#27- Throwback

44 0 0
                                    

Brent Charles' POV
Maaga akong gumising dahil sa usapan namin ni Diana.
Pupuntahan kasi namin ngayon yung mga lugar na madalas namin puntahan. Tsaka natanong ko na kagabi kay Zoilo yung nanalo sa Band Fest. Panalo yung Jordan Academy. Magaling din naman kasi sila.

"Oh anak.. parang bihis na bihis ka naman ata ngayon?"
Pagbungad saakin ni Mama.

"Ah.opo.. may lakad po kasi kami ni Diana." Nakangiti kong sabi.
Linapitan naman ako ni Mama at inakbayan.

"Really? You know what.. wala atang weekends dati na hindi kayo lumalabas at nagdadate ni Diana."
Oh? Totoo?

"Talaga po ma?"
agad namang tumango si Mama at ginulo ang buhok ko.

"Sana.. makaalala ka na anak. Sobrang saya mo nun anak. Sobra."
Maya maya pa ay may nagdoorbell na.
"Oh anak.. andiyan na ata si Diana. Sige... ingat kayo."
Nagbless muna ako kay Mama bago umalis at lumabas na.

"Ready ka na Brent?"
Nakangiti niyang sabi.
"Oo.. tara na."

~

UNA kaming pumunta sa may park.

"Pumupunta tayo dito dati?"
I asked her.

"Oo naman. At ang ginagawa lang naman natin dito, tumatambay at.."
Hinarap niya ako sa may ice cream stand.

"Kumain ng ice cream!"
Nakangiti niyang sabi kaya napangiti na din ako.
Lumapit na kami dun sa may ice cream at umorder ng dalawang ice cream.

"Ah..anong flavor ang gusto mo?"
She asked.

"Hmm.. rocky road nalang."
I said. Mula kasi nung mapunta ako dun kina Moshie, yun na yung lagi kong kinakain na ice cream flavor.

"Ah. Isa pong Rocky Road tsaka isa pong Cookies and Cream."
Umupo na kami dun sa katapat na bench ng ice cream stand.

"Akala ko.. favorite mo pa din ang Cookies and Cream."
Panimula niya.
Pansin ko naman ang paglungkot ng mga mata niya. Bakit?

"Favorite ko ang Cookies and Cream noon?"
Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang pagkain sa ice cream.
Darn it , nasira ko pa ata ang mood niya. Ano ba kasing ginagawa ko kapag nagtatampo siya noon?

"Ah Diana. Magkwento ka naman tungkol saatin noon oh."
Tumingin siya saakin at nagsimulang magkwento.

Sana talaga makaaalala na ako.

Diana Metch's POV

"Manong! Dalawang Cookies and Cream po para saamin ng pinakamagandang babae dito sa tabi ko."
Leche talaga tong Brent na to oh. Sabi ko sabihin niya kung babanat siya eh. Ayan tuloy, nagkaroon ng mga kabayo sa puso ko.

"Eto na iho."
Kinuha na namin yung ice cream at umupo na sa favorite bench namin dito sa park.

"Thanks pala."
I said habang sinusunggaban ko tong ice cream ko.

"Basta ikaw *winks"
Ehhhh. Bakit ba ang gwapo gwapo netong boyfriend ko?!

"Oy.. hahaha! Dahan dahan ka sa pagkain."
Diko siya pinansin. Instead, mas pinagtuunan ko pa ng pansin tong ice cream ko. Eh bat ba? Eh sa kinikilig ako eh! :3

"Tsk. Ang dungis mo naman kumain."
Inilapag niya yung baso ng ice cream niya sa bench bago niya ako hinarap sakanya.

"Oy. Ano bang-"

"Tsk.. dika mauubusan. Dahan dahan lang."
Napadako ang tingin ko sa daliri niyang pinahid niya sa dulo ng labi ko. Ugh. Kinikilig nanaman ako!
Pero eto pa ang mas ikinagulat ko..
Kinain niya yung ice cream na pinunasan niya sa dulo ng labi ko!

"Oy! Bakit mo ginawa yun?!"
Ngumisi siya sabay sabing..

"Gagawin ko lahat. Kasi mahal kita."
Ugh. Kinikilig nanaman ako.

"Really? Ginawa ko yun?"
Amazed niyang tanong saakin.

"Yeah."
Sabi ko habang tumatango pa.

"Well. Kasi nga.. mahal kita."
Agad akong napatingin sakanya. Eh sa nakakagulat eh! After 2 years... ngayon ko lang ulit narinig ang mga salitang yun.. galing mismo sakanya.

"Ah.. paano naman pag nakakaroon tayo ng away? Tampuhan? Kwento mo nga."
Nakangiti niyang sabi saakin.
Baka inaalis niya na yung awkward atmosphere dahil dun sa sinabi niya kanina.

"Ah.. sige."

Ugh! Naiinis na talaga ako kay Brent! Kanina pa siya hindi nagtetext. Sabi niya, magtetext siya pag nakarating na sila dun sa inassign na lugar sakanila ni Sir.

May project kasi kami. Then kelangan namin puntahan yung lugar kung saan makakabili ng ganun. Pero sa kasamaang palad, iba ang kapartner niya sa project!
Si sir kasi eh! Argh!
At ang partner niya pa? Yung nagkakacrush sakanya! Yung Angelina ba yun? Argh! Naiinis talaga ako!

"Diana. Okay na to no?"
Tumango nalang ako dito sa kapartner ko, si Carlo.

"Nagtext na ba sayo si Ugok?"
Umiling nalang ako at umupo sa may waiting shed ng barangay na to.

"Ay oh. Hayaan mo. Baka walang signal dun. Tara na. Uwi na tayo."

Nang maihatid na ako ni Carlo sa bahay, pumasok na ako sa loob. Pero laking gulat ko nang makita si Brent sa sala namin.

"Anong-"

"Sorry kung di ako nakapagtext. Walang signal dun eh. Tsaka nawalan ako agad ng load."
Halos manlambot yung mga tuhod ko dahil sa mga yakap niya .
Mga yakap niya na ginantihan ko naman.

"Sa susunod kasi, mag unli ka. O di kaya sabihin mo nalang na walang signal dun."
Sabi ko habang nakayakap pa din siya saakin.

"Opo. Sorry ulit. Iloveyou."
Yiiieeee.

"Iloveyoutoo.."

"Oh. So.. mahilig akong.. yakapin ka?"
Nahihiya niyang tanong.
Tanging tango lang ang naisagot ko.
Pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

He pulled me into a tight hug and whispers these words..

"I'm sorry kasi hindi pa ako makaalala. But i can feel it. I know that i love you. Gusto ko lang makasigurado. But one thing's for sure. I like you Diana."

Oh. My. Gosh.
Can please someone check my heartbeat? It's getting abnormal!

Evans Jedrix's POV
Napakuyom ang mga kamay ko sa mga nakikita ko. Brent . Metch. Magkayakap. Ugh. Ang sakit. Sobrang sakit.
Dibale.. pansamantala lang yan.
Kasi panigurado, babalik saakin si Metch.

"Jedrix. Alis na tayo. Sinasaktan lang natin ang mga sarili natin."
Sumunod nalang ako kay Chelsea at sumakay na sa kotse ko.

Well.. Sino si Chelsea sa buhay ko?
She's my ex girlfriend.
11 months din kaming tumagal. Pero nakipagbreak ako sakanya dahil gusto kong takasan ang responsibilidad ko sakanya.
Responsibilidad na maipapasa kay Brent dahil sa kagaguhan namin ng babaeng to.
Responsibilidad ko bilang..

Ama sa anak namin.

*****
UD guys :) BTW.. dapat kanina ko ito ipupublish dahil nga Valentines. Pero ayaw magregister yung GoSurf15 ko eh. Pero buti nalang.. nakahabol :) Happy Valentine's Day guys! Vote and comment :)

Over AgainWhere stories live. Discover now