#15- Muntik na

40 0 0
                                    

BRENT CHARLES SA MULTIMEDIA :)

*******
Diana Metch's POV

"Ayan..okay na ba?"
I asked Kyrie..

"OO..okay na. Kaya gora ka na. Tsk. Ang alam ko pa naman sa lola ni Jedrix.. ayaw siya ng pinaghihintay. Gora!"

"Sige!"
Dali dali akong tumakbo pababa sa building namin. At buti nalang, malapit dito ang canteen.

Wooooh! Kaya mo to Metch!

Nang marating ko na yung canteen, agad kong nakita sa labas si Jedrix.

"Uy Metch! Tara na.. andito na si Lola.."
Kinakabahan akong sumunod sakanya papasok sa canteen.

Woooh! Keri lang!

"Lola.. andito na po si Metch.. Metch. Si Lola Helga.."
Tumambad saakin ang isang magandang babae na mga nasa 70's na ang edad. Mukha siyang mataray pero ang ganda ganda niya pa din. Sobra.

"Ah.. hello po.."
Nahihiya kong kinuha ang kamay niya at nagmano.

"Godbless you ija.. Jedrix ,I orderan mo naman kami ni Metch ng maiinom."

"Ah. Sige po Lola."
Umalis na si Jedrix at kami nalang ni Lola ang naiwan dito.

"So.. tell me about yourself.."
Napalunok ako agad at pilit na ngumiti.

"A-ah.. ano po.. Diana Metch Saavedra po ang whole name ko. Yung mga parents ko po , sila Gilbert and Helga Saavedra.."
Nakita ko ang pagngiti ni Lola Helga sa sinabi ko.

"Parehas pala kami ng name ng Mom mo.. go on.."
Napangiti na din ako.. Hindi naman pala siya mataray. Ang bait ni Lola Helga :)

"May dalawa po akong Kuya. Si Kuya Lance Rayben po na kakadating lang galing Korea. Dun po kasi siya nagfirst year college pero dito na din daw po niya itutuloy. Tapos po si Kuya Josh Iverson po. Grade11 po siya ngayon dito "
Mukha namang nagulat si Lola Helga sa narinig.

"So kapatid mo ang boyfriend ng apo kong si Hannah? What a small world."
Amazed na sabi ni Lola.
Sakto namang dumating si Jedrix bitbit ang tatlong Pepsi.

"Thank you apo."
Nagkwentuhan pa kami ni Lola Helga.

Hanggang sa inutusan niya ule si Jedrix.

"So iha.. kelan kayo nagkakilala ng apo ko?"
Grabe. Ang ganda pa din talaga ni Lola Helga.

"Ah. Nung Battle of the bands po nung summer."
Bahagyang natawa si Lola Helga.

"Basta iha. Ipinagkakatiwala ko sayo ang apo ko. Ikaw na ang bahalang magdisiplina diyan ah? Pasensya na kung makulit yan. Atsaka iha, maiintindihan ko kung masasaktan mo siya. Wala namang kayo eh. Pero sana.. dumating sa punto na mahalin mo din siya.. ayoko ng maulit yung nangyari sakanila ni-"

"Madame Helga. Flight niyo na po in 2 hours. We better go, traffic pa naman po."
Sabi ng isang parang assistant niya.

Pero sino yung tinutukoy ni Lola dun? Argh! Panira naman yung assistant niya e :3

"Oh.. okay. Just give me a minute."
sabi niya sa bodyguard niya tsaka humarap saakin.

"Iha.. magiingat ka lagi. Lagi mo ring iingatan yang si Jedrix ha? Hope to see you again soon iha.."

"Sige po Lola Helga.. magiingat po kayo.."
Ngumiti naman siya saakin at may binulong.

"I like you for my grandson. Kung ikaw na din lamang ang magiging asawa niya edi okay na okay!"
Ramdam ko ang paginit ng mukha ko sa sinabi ni Lola.

"Biro lang iha.. sige aalis na ako. Ingat ka palagi ah.. si Jedrix.. alam mo na."

"Opo Lola Helga.. salamat po"
Lumapit ako sakanya and I give her a quick hug tapos beso beso.

"Bye iha!"

"Babay po!"
Pinanood ko habang makalabas ng canteen si Lola Helga.
Para siyang lola ko..
Haaaay. Bigla ko tuloy namiss si Lola Victoria.

"Hey.. bukas nalang ako papasok ah. Ihahatid ko pa si Lola sa airport eh."
Nginitian ko naman si Jedrix.

"Ano ka ba...okay lang. Ingat kayo ah."

"Opo.. sige. Bye. Iloveyou."
Ngumiti nalang ako sakanya at pinanood din na makalabas ng canteen.

Wala naman na akong gagawin dito.
Kaya nagdecide nalang ako na bumalik nalang sa classroom..

~

"Oh ano.. kamusta naman?"
Kyrie asked habang nagsusulat siya ng notes.

"Ayun..okay naman si Lola Helga. Ang bait niya! Tapos ang ganda pa! Nasa lahi na ata nila Jedrix yun eh.."
Bigla namang napatingin saakin si Kyrie sabay flip ng buhok niya..

"Oh well.. talagang nasa lahi na namin ang kagandahan at kagwapuhan Metch.."

Loka loka talaga to.

"May lakad ka ba mamaya babaita?"
I asked her.
Trip ko sana mag mall..
Bukas ko nalang dadalawin si Madz, sabi niya kanina eh. Pahinga muna daw siya bago makitsismis. Gaga no?
"Oo babaita eh. Sensya."
Hay. Mukhang date with myself to ah.

MALL

6:30 P.M. na..
Medyo marami na din akong napamili nang makaramdam ako ng gutom.
Dumiretso nalang ako sa favorite kong Jollibee at umorder ng coke float at fries. Wala eh.. diet muna ako ngayon XD

Nang makuha ko na yung order ko ar maubos ko yubg fries, nagstart uli akong maglibot libot.

Bale yung coke float nalang ang dala ko ngayon.

Naisipan kong pumunta sa may bookstore. Wala lang.. titingin lang ng bagong pop fiction book.

Third Person's POV
Habang naglalakad si Metch sa kabilang shelf, nasa kabilang shelf naman si Charles.

Napansin ni Metch sa space ng shelf ang isang pamilyar na mga mata. Sobrang pamilyar. Wala namang kaalam alam si Charles na nasa kabilang shelf lang ang babaeng minahal niya.. at di niya namamalayang papunta na ang babaeng iyon na umiiyak dahil sakanya.

*krrriiing!*
Natigilan si Metch sa pagpunta sa kabilang shelf nang magring ang phone niya.

Incoming call:
Jedrix.

"Wrong timing naman oh.."
Sinagot na agad ni Metch ang phone call.

"Bakit?"

"Chill. Nasaan ka? Andito ako sa tapat ng bahay niyo?"
Nagulat si Metch. Pero ayaw pa niyang umalis sa mall.

"Ah.. bukas nalang Jedrix.. bye!"
Binabaan ni Metch ng telepono si Jedrix. At si Jedrix naman.. takang taka.
Inilibot ni Metch ang tingin niya sa bookstore.. pero wala na dun si Charles.

Napagdedisyunan niya na maglibot nalang ulit sa mall..

"Nakakainis! Diko pa yun nakita! Nakakainis talaga!"
Parang batang nagtatantrums si Metch sa mall pero wala siyang pakialam.

"Nakakainis talaga! Nakaka-"
Natigilan siya sa nakita. Si Charles. Palabas na ng mall.

Tumakbo palabas si Metch kahit na nasa 2nd floor pa siya.

"Excuse me! Excuse me po!"
Ginawa na lahat ni Metch. Pero di pa din niya ito naabutan. Kaya napaluha nalang siya.

"Buhay ka ba talaga Brent Charles?"

******
UD UD UD! Hahahahha!

Over AgainWhere stories live. Discover now