ka nga diyan! Psh."Hahahaha! Ang tindi naman magblush ng bestfriend ko! Hahaha!
"Uyyy! May bago na siyang cruuush! Di na niya ako crush! Hahaha!" Pero mukhang wrong move yun. She looks at me seriously and tell me something na nagpatahimik sakin.
"Alam mo bestfriend. Iba ang mahal sa crush okay? Tara na nga! Hinihintay ka na ni Tita dun sa bahay!"
So she still loves me? Argh. Manhid mo talaga Brent.
Kinabukasan
"Ayun sila Ken oh! Tara na!"
Zoilo, Moshie and Lenard ran towards them and give them a manly hug."Uy, dun na tayo sa loob? Sa cafeteria? Andun na sila Metch." Upon hearing her name, nakaramdam ako ng kaba na may halong excitement. Tch. Iba talaga pag mahal mo.
"Tara na." pag aaya ni Ken.
Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria nila, nauuna sila habang ako, nasa hulian.
Sabay sabay sila na naglalakad habang si Chelsea, kasabay si Kyrie na nakasalubong lang namin. Nang nakarating na kami sa cafeteria nila, natanaw ko kaagad sila Grace tsaka yung grupo nila Kurt.